--------- ***Vienna's POV*** - Nanginginig pati ang aking kalamnan sa matinding takot habang unti-unting bumabalot sa akin ang karimlan ng lugar na kinaroroonan ko. Ang nakakapangilabot na amoy ng dugo ay nanunuot sa aking ilong, nagpapatindi sa takot na bumabalot sa aking pagkatao. Sa katahimikan ng paligid, tila ba naririnig ko ang mahihinang ungol ng mga taong nagdurusa, mga tinig ng pagmamakaawa na humihiling na wakasan na lamang ang kanilang paghihirap. Ang bawat sigaw ng sakit at pighati ay parang patalim na tumatagos sa aking puso, nagpapanginig sa aking buong katawan. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sa isip ko, ito na ba ang katapusan ng aking buhay? Ang madilim at nakakatakot na lugar na ito ba ang aking magiging huling hantungan? Dito rin ba ako masasadla

