---------
***Vienna's POV***
-
Nararamdaman ko ang sobrang kaba. Halos hindi ako makakain at hindi mapakali. Labis na akong nag-aalala sa kapatid ko. Ilang araw na itong hindi umuuwi, at hindi ko rin ito matawagan. Hindi ko kilala ang mga bagong kabarkada na sinamahan nito. Tinatanong ko na ang mga kaibigan ng kapatid ko, pero sinasabi nilang matagal na itong hindi sumasama sa kanila dahil nakakita ito ng mas nais nitong samahan, kung saan mas makikinabang ito.
Takot na takot ako, lalo pa’t sunod-sunod ang mga pagkamatay ng mga kabataan na kaedad ng kapatid ko. Apat na katawan na ang nakita, at tulad ng kapatid ko, may mga problemang pangkabataan din ang mga ito. May nagsabi sa akin na isa sa mga nahanap na patay ay kasama sa barkada ng kapatid ko. Kaya't halos pumutok na ang puso ko sa takot na nararamdaman ko.
Hindi ko kayang isipin na may masamang mangyari kay Benjie. Mahal na mahal ko siya, at siya na lang ang natitira sa akin. Kami na lang dalawa ang nagdadamayan dahil wala kaming ibang kamag-anak.
"Anong nangyari? Kanina ka pa tila wala sa sarili, Vienna," tanong ni Rose sa akin. Hindi ko magawang mag-focus sa trabaho ko kaya madalas akong mapagalitan ng boss namin. Kanina rin, marami akong pagkakamali sa tutorial center na pinagtatrabahuhan ko.
Hindi ako mapakali, ang laman ng isip ko ay ang kapatid ko. Ang tanging gusto ko lang ay makauwi siya. Hindi ko siya pagagalitan, kahit ilang araw pa siyang hindi umuuwi, basta makauwi siya nang buo at nasa mabuting kalagayan.
Kagabi, napaginipan ko si Benjie. Umiiyak siya, puno ng dugo ang katawan, at humihingi ng tulong sa akin. Natatakot ako. Natatakot ako sa panaginip na iyon. Minsan kasi, ang mga panaginip ko ay may nais iparating sa akin. Ito ang napansin ko simula pa nung bata ako.
Bago namatay ang mga magulang ko, napaginipan ko ang mga duguang katawan nila. At nangyari nga, sabay silang namatay sa isang disgrasya. Kaya mula nang magising ako kanina, naramdaman ko ang matinding kaba na pumipigil sa akin upang makagalaw ng maayos. Hindi pa rin nawala ang kaba na iyon hanggang ngayon.
"Si Benjie kasi, ilang araw nang hindi umuuwi. Nag-aalala na ako ng sobra sa kapatid ko," sabi ko.
"Hay, ang kapatid mo na naman ang dahilan kaya ka nagkaganyan. Hayaan mo na 'yon. Malaki na 'yon!" sagot ni Rose.
"Hindi pwedeng pabayaan ko na lang ang kapatid ko. Kahit half-brother ko lang si Benjie, pero mahal na mahal ko siya."
"Vienna..." inilagay ni Rose ang isang kamay sa balikat ko. "Alam mo, stress na-stress ka na, at ang dahilan kaya ka nagkakaganyan ay dahil ang kapatid mo hindi man lang pinahalagahan ang lahat ng sakripisyo mo para sa kanya."
Hindi na ako nagsalita. Tama naman siya, pero kahit ganun, hindi ko pa rin kayang talikuran at pabayaan si Benjie.
Halos lahat ng ginagawa ko sa gabing iyon ay palpak, kaya pagkatapos ng shift ko, pinatawag ako ng boss ko.
"Ano bang problema mo, Vienna? Mabait akong amo, pero alam mong ayaw na ayaw ko ng mga tauhang nagkakamali dito sa club. Lahat ng pagkakamali mo kanina, pati na ang nabasag mong baso, ay ikakaltas ko sa sahod mo," ani ni boss. Nakayuko lang ako.
"Ayaw ko ng mga tanga dito sa club ko, Vienna. Kung magpapatuloy kang magtanga-tangahan, baka tatanggalin kita sa trabaho mo bilang waitress. Marami ang nag-request sa'yo. Sa dami ng utang mo sa akin, baka ibenta na kita sa isa sa mga customer na gusto kang makasama sa private room." Marami talaga akong utang kay boss, kaya nga kalahati na lang ang sahod ko sa pagtatrabaho ko dito sa club. Nagkasakit kasi si Benjie nung isang taon, at si boss lang ang naisip kong pwedeng utangan. Pinautang naman niya ako, pero halos 50% ang interest, kaya kalahati na lang ang sahod ko.
"Muntikan pa akong napahamak dahil sayo nung tinakasan mo si Dylan Saavedra. Pasalamat ka at umalis din si Mr. Saavedra at hindi na pinansin ang ginawa mong pagtakas. Ano ba kasi ang iniingatan mo d'yan sa sarili mo?"
Nanatili akong nakayuko, at pumatak na ang mga luha ko. Hinawakan ni boss ang balikat ko, kaya tulong luha akong napataas ang mukha ko at tumingin sa kanya.
"Ayusin mo ang sarili mo kung ayaw mong bukas ay naka-booked ka na kay Mr. Santos. Malaki ang in-offer sa akin ng matandang 'yon. Hindi mo lang mababayaran ang lahat ng utang mo sa akin, magkakapera ka pa dahil bibigyan kita ng porsyento. Ano na, Vienna? Tatanggapin ko na ba? Okay lang ba sa'yo? Mas mabuti pang pagperahan mo 'yang pagka-birhen mo kaysa ibigay mo lang sa isang lalaki na wala kang makukuha."
"No, boss!" sambit ko nang tuloy luha. "Wag po, hindi ko kaya."
"Bweset naman, oh! Bakit ba ang arte mo? Ano bang---"
Napatigil si boss nang biglang bumukas ang pinto.
"You’d better watch what you say to my boss’s woman, Mr. Tayson. If my boss hears about it, you might end up regretting it. He’s not the kind who takes such disrespect lightly. You could even lose that tongue of yours," ani ng lalaki. Guwapo siya, maganda ang pangangatawan, at matangkad.
Tila naman naumid ang dila ni boss.
"J- Javier!" napalunok si boss. May sekreto talaga si boss na hindi alam ng nakararami. Isa talaga siyang bakla at mukhang may gusto siya sa lalaking pumasok. "A- Anong ginagawa mo dito?"
"I'm just going to take my boss’s woman."
Nagulat ako nang bigla akong hinawakan ng lalaking tinatawag na Javier ng boss ko.
"Sorry, hindi ko alam na---"
"Come here!" ani ng lalaki sa akin. Magaan ang kanyang mukha. Mukha naman siyang mabait, pero hindi ko maintindihan kung bakit natatakot ako sa kanya.
"Bitawan mo ako. Anong kailangan mo sa akin?"
"Wala akong kailangan sa'yo, woman. 'Yong boss ko ang may kailangan sa'yo."
"H-Hindi ko kilala ang boss mo. P-Please, bitawan mo ako!"
Nabuhay na naman ang matinding takot sa akin. Nagpupumiglas ako, ayaw kong sumama sa kanya.
"Wag mo akong galitin, woman. Ako pa sa'yo, sumama ka na sa akin ng maayos, ayaw pa naman ng boss ko na magalusan ka. Alam mo ba kung ano ang kaya niyang gawin kapag may makita siya kahit maliit na pamumula sa braso mo? Mababuhay ang demonyo sa kanya at kaya niyang pumatay sa galit."
Anito, dahilan para mangilabot ako ng sobra.
"Sumama ka na, Vienna, wag ka ng mag-inarte. Baka sa pag-iinarte mo d'yan, sa hukay ka na..."
"Watch your mouth." Galit na sabi ng lalaki kay boss. "You're not allowed to say anything to her."
Napaurong si boss, halatang takot na takot sa lalaki.
"Please, hindi ko kilala ang boss mo. Nagkamali ka lang. Hindi ako ang babae ng boss mo," umiiyak kong sabi.
Hindi ko na alam kung bakit sunod-sunod ang mga hindi magagandang nangyayari sa akin. Muntikan akong magahasa kung hindi lang ako naligtas ng isang lalaki na sinasabing mapanganib. Akala ko katapusan ko na, pero nagising na lang ako na nasa bahay na ako at natutulog sa kama ko. Nakakatakot lang si Dylan Saavedra, pero hindi ko naman masasabi na mapanganib siya, wala naman siyang ginawang masama sa akin.
Pagkatapos naman ay itong pagkawala ni Benjie, hindi ko na alam kung nasaan ang kapatid ko. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Nag-aalala ako ng sobra dito. Tapos, heto na naman ngayon. May lalaking gustong kunin ako para dalhin ako sa boss nito. Bakit nagkaganito bigla ang buhay ko?
"If you want to see your brother alive, then go with me. Pero kung gusto mo naman makita ang kapatid mo na wala ng ulo, wag kang sumama sa akin."
Nanginig ako nang binanggit niya ang kapatid ko.
"Nasaan ang kapatid ko? Ano ang ginagawa mo sa kanya?"
"You want to know? Then you will go with me."
Wala akong nagawa. Kahit natatakot ako, sumama pa rin ako sa lalaki. Nanginginig ako sa takot at walang tigil sa pag-agos ng luha ko nang sumakay ako sa kotse niya. Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan ko sa pagsama ko sa kanya, pero paano na ang kapatid ko? Paano na si Benjie?
"Here’s a tip, miss: my boss can't stand women who cry easily. So, if you want to get on his good side, keep the tears in check. Kung hindi ka niya magugustuhan, kayang-kaya ka niyang patayin agad. But if he does, he’ll make sure you die of pleasure in bed instead," nakangisi niyang sabi, na mas nagpakilabot sa akin.
"S-Sino ba ang boss mo?"
Kailangan kong malaman kung sino ang boss niya.
Isang nakakakilabot na ngisi ang pinakawalan niya bago siya magsalita muli. "Dylan Saavedra."
Pangalan ng nagdulot ng kakaibang damdamin sa akin--- takot ako, pero isang sensasyon ang nabuhay sa akin na hindi ko kayang ipaliwanag.
------------
Nanginginig ang mga kamay ko at nangangatog ang tuhod ko habang nakatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakaupo siya sa executive chair niya, habang may dalawang matitipuno at malalaking armadong lalaki na nakatayo sa magkabilang gilid niya.
Sa kabila ng nakakatakot niyang titig na parang agila, idagdag pa ang tattoo ng isang agila sa kanang braso niya, hindi ko man lamang mapigilan titigan at i-survey ang mukha niya. Ang napakaguwapo ngunit nakakatakot niyang mukha.
Ngayon ko lang napagmasdan mabuti ang kanyang mukha, at hindi ko lubos akalain na ito ang hitsura niya. Halos perpekto, parang sinadyang hinulma—na parang sa nobela ko lang mababasa.
His handsome face had a magnetic charm that drew everyone's gaze. With sharp features and piercing eyes, he commanded respect. His strong jawline and slight stubble gave him a rugged look, while his confident smile showed his self-assurance. His dark, styled hair framed his face, adding to his powerful presence. His striking appearance both intimidated and intrigued, reflecting the complex world of organized crime. This is how I would explain his almost perfect face.
At hindi ko din mapigilan i-survey ang halos perpekto niyang katawan nang tumayo siya. Hindi maitago sa suot niyang polo na nakabukas ang ilang butones ang kanyang almost perfect na katawan.
His tall and strong build clearly shows his physical strength. With broad shoulders and a well-defined torso from hours of training, his toned muscles reflect his commitment to staying fit. He moves with energy and alertness, as if he's always ready for action. Altogether, he represents masculinity with his rugged looks and charm.
"Buon giorno, mia signora!" aniya sa salitang hindi ko maintindihan. Wala akong nabasang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kalamnan ko. "Are you done surveying me? Do you know that I don't like being glanced at? But if it's you, I can make an exception for you."
Bigla kong naalala ang sinabi ni boss sa akin. Ayaw niyang tinititigan siya, pero ngayon nagawa ko siyang titigan. Paparusahan kaya niya ako sa nagawa ko?
"N- Nandito ako para sa kapatid ko," nilakasan ko ang loob ko. Kailangan kong maligtas si Benjie mula sa kanya.
"Do you know that your brother committed a grave sin to me? He wrecked my favorite car, which is worth 20 million pesos. I don't care about the money, but that car means a lot to me."
Napalunok ako. Paano ko mababayaran ang sasakyan niya na sinira ng kapatid ko? May malaking utang pa nga ako kay boss. Anong gagawin ko? Sa isipin ito, parang gusto ko na naman maiyak.
"At ang kaparusahan sa ginawa niyang kasalanan sa akin ay... kamatayan."