--------
***Third Person's POV***
-
Larawan ng isang demonyo na bumaba sa lupa ang hitsura ni Dylan habang pababa s'ya sa basement ng headquarters. Madilim ang kanyang anyo at ubod ng talim ang mga mata n'ya na para bang kaya n'yang patayin ang isang tao sa titig lamang n'ya.
The Pit. A dark, grimy underground room in a basement. It’s barely lit, making it feel suffocating and oppressive. The floor is stained with blood and dirt, showing signs of past violence. Chains or restraints hang from the walls, and a single chair and table are used to tie up victims during interrogations. The air is thick with fear and tension. It’s a place where enforcers use physical violence, like punches and kicks, to extract information or punish people.
At ngayong gabi na ito, mukhang may ihahatid na naman siya sa impyerno. Ang pinakaayaw niya ay ang may mangialam sa mga gamit niya, sa mga bagay na pag-aari niya, na parang hindi man lang siya kinatatakutan ng mga gumagawa nito. Ngayon, ipaparamdam niya sa kanila ang mga consequences ng ginawa nila sa kanya. Nagkamali sila ng kinalaban, sapagkat siya si Dylan Saavedra, the heartless mafia boss.
Pagpasok n'ya sa The Pit ng HQ (Headquarters), sumalubong sa paningin n'ya ang tatlong lalaki na nakaupo sa upuan at nakagapos ang mga kamay ng mga ito patalikod. Duguan ang mukha ng mga ito dahil sa binugbog na ito ni Javier, ang kanyang underboss.
"They are the ones who wrecked your most beloved car. What would you like to do to them?" tanong ni Javier sa kanya. Wala itong suot sa itaas na bahagi ng katawan, pawis na pawis ito na parang galing sa pag- eehersisyo. If he is a devil, this man is a crazy devil too.
Matalim ang titig n'ya sa tatlong lalaki. Mga bata pa ang mga ito pero parang mga mantsa na sa lipunan ang mga ito. Sa hitsura ng mga ito, halatang minors pa ang mga ito.
"S- Sino ka?" tanong ng isa na nakapagsalita pa. Ang dalawa ay halos wala nang ulirat. Mukhang masyadong nag- enjoy si Javier sa mga ito. Pero wala s'yang pakialam. He still wants to make them taste his wrath.
Hindi s'ya nagsasalita. Sinenyasan n'ya ang isa sa mga tauhan n'ya, may pinapakuha s'ya dito. Agad naman ito tumalima, may kinuha ito at ibinigay nito sa kanya ang isang latigo.
"A- Anong gagawin mo sa mga iyan?" tanong ng isa na malakas- lakas pa. "P- Please pakawalan mo na kami. H- hindi namin alam na kotse mo ang pinagbabasag namin. T- Tama na ang pagpaparusa mo sa amin."
Pero hindi s'ya nakinig. Galit s'ya. At hindi s'ya dapat ginagalit dahil mabubuhay ang demonyo sa katawan n'ya.
Mayamaya lang, ungol sa sakit at sigaw ng mga taong nasasaktan ang bumabalot sa buong kwarto. Walang awa na pinaghahampas n'ya ng latigo ang mga ito kahit bugbog sarado na ang mga ito. Hanggang sa nagsawa na s'ya nang nakitang halos hindi na humihinga ang tatlong lalaki.
Ibinigay n'ya ang latigo sa tauhan pagkatapos, saka nya inayos ang suot n'yang polo. Natatawa naman si Javier na parang tuwang- tuwa sa ginawa n'ya.
"Gamutin mo sila. Make sure that they won't die." aniya kay Cyrus, kabababa lang ito, isa din ito sa kanang kamay n'ya na katulad ni Javier. Kumpara kay Javier, mas mabait naman ito. Isa itong doctor at ito inaasahan n'ya pagdating sa mga medical case. "I'm not done of them."
Lumabas siya at pumanhik na s'ya sa itaas. Pumasok agad s'ya sa opisina n'ya dito sa HQ. Napaupo s'ya. Mayamaya lang, pumasok sa pinto ang PI ng grupo n'ya. Pinapatawag n'ya ito.
"Yes boss. Any job for me."ani nito.
"Gusto ko ng mga impormasyon tungkol sa mga tuta ko sa baba." ang tinutukoy n'ya ay ang tatong lalaki. "I want it. ASAP."
"Expect it tomorrow."
"Go now. I don't want to be disturb."
Mabilis naman lumabas si Titus sa kanyang opisina. Bumuntong- hininga siya. Naupo siya sa kanyang swivel chair at marahang nag-recline. Ipinatong niya ng kanyang mga paa sa mesa. Ramdam niya ang pagsakit ng kanyang sentido, kaya hinilot-hilot niya ito habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ngunit agad din niyang iminulat ang mga ito.
Muling bumalik sa kanyang gunita ang malagim na nakaraan—isang alaala na patuloy na bumabagabag sa kanya hanggang ngayon. Lagi pa rin siyang binabangungot nito. Alam niyang matatahimik lamang siya kapag naipaghiganti na niya ang kanyang pamilya sa mga walang pusong tao na sumira sa kanilang masayang buhay. Ang kagustuhang maghiganti ang nagtulak sa kanya upang maging lider ng isang mafia group.
Umayos s'ya sa pagkakaupo. Kinuha n'ya ang baril n'ya na nasa ibabaw ng mesa. Nanlilisik ang mga mata n'ya na nakatingin sa dingding. Pitong tao. Tatlo na ang napatay n'ya, pinatay n'ya sa torture. Ngayon, apat nalang ang pinaghahanap n'ya, isa na dito ay ang demonyong lider ng mga ito. Gagawin n'ya sa pamilya nito ang ginawa nito sa pamilya n'ya. Ito ang dahilan kaya nasilang ang demonyo sa loob n'ya. And he won't stop hanggang sa makontento s'ya sa paghihiganti n'ya.
Hindi niya napigilan ang sarili at tinarget ang mga larawang nakadikit sa plan wall niya—mga larawan ng pitong lalaking gusto niyang paghigantihan. Sila ang sumira sa masayang pamilya niya.
Kinasa niya ang hawak na baril at isa-isa niyang pinaputukan ang mga ito. Sapol ang bawat larawan sa ulo. Hindi pa siya nakontento, kaya inulit-ulit niya ang ginagawa, habang ang puso niya ay nababalot ng matinding poot. Hanggang sa nagsawa na siya, halos wasak na ang plan wall ng opisina niya dahil sa mga tama ng bala.
“What happened here?” tanong ni Javier, kakapasok lang nito sa opisina. Napatingin ito sa plan wall na puno ng tama ng bala, pati na rin sa mga larawan, lalo na ang nasa gitna—ang lider ng mga lalaking nasa listahan niya.
Hindi niya sinagot si Javier, na tila naiintindihan na ang nangyayari.
“You need to calm down, boss. You need to take your calming medicine,” sabi nito.
Masasabi mang malulupit sina Javier, Cyrus, at Titus, ngunit tunay niyang maasahan ang mga ito—mga kaibigan niya ang mga ito sa loob at labas ng organisasyon.
Oo, umiinom siya ng gamot para pakalmahin ang sarili, pero ngayon, ibang gamot ang makakapagpakalma sa kanya—ang makapaghiganti. Kaya ganoon na lang ang galit na ibinuhos niya sa mga larawang iyon, tadtad na ngayon ng bala.
"I can only be calm until I saw them all lifeless." Kuyom ang kamaong sabi niya.
"It would happen."si Javier
Isang marahas na buntong- hininga ang pinakawalan n'ya.
Umupo ito sa harapan ng mesa n'ya. At iba ang topic na binuksan nito para siguro mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay.
"I heard from Titus that you took a sleeping woman to her home."
That bastard just can’t help being a gossip. That jerk will be going to pay this tomorrow.
"This is the first time that you took the woman in her home. You're not gentle to them." pagtataka ni Javier, kahit s'ya ay nagtataka din. Kung ibang babae ito, pinabayaan na n'ya ito. But that woman, he become different, and he hate it.
"Kung ano man ginawa ko, it was nothing. I am just returning the favor."
"Favor? What favor?"
F*ck! Ano nga ba na favor?
"It's not time to talk about that Javier, we have some important things to talk about. Much important than that woman."
"You are right!"
They were discussing the new illegal orders he had received, along with his other questionable businesses. Despite this, he also runs legitimate companies. Even without his criminal operations, he is a powerful multi-billionaire. As the only heir to a massive fortune, he inherited a legacy that was not easy to reclaim. Taking back his family’s business came at a high price—lives were lost to recover what his parents had worked so hard to build.
----------
Bagama't nasa maayos nang kalagayan ang tatlong minor na sumira sa kotse niya, mahina pa rin ang mga ito. Nakuha na niya ang hinihingi niya kay Titus—ilang impormasyon tungkol sa kanila. He will punish them according to their history.
"Pakawalan mo ako dito! Hindi mo ba ako kilala? Isang maimpluwensyang tao ang ama ko. Pakawalan mo ako ngayon din!" sigaw ng isa. Kagabi, parang hindi na ito humihinga, pero ngayon, sobrang tapang na.
"Roderick Escalante. Anak ng isang congressman. Kaya pala ang lakas ng loob mong magtapang-tapangan—dahil sa ama mong congressman," aniya dito.
"Oo, ano bang kasalanan ko sa'yo?" sagot nito.
"You didn't know? You wrecked my car."
"Ano ngayon? Katuwaan lang naman iyon. Kung ikinasama ng loob mo, sabihin mo ang presyo ng kotse, at babayaran ko."
Maikli ang pasensya niya, at ang mga tulad nito ang talagang uubos sa kanyang pasensiya. Ang galing pa rin magmayabang, ginagamit ang impluwensya ng mga magulang para makapang-apak ng ibang tao.
"That car is worth 20 million pesos but it's not about the money, it's about respect of someone else property." napatingin siya muli sa file nito. At napagiwi sya. "It says in your file that you are 17 years old. 3 months ago, ini- reklamo ka ng r*pe sa anak ng katulong nyo pero hindi ka nakulong dahil sa impluwensya ng pamilya mo at dahil na rin sa minor ka daw. Napawalang- sala ka dahil sa ginamit ng pamilya mo ang pera nyo."
"That woman is a b*tch. I didn't r*pe her, matagal na syang may gusto sa akin. Pinagbigyan ko lang siya. Sya mismo ang nag- offer sa sarili nya sa amin magbabarkada. Gusto pa n'yang umulit at dahil sa ayaw na namin sa kanya kaya pinalabas niya na ni- r*pe namin sya."
Mas lalong tumindi ang galit nya sa narinig. Hambog ang lalaking ito. Kaya sa galit nya, kinuha nya ang baril nya at itinutok nya ito sa ulo ng isang kasama nito. What he hated most. Rap*st. Sinira ng mga rap*st ang pamilya niya.
"Bosing, wag nyo po akong patayin." nanginginig na sabi ng isa.
"Aminin mo sa akin ang ginawa nyo kay Marissa Alano. And don't you dare to lie to me. I can read minds. At hindi ka sasantuhin ng baril ko oras na magsisinunggaling ka sa akin."
Takot na takot ito pero kalaunan, inamin na rin nito ang ginawa nitong kasalanan at nang barkada nito. Na ginahasa talaga ng mga ito ang babaeng tinutukoy ni'ya pero ginamit ng magbabakarda ang pera ng pamilya ng mga ito para mapawalang sala ang mga ito.
Galit na galit s'ya sa narinig. Naikuyom n'ya ang kamao n'y sa matinding galit. Hindi na nya napigilan ang sarili at naiputok nya ang baril, sapol ang lalaki sa ulo nito at patay ito agad.
Takot na takot naman ang dalawa sa ginawa niya. At ngayon, itinutok naman n'ya ang baril sa ulo ni Roderick.
"Please, wag nyo akong patayin, aamin na ako sa kasalanan ko. Pagbabayaran ko ang kasalanan ko. Wag nyo lang akong----"
"I'm sorry but I won't negotiate with a rap*st. " aniya, at walang pang- alinglangan na ipinutok nya ang baril. Halos sabog ang ulo nito.
All he wanted was to bring justice for what they had done to the woman who had simply wanted to take care of her family. They had shattered her life, much like how those rap*sts had ruined the lives of his own mother and sisters.
The memories of those past horrors fueled his anger, making his need for revenge even more intense. With a determined look, he signaled to one of his men, who immediately moved closer, awaiting his command. "I want you to find these two men--" ang tinutukoy n'ya ay ang dalawang kabarkada pa ni Roderick na kasali sa panggagahasa sa isang babae. "And have them executed too. Walang karapatan mabuhay sa mundo ang mga rap*st."
Tumalima naman ang tauhan n'ya. Mayamaya lang napaharap na s'ya sa isa pang lalaki. Takot na takot itong nakatingin sa kanya, namumutla nga ito.
Benjie Lopez. He can help but to have his mischievous grin.
"W- Wala akong kinalaman sa panggagahasa kay Marissa, ang kasalanan ko po ay sumunod ako sa kagustuhan nila na sirain ang kotse mo para mapasali ako sa barkada nila. Wala din akong perang pambayad sayo pero nakikiusap ako, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon." nakikiusap ang titig nito.
"Of course, I won't kill you. You're lucky that you have a sister that I want in exchange for you. I'll set you free, but in return for your freedom, your sister will take your place."
"N- No! P- please wag mong idamay ang k- kapatid ko. W- Wag mong idamay ang ate ko dito. Wala siyang kasalanan, napakabuti n'yang ate. Wag mong s*yang idamay dito. Ako nalang. Patayin mo nalang ako." nagsumamo ang titig nito, napatulo na ang luha nito.
Napangisi s'ya.
"Paano ngayon? I really want your sister." saka nya inilapit ang mukha sa tenga nito. "Hindi ikaw ang magdedesisyon para sa inyong dalawa ng kapatid mo kundi s'ya. Gusto kong malaman kung gaano ka kamahal ng maganda mong kapatid."
He laughs in demonic way. Hindi nakakatuwa ang tawa n'ya kundi nakakatakot ito.