-------- ***Third Person's POV*** - Kahit kanina pa nakaalis sina Vienna at Emanuele, kasama ang triplets, hanggang ngayon ay awang labi pa rin si Dylan. Gulong-gulo siya sa mga sinabi ng asawa ni Emanuele, na ngayon ay nalaman niyang Vienna pala ang pangalan. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit galit na galit ito sa kanya—hindi pa nga siya nito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Ngunit higit pa roon, may kakaibang pakiramdam siyang hindi niya maipaliwanag. It was as if there was a deep reason behind the intense hatred Vienna felt toward him—a fury that had long been brewing and would not easily fade. Every word that left Vienna's lips planted questions in his mind. It felt like they had known each other for a long time, as if Vienna possessed knowledge about him—something he

