HM2: UnangTitigan

2137 Words
--- ***Third Person's POV*** - Dylan Saavedra was a name that struck both fear and respect in everyone who heard it. Born to an Italian father and a Filipino mother, he carried the best traits of both heritages. With olive-toned skin, dark wavy hair, and sharp brown eyes, he was undeniably handsome. But it was his cold, calculating stare that people remembered the most. He is already 33 years old, with a towering height of 6 feet and 5 inches. He is the boss of his very own Mafia Organization, and he called it Saavedras. (Note: Saavedra Empire was named only in the second generation.) From a young age, Dylan showed a talent for navigating the dangerous world of organized crime. He quickly rose to power, becoming a feared mafia boss known as "Heartless." His methods were brutal but effective, and those who crossed him seldom lived to regret it. Palaging pormal kung manamit si Dylan, laging naka-tailor suit na nagdadala ng karisma at awtoridad. Bawat galaw niya ay puno ng kumpiyansa at kontrol, tila isang halimaw na tahimik ngunit nag-aabang ng tamang pagkakataon para umatake. At ang kanyang matatalim na mga mata? Kayang-kaya nitong basagin ang kahit na anong kasinungalingan, dahilan upang makaramdam ng kaba at takot ang sinumang kaharap niya. Kahit kilala bilang isang malupit at walang pusong pinuno, si Dylan ay likas na matalino at mapanlikha. Madalas niyang nalilinlang ang mga kalaban at maging ang mga pulis. Ang bawat operasyon niya ay planado hanggang sa pinakamaliit na detalye, kaya naman nagagawa niyang manatiling ilang hakbang sa unahan ng sinumang nais sumira sa kanya. Dahil dito, nakuha niya ang lubos na tiwala ng kanyang mga tauhan, na alam na ang pagtataksil sa kanya ay siguradong kamatayan. Rumors suggested that his heartlessness was a defense mechanism, a way to protect himself from a harsh world. Others believed that his mixed heritage gave him a unique outlook, helping him succeed where others failed. Regardless of the reason, Dylan Saavedra was a powerful and complex figure, commanding fear and respect in equal measure. Sa madilim na mundo ng krimen, si Dylan ay isang pwersang mahirap banggain. Known for his intelligence, elegance, and ruthless efficiency. He had carved out his empire through sheer determination and unyielding will, standing as a testament to the strength and cunning of a true mafia boss. Ngunit sa likod ng malamig at matigas na panlabas na anyo, may isang lihim na alam lamang ng iilang tao — isang bahagi ng kanyang nakaraan na puno ng sakit at hinagpis. Isang kuwento na, kapag nabunyag, ay maaaring magpabagsak sa kinatatakutan niyang imahe. Isang kahinaan na itinatago niya nang mahigpit, nakalock sa likod ng maskara ng tinaguriang “Heartless King.” Kaharap ni Dylan Saavedra ang isa sa kanyang kliyente sa mundo ng illegal na negosyo. Ang pinamamahalaan niyang operasyon ay illegal na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na armas na umaabot sa iba't ibang panig ng mundo. Malawak ang kanyang koneksyon, at hindi lang sa Pilipinas siya makapangyarihan—pati sa Italya, kung saan nagmula ang kanyang angkan, at sa iba pang mga bansa na nasakop na ng kanyang organisasyon. Protektado si Dylan ng mga pinakamayayamang pamilya sa bansa at sa ibang bansa. Sila ang nagbibigay ng financial support sa kanyang organisasyon, kapalit ng proteksyon niya sa kanilang mga negosyo at seguridad ng kanilang mga pamilya. Kapag si Dylan ang tagapagbantay, walang makakalapit na kalaban sa mga sumusuporta sa kanya. Tonight, they were at a high-class nightclub. Their conversation wasn’t about business. The transaction was done, and both parties were satisfied with the result. So, even though Dylan wasn't fond of such gatherings, he still accepted the client's invitation. May apat na babae sa VIP room na inakupa nila, halos hubad na nagsasayaw ang mga ito, nag-e-entertain sa kanila. Ngunit kahit pa nakakabighani ang mga babae, wala itong epekto kay Dylan. Hindi siya naaaliw. Para sa kanya, ang mga babae ay laruan lang—bagay na pagkatapos gamitin ay idinidispose kapag nagsawa na siya. Hindi siya nagbibigay ng halaga sa anumang bagay na madali niyang makuha. At sa kanyang mundo, lahat ng gusto niya ay madali niyang nakukuha. Isang kumpas lang ng daliri, makukuha niya ang sinumang babae. Para kay Dylan, ang mga bagay na hindi pinaghihirapan ay walang halaga. Habang nagsasaya ang kliyente niyang si Mr. Roxas, lumapit ito sa kanya at nagbigay ng mungkahi. "Pumili ka ng babae, Mr. Saavedra. Magpakasaya tayo ngayong gabi. Masyado kang seryoso sa mga—" Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Dylan. Naputol ang pagsasalita ng kliyente nang titigan siya nito ng malamig at mabangis. "Don’t dare to tell me what to do, Mr. Roxas. I don’t care if you are my client, and I just received a billion from you. You need to know one thing—I won’t give a second thought of killing you.” Malamig at walang emosyon ang tinig ni Dylan, ngunit taglay nito ang bigat ng banta na parang isang patalim na nakatutok sa leeg ni Mr. Roxas. Ang kanyang matalim na tingin ay parang agila na kayang basagin ang lakas ng loob ng sinuman. Hindi siya nagbibiro. Para kay Dylan, ang pagpatay ng tao ay isa lamang natural na bagay. Isa itong simpleng aksyon—parang paghinga ng isang tao. Napalunok ang matanda. Kita sa mukha nito ang kaba at takot. "Okay. Pasensya na. Hindi ko sinasadya." Pilit na ngiti ni Mr. Roxas. "Anyway, let’s enjoy the night." Ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon ni Dylan. Kahit ang paghingi ng tawad ng kliyente ay hindi nagpagaan ng kanyang pakiramdam. "Kanina ko pa sinusubukan, Mr. Roxas," malamig na sabi ni Dylan. "Pero kahit anong pilit ko, nababagot pa rin ako." He was bored. Really bored. ---------- Samantala... Nanginginig ang mga kamay ni Vienna habang mahigpit na hawak ang mamahaling alak na kailangang ihatid sa VIP room ng night club na pinagtatrabahuan niya. Natatakot siyang mabitawan ito. Sa isipin pa lang kung gaano kamahal ang alak na ito, alam niyang kahit buong buhay niyang pagtatrabaho ay hindi sapat upang mabayaran ito kung sakaling mabasag niya ito. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya mapigil ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi lang dahil sa alak—natatakot siya sa taong naghihintay sa loob ng silid. Binalikan niya sa isipan ang babala ng kanyang boss bago siya pinapunta dito. “Gawin mo ang lahat para huwag mo siyang tingnan. Huwag na huwag kang makikipagtitigan sa kanya. Deliver the wine and get out as quickly as you can.” Huminga ng malalim si Vienna upang kalmahin ang sarili bago niya dahan-dahang binuksan ang pintuan ng VIP room. Agad niyang natanaw ang apat na babae na halos hubad na nagsasayaw sa gitna ng silid. Sa sofa, may dalawang lalaking seryosong nag-uusap. Napansin niya ang isang matandang lalaki na may katabi pang dalawang babae—hinihipuan nito ang mga babae na tila wala nang pakialam sa paligid. Pinilit ni Vienna na ibaling ang kanyang tingin palayo sa mga eksenang ito. Ngunit higit sa lahat, sinigurado niyang hindi titingin sa lalaking sinabi ng kanyang boss na huwag niyang titigan. Kahit pa gustung-gusto niyang makita kung sino ito, pinigil niya ang sarili. Ayaw niyang mapasama ang kanyang kapalaran. Napansin din niya ang dalawang armadong bodyguard na matikas na nagbabantay sa dalawang lalaki. Ang malalaking armas na dala ng mga ito ay sapat nang dahilan upang lalo siyang kabahan. Mas lalong sumidhi ang takot niya. “Ano ba ang mga lalaking ito?” tanong niya sa sarili. “Mga halimaw ba sila?” Pinilit niyang lakasan ang loob. Kahit nanginginig ang mga tuhod niya, nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa mesa kung saan niya ilalapag ang alak. “Huwag kang titingin. Huwag kang titingin,” paulit-ulit niyang iniisip. Ngunit ilang hakbang na lang bago niya maabot ang mesa, natapilok siya. May naaapakan siyang bagay, dahilan upang mabitawan niya ang mamahaling bote ng alak. Mabilis niyang sinubukang saluhin ito, pero natisod siya at natumba sa sahig. Muntikan na siyang mapasigaw kung hindi lang niya napigilan ang sarili. “Ito na ang katapusan ko! Babayaran ko ba ito habambuhay? Ano na ang gagawin ko?” Gusto na niyang maiyak. Napayuko siya at pumikit, hinihintay ang tunog ng pagkabasag ng bote sa sahig. Alam niyang wala na siyang pag-asa kapag nabasag ang alak na dala niya. Ngunit lumipas ang ilang segundo—wala siyang narinig na basag. Nagulat siya. Dahan-dahan niyang binuka ang kanyang mga mata at itinaas ang kanyang ulo. May isang kamay na sumalo sa bote bago pa ito tuluyang bumagsak sa sahig. Agad siyang napatingin sa lalaking nakasalo ng bote—pero parang naging blurred ang kanyang paningin. Hindi dahil nahihilo siya, kundi dahil ang mga mata ng lalaking iyon ay napakabagsik, parang mata ng isang mabangis na agila. Bigla niyang naalala ang babala ng kanyang boss: “Make every effort to avoid looking directly at him, especially into his eyes. He might kill you just for making eye contact.” Mabilis niyang ibinaba ang kanyang paningin, kasabay ng pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Nanginginig siya sa takot. "Be cautious," malamig na sambit ng lalaki na may hawak ng bote. Matigas at matalim ang bawat salitang binitiwan nito. "This bottle could end up being the reason you lose your life. I have zero tolerance for foolishness, and right now, you're pushing your luck. Don't be careless, or you might regret it." Mas lalong nanginig si Vienna. Tumayo siya nang dahan-dahan, pilit na hindi tumitingin sa lalaki. Gusto niyang tumakbo, pero kailangan niyang manatili. Bahagya siyang yumuko bilang paggalang. "I'm sorry po!" aniya, halos nanginginig ang boses. Pinilit niyang itago ang kaba, ngunit halata pa rin sa kanyang boses ang takot. Muli siyang yumuko nang mas mababa, upang ipakita ang kanyang pagsisisi. Pero sa isip niya, hindi na niya alam kung makakalabas pa siya ng silid na ito nang buhay. Hindi na nagsalita ang lalaki. Napansin ni Vienna na ibinalik na nito ang atensyon sa kausap, at pinag-uusapan na nila ang tungkol sa mamahaling alak na dala niya. Dahan-dahan siyang umayos ng tindig, pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang tuhod. Ngunit sa bawat t***k ng puso niya, ramdam niya ang matinding kaba at takot. Hindi niya na kayang tiisin ang nararamdaman. Mabilis siyang lumabas ng VIP room na para bang hahabulin siya ng kanyang pinakamatinding bangungot. Pagkalabas niya ng silid, dumiretso siya sa banyo. Hindi niya na napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Humahagulgol siya, pilit na pinapakalma ang sarili. Ang dibdib niya ay masakit, mahigpit na nakabara ang kaba na kanina pa niya pinipigilan. Kinilabutan siya. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang katawan, at lahat ng balahibo niya ay tumayo. Pagbalik niya sa dining area ng club, sinalubong siya ng boss nila. May seryosong ekspresyon ang mukha nito, halatang may dalang masamang balita. "Vienna, may nagawa ka bang pagkakamali kanina?" tanong ng boss, habang iniinspeksyon siya mula ulo hanggang paa. Natigilan si Vienna. Napapikit siya nang mariin, naalala na naman niya ang nangyari sa loob ng VIP room. Ang muntik nang pagkabasag ng mamahaling bote ng alak. At higit sa lahat, ang ilang segundong pagtitigan nila ng lalaking sinasabi ng kanyang boss na mapanganib. Bago pa siya makasagot, nagsalita muli ang kanyang boss, mas malalim ang boses nito. "Mr. Dylan Saavedra has requested your presence." "Ano po?" Napaatras si Vienna sa gulat. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. "Hindi maaari... Bakit ako? Bakit ako pa?!" Ngunit ang kasunod na sinabi ng boss ang mas nagpatindi ng kanyang takot. "He specifically asked for your private service. Vienna, he wants you to go with him to a private room." Halos mawala ang lakas ni Vienna. Nanginig ang kanyang buong katawan. "A-Ano po?" nauutal niyang tanong, habang nanlalaki ang mga mata sa takot. "N-No... H-Hindi po ako GRO dito. Isa lang po akong waitress! Ayoko po! Please, boss... ayoko po!"** namamasa na ang kanyang mga mata, nagmamakaawa siya. Alam niya kung ano ang maaaring mangyari kung papayag siya. Naninikip ang dibdib niya sa isipin ito. Ngunit nagbago ang ekspresyon ng kanyang boss. Mula sa pagkairita, naging matalim at malamig ang tono nito. "Hindi mo ba naiintindihan, Vienna?" bulalas nito, mabigat ang bawat salita. "Si Mr. Saavedra ay isang napaka-mapanganib na tao." Nanlambot ang mga tuhod ni Vienna. Napakapit siya sa gilid ng mesa upang hindi siya matumba. "Kung ano ang gusto niya, iyon ang masusunod. At kung tatanggihan mo ang kagustuhan niya... Maaari itong maging dahilan ng pagkawala ng buhay mo." Halos matanggal ang hininga ni Vienna. Napailing siya, ayaw niyang paniwalaan ang naririnig. Ngunit hindi pa tapos ang boss niya. "So, tell me, Vienna..." huminto ito sandali, tinitigan siya nang mariin. "Ano ang mas mahalaga sa'yo—ang buhay mo o ang virginity mo?" Napalunok si Vienna. Ramdam niya ang bigat ng tanong na iyon. "Make your choice carefully, because it’s a matter of life and death."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD