-------- ***Vienna's POV*** - Wala akong nagawa kundi umiyak nang umiyak. Hindi ko halos matanggap, kahit isipin lamang, na wala na ang aking kapatid. Napakasakit sa akin ng katotohanang hindi ko na siya muling makakasama—at ang pinakamalupit sa lahat, ang pumatay sa kanya ay walang iba kundi si Dylan mismo. Ang sakit na nararamdaman ko ay parang binabalatan ako nang buhay, isang hapdi na hindi ko kayang ipaliwanag. Ang pagkawala ni Benjie ang pinakamalupit na trahedyang dumating sa buhay ko, mas masakit pa sa mismong pagkakunan ko noon. Sapagkat mahal na mahal ko ang aking kapatid. Siya na lang ang tanging natitirang mahalaga sa akin, ang nag-iisang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa kabila ng lahat ng sakit. Ngunit ngayon, wala na siya—at parang kasabay ng pagkawala niya,

