-------- ***Vienna’s POV*** - Habang pinapanood kong lumayo si Ariya, umiiyak at halatang hiyang- hiya sa nangyayari, hindi ko napigilan ang bumuntong-hininga nang mabigat. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Emanuele na tratuhin nang ganun si Ariya—na para bang hindi ito tao, na para bang wala itong puso na nasasaktan. Hindi naman mapanghusga si Emanuele. Hindi din naman siya matapobre kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya iyon kay Ariya. Binalingan ko si Emanuele, at matalim ang tingin ko sa kanya. Hindi na makatarungan ang ginawa niya. "Anong ginagawa mo, Emanuele?" matigas kong tanong, pilit pinipigil ang galit sa aking tinig. Bumaling siya sa akin, at bakas pa rin sa kanyang mukha ang inis. "Ginagawa ko lang ang nararapat, Vienna. Wala siyang karapatang gumamit ng p

