--------- ***Vienna's POV*** - Parang hinati sa gitna ang puso ko sa narinig kong mga salita mula sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi na nananalaytay sa dugo ko ang dugo ng isang demonyo. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Bakit ganoon ang tingin niya sa akin? Hindi ko magawang maunawaan ang dahilan ng kanyang galit. "Hindi kita m-maintindihan... A-anong ibig mong s-sabihin?" tanong ko sa kanya, halos hindi na marinig ang boses ko dahil sa paghikbi. Tulo ang luha ko habang pilit kong hinahanap ang mga sagot sa malamig niyang mga mata. Bigla niyang binitawan ang panga ko nang marahas. Napahandusay ako sa sahig sa lakas ng pagkakabitiw niya. Ramdam ko ang hapdi at kirot hindi lang sa mukha ko kundi lalo na sa puson ko na tila biglang sumiklab ang matinding sakit. Napangi

