--------- ***Vienna’s POV*** - Hindi ako gumalaw. Hindi ako huminga. Naririnig ko ang mga tawa nila—ang kasiyahan sa kanilang mga boses. Ang anticipation. At naramdaman ko ang daliri ni Lucian, humawak sa ilalim ng baba ko, marahang iniangat ang mukha ko. "Tingnan natin kung gaano katibay ang isang Vienna." Ang silid ay nanatiling tahimik. Ang tanging tunog ay ang kabog ng puso ko at ang malalim na paghinga ng mga lalaking nakapaligid sa akin. Tiningala ko ang CCTV sa sulok ng kwarto. Alam kong nanonood si Dylan. Nararamdaman ko ang nanginginig kong hininga habang si Lucian ay dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa akin. Ang daliri niya ay nasa ilalim ng baba ko, pilit akong pinapatingala sa kanya. Ang mga mata niya ay puno ng pananabik, parang isang gutom na hayop na nakahanap n

