HM6: The Contract

1752 Words
------- ***Vienna's POV*** - Kinuha ni Dylan ang baril at hinimas- himas n'ya ito. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Ramdam na ramdam ko ang panginginig pati na ng kalamnan ko. "Please, let go of my brother. A- Ako nalang ang p-parusahan mo. P- Please, w- wag mo lang patay*n ang kapatid ko." namamasa na ang mga mata ko. Sobrang pagkaalala ang naramdaman ko para kay Benjie. Nagsumamo ang naluluha kong mga mata sa kanya. Umaasa ako na kahit papaano, makaramdam din s'ya ng awa. "Really?" Ngumisi siya, at nagtaas ng kilay. "And what can you offer to compensate me?" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko mapigilang kilabutan sa ginawa niya. Mainit ang kanyang titig, at parang napapaso ang balat ko nito. Biglang nag-init ang pakiramdam ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. Ano ba ang meron ako na pwede kong ialok? Wala akong kahit ano. Si Benjie lang ang natira sa akin, ang tanging kayamanan ko sa mundong ito. Kaya nga nandito ako—para kay Benjie. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kapatid ko. "How about... I want you to sign a contract with me," seryoso niyang sabi, habang nanatiling walang emosyon ang kanyang mga mata. Ang malamig na tono ng boses niya ay tila dagok sa dibdib ko. "C-Contract?" tanong ko, halos hindi ko maituloy ang salita dahil nanginginig ang labi ko. "Yes. A marriage contract," tugon niya nang diretso, walang alinlangan sa kanyang tinig. "M-Marriage contract?" Napalunok ako nang malalim, halos hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napapunas ako ng mga luha habang pilit na kinakalma ang sarili. Kahit natatakot ako, sinubukan kong salubungin ang malamig niyang titig. "If it's okay with you, then you will be my fourth wife," patuloy niya, ang bawat salita ay parang patalim na tumama sa isip ko. "F-Fourth wife?" Masyado akong nilamon ng takot at gulat, kaya wala akong ibang naisip kundi ulitin ang bawat salitang sinabi niya. "Yes. And don't worry, if you sign the contract, ikaw na lang ang asawa ko. P*natay ko na kasi ang tatlo kong asawa. Hindi kasi nila nagawa ang nag- iisang hiling ko lang sa contract. And that is to make me fall in love with them, at meron silang 365 days para magawa ito.” Sandaling napaawang ang labi ko. Pilit na pinapasok sa isip ko ang sinabi n'ya, hanggang tuluyan itong mag- sink- in. Hindi ko na kayang ipaliwanag ang takot na naramdaman ko. Napatulo na naman ang luha ko. "If I will be signing the contract, ganyan din ba ang hiling mo? At kung hindi ako magtatagumpay, papatay*n mo rin ba ako?" lakas loob kong tanong sa kabila ng matinding takot at pangambang naramdaman ko. Humakbang siya palapit sa akin, at napalaki ang mga mata ko nang haplusin niya ang pisngi ko gamit ang baril na hawak niya. Nanginig ako, pati ang dila ko ay nanginginig sa ginawa niya sa akin. "Yes, mia signora. You have to make me fall in love with you. You have 365 days to do that. Dahil kapag hindi mo 'yan nagawa, you will be executed," aniya bago niya ako binitawan at bumalik sa pwesto niya. Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha, mas lalong tumitindi. Ano kaya ang kapalaran ang naghihintay sa akin kung papayag ako sa kagustuhan niya? Paano naman ang kapatid ko kung hindi ako papayag? "Don't cry just like a helpless kitten in front of me. I don't a heart to feel pity. That's my proposition. You can say it no. You can say it yes." hinimas n'ya muli ang baril. "But if you against my proposition, ngayon din ay ipakuha ko na ang kapatid mo and I will k*ll him in front of you. If you agree, you need to sign the contract right away and your brother life will be spared. Which is which kitten? Decide right away, ayaw kong pinaghihintay ako." Kinalma ko ang sarili kong natatakot—hindi ako dapat panghinaan ng loob. Mayroon akong 365 na araw upang paibigin siya, 365 na araw upang makahanap ako ng paraan para iligtas ang sarili ko. Marami pa akong oras para makapag-isip ng plano kung paano ko ito magagawa. Pero ang buhay ng kapatid ko... wala na akong oras. Kung hindi ako pipirma ngayon, papatay*n niya si Benjie. Wala akong magagawa para mailigtas ang kapatid ko dahil wala akong laban sa kanya. Wala akong kapangyarihan para pigilan siya. "Pipirma ako. Pipirma ako ng kontrata," sabi ko nang matapang, kahit ramdam ko ang pagyanig ng aking boses, kahit tuloy-tuloy ang agos ng luha sa aking pisngi. "Good girl!" ngumisi siya, saka may kinuha na isang papel mula sa loob ng closet. "Then, sign this one right away," aniya na may kasamang malamig na titig. "Kailangan ko munang makita ang kapatid ko," sabi ko sa kanya, hindi alintana ang takot na nangingibabaw sa akin. "Your brother is safe. Now, kung ayaw mong patay*n ko s'ya sa harapan mo, sign that contract right away. I won't negotiate, kitten. And don't you dare making me lose my patient, believe me, I'm not that person you want to deal with it." Wala akong nagawa, kinuha ko ang ballpen at nanginginig ang kamay ko habang pinermahan ang kontrata na magbubukas sa daan ko patungo impyerno. Kinuha naman nya ang papel na penermahan ko. Tila demonyo ang ngisi na pinakawalan n'ya. Isang napakaguapong demonyo. "Welcome to my world, kitten. And I call this world--- a hell. Now, you only have 365 days to make me fall in love with you, failed to do so will cost your life." aniya, na nagdulot ng matinding kilabot sa akin. Tumawa siya muli, ngunit ang tawa niya ay hindi nakakatuwa—nakakatakot. Kinalma ko ang sarili ko. Kailangan kong masiguro ang kalagayan ng kapatid ko. Gusto kong makita siya at matiyak na ligtas siya. "Saan na ang kapatid ko? Gusto kong makita ang kapatid ko," mariin kong sabi. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan siya. "Javier, dalhin mo na siya rito," utos niya bago ibinaba ang telepono. Ibinaling niya sa akin ang malamig at nakakatakot na titig niya. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kumuha sa akin kanina sa club. Kasama niya ang isang lalaking halos hindi ko makilala—ang kapatid kong si Benjie. Halos hindi ko siya mamukhaan dahil sa mga pasa sa kanyang mukha. Para akong binalatan nang buhay nang makita ko ang sinapit ng kapatid ko. Ramdam ko ang sakit na pinagdaanan niya sa kamay ng malupit na si Dylan Saavedra. Napatakbo ako sa kanya at agad kong ikinulong ang mukha niya sa mga palad ko. "Ate!" umiiyak niyang sabi habang bumagsak ang kanyang mga luha. Binitiwan siya ng lalaking may hawak sa kanya. Halos matumba si Benjie, ngunit sinalo ko siya. Sa bigat niya, napaupo na rin kami pareho sa sahig. Mahigpit ko pa rin siyang niyakap habang sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha. "A-Anong ginawa nila sa'yo?" tanong ko nang umiiyak. Hindi sumagot si Benjie, kaya napatingin ako kay Dylan Saavedra, na nakaupo nang pa-de-kwatro sa sofa sa loob ng opisina. Ang tingin niya ay malamig, puno ng kasamaan. "Anong ginawa mo sa kanya? Anong ginawa mo sa kapatid ko?" sunod-sunod kong tanong habang nangingilid ang mga luha sa mga mata ko. Matapang ang boses ko, kahit sa loob ko'y takot na takot na ako sa kanya. "Exactly how you think of it, kitten," sagot niya nang may ngisi. "I was about to kill him when I found out that you are his sister. He is so lucky but ungrateful." Kahit natatakot ako, hindi ko napigilan ang galit ko. Nangibabaw ito. "Hayop ka! Demonyo! Mga hayop kayong lahat!" galit kong sigaw habang nanginginig ang boses ko. Tumawa naman ang lalaking nagdala kay Benjie, kasabay ng demonyong amo niyang si Dylan. Pareho silang walang puso. Tumayo si Dylan mula sa sofa, at ang titig niya ay lalong tumalim. "I am happy when you call me a demon, kitten. But I am losing my patience now. I’m bored watching you and your brother. I’m too excited for our honeymoon, and I can’t wait any longer." Honeymoon? Nanlaki ang mga mata ko at kinilabutan sa sinabi niya. "C'mon, say your last goodbye to your brother now. Marami pa tayong gagawin." Hinarap ko si Benjie at mas lalo akong napaiyak. "Benjie..." nanginginig ang boses ko. "Ate, I'm sorry. Patawad sa lahat. Please, umalis ka na. Ako na ang bahala dito. Hayaan mo na ako rito. Please, nakikiusap ako, umalis ka na," aniya habang umiiyak. "No! Hindi. Hindi kita pababayaan. Makinig ka sa akin—ayusin mo ang buhay mo. Huwag kang mag-alala sa akin, magiging maayos lang ako rito. Ikaw muna ang bahala sa sarili mo, pero babalikan kita. Babalikan kita," sabi ko habang kapwa kami humahagulgol. "Bakit ka ba ganyan, ate? Pwede bang pabayaan mo na lang ako? Mas gusto ko pa rito kaysa makasama ka. Kaya iwan mo na ako rito. Hindi kita mahal. Wala akong kwentang kapatid. Puro sakit lang ng ulo ang binigay ko sa'yo. Hindi kita mahal, kaya pabayaan mo na ako." "Hindi!" nanginginig akong umiling. "Mangako ka, magiging maayos ka kahit wala ako. Ayusin mo ang buhay mo! Mahal na mahal kita, Benjie. Kapatid kita. Ako ang ate mo. Responsibilidad ko na protektahan ka." "Tama na yan! Itigil niyo na yan. Nababagot na ako," galit na sambit ni Dylan. Bigla akong hinila ni Javier, at pilit kaming pinaghiwalay ng kapatid ko. Wala akong magawa nang tuluyan kaming pinaghiwalay ni Benjie. "Ate!" umiiyak na sigaw niya habang pilit siyang inilalayo mula sa akin. Sinubukan ko siyang sundan, ngunit nahawakan ako ng isa pang tauhan ni Dylan. Umiiyak ako habang patuloy kong sinisigaw ang pangalan ni Benjie. Wala akong magawa kundi panoorin siyang ilayo mula sa akin. "Take off your hands from her or I will cut it." galit na galit na sabi ni Dylan sa tauhan n'ya kaya agad din akong binitawan nito. Hahakbang sana ako para sundan si Benje pero--- "One more step Vienna, at tuluyan kong papatay*n ang kapatid mo sa harapan mo." Napaurong ako, wala akong nagawa kundi sundan ng tingin ang papalayong si Benjie. Ramdam ko pa rin ang bigat ng eksenang naganap, ang sakit ng paghihiwalay namin na parang iniwang wasak ang puso ko. Nag- alala ako sa kapatid ko. Anong buhay ang naghihintay sa kanya? Paano na siya ngayon wala na ako para maging gabay niya? Ayaw kong tuluyang mapariwala ang buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD