Chapter 46: Mystical Creature

1393 Words
Elle’s POV   “Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang tungkol sa isang ancient spell ngunit... tanging malalakas at karapatdapat lamang ang may kakayahan na gawin ito.”   Matapos iyong sabihin ni Prof. Alice aynagsilingunin ang mga kaklase sa gawi ko. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat ng notes.   “Ang spell na ito ay ginagamit upang tumawag ng mahiwagang nilalang. Mga nilalang na nagiging katuwang ng handler sa pakikipaglaban... Ang mga mystical creatures.”   Napatigil ako sa pagsusulat at agad napaangat ng tingin sa kan’ya. Nakaharap ito ngayon sa akin habang may ngisi sa labi.   “Mukhang interesado ka, Ms. Quinn?”   Napalunok ako at napapikit habang iniisip ang mga mahihiwagang nilalang na tinutukoy n’ya. Para sa mga wizard na may kapangyarihang mahikal, isang malaking karangalan na magkaroon ng kasangga sa bawat laban.   Ang mga mystical creatures na tinutukoy n’ya ay madalas na nasa anyong hayop katulad na lang ng lobo, leon, tigre, elepante at kung ano-ano pa. Kung talagang malakas at karapat-dapat ka ay mga malalakas na nilalang din ang posible mong makuha at mapaamo para maging sa iyo.   Iniisip ko pa lang ang tungkol doon ay lumulukso na ang dugo ko sa saya. Ramdam ko ang excitement na nananalaytay sa bawat ugat at nagbibigay kilabot sa aking loob.   Gusto ko ‘yon...   Gustong-gusto.   “Mukhang ayaw naman pala ni Ms. Q—“   “GUSTO KO!” Sigaw ko. Napalingon ang mga estudyante sa akin dahil sa lakas ng boses ko. Tumikhim ako sandali at saka inulit ang sinabi ko.   “Gusto ko po... Turuan n’yo po kami, pakiusap.”   -- “Ang unang hakbang para magawa ito ay ang linisin ang sarili...”   Nandito kami ngayon sa isang espesyal na parte ng academy. May maliit na gubat na sakop ito na protektado mula sa mga posibleng kaaway katulad ng nakatapat ni Sia noon sa kabilang gubat. Malawak ang lupa at damong tumutubo dito habang ang mga puno ay sa bukana lamang matatagpuan. Tila isang paraiso ang lugar lalo na sa falls kung saan lumalagaslas ito pababa ng malinis na lawa.   Sa tulong ng sikat ng araw ay kumikinang ito na nagpaganda lalo sa tanawin. Malamig rin ang simoy ng hangin at hindi gaano masakit sa balat ang araw.   Nahiga ako sa malambot na damuhan katulad ng ginagawa ng iba. Mula sa bente-singko ay bumaba ang aming bilang sa walo. Ang karamihan ay nag-back out dahil sa takot. Takot na kapag hindi sila nakakuha ng mystical creature ay sila ang kukuhain nito.   Kaya sinabi ni Prof. Alice kanina na tanging malakas at karapatdapat lamang ang may kakayahan upang gawin ang bagay na ito. Masyadong risky para sa mga baguhan,   lalo na sa mga wala pang tiwala sa sarili nila.   Nauna nang maghubad ng pantaas na damit ang isang lalaking kasama namin ngayon. Tumatakbo ito patungo sa lawa at akmang tatalon na nang hindi s’ya makagalaw sa puwesto. Tiningnan ko si Alice na ngayon ay nakahawak sa ere. Ikinumpas n’yang muli ang kamay at nahigit palayo sa tubig ang binata.   Kakamot-kamot naman ng ulo ang huli habang pinapagpagan ang sarili at saka hinarap si Mama.   “Bakit po? Ang sabi n’yo ay kailangan naming linisin ang sarili? Kakapaligo ko pa nga lang e...” Pabulong n’ya lang sinabi ang huling linya ngunit narinig pa rin iyon ng Prof. kaya’t inihagis n’yang muli ang binata palapit sa aming direksyon.   Mahina lang naman iyon ngunit nauna pa ring sumubsob ang ulo ng lalaki bago pa makalapit sa aming puwesto. Isang dipa lang ang layo n’ya kaya’t kita ng lahat ang pangyayari. Iniangat n’ya ang tingin at unang nakita ang mukha ng isang babae na sobrang lakas kung tumawa habang dinuduro pa s’ya.   “Hahaha! Ano? Sige langoy! D’yan ka sa lupa lumangoy!” Natatawang sambit n’ya. Nakahawak pa ito sa sikmura at bahagyang napapayuko sa labis na pagtawa.   Mabilis na tumayo ang lalaki habang namumula ang buong mukha at idinuro s’ya.   “Tumigil ka! Akala mo naman kung sino ka!” Nanggagalaiting sigaw n’ya. Bago pa sila mag-away sa aming harapan ay pumagitna na si Mama at pinigilan sila.   “Mamaya na ang away. Pagkatapos n’yong makuha ang mystical creature na nararapat para sa inyo.”   Nakaismid pa rin ang lalaki at nag-cross arms saka s’ya tinaasan ng kilay.   “Ganito. Kung sino ang may pinakamalakas at pinakamagandang creature na makukuha ay magkakaroon ng KAHIT ANONG hiling sa isa’t-isa. Deal?”   Bored na tumingin lang sa kan’ya ang babae maging sa kamay n’yang nakalahad. Umirap muna ito at walang tingin na inabot ang kan’yang palad.   “Deal...” -- “Okay. Sa simula ay kailangan n’yong mag-concentrate. Hanapin ang liwanag mula sa inyong kalooban at makipag-isa sa creature na mapupunta sa inyo. Sana ay gabayan kayo ng Panginoong Diyos sa inyong paglalakbay sa mundo ng mga espirito...”   Nakapuwesto na kami dito sa gilid ng talon. Sobrang calm sa pakiramdam habang pinagmamasan ang paraisong nakapalibot sa amin kaya’t naging madali lamang ang pagpapakalma sa sarili.   Naka-indian seat kami sa lapag habang nakapatong ang magkabilang braso at nakabuka ang mga palad. Naka-stragiht body rin kami habang kalmadong sinisinghap at inilalabas ang malamig na hangin sa paligid.   “Magsimula na kayo...”   Nagsimula itong mag-chant ng spell hanggang sa maipikit ko ang mga mata. May kung ano sa binibigkas n’yang nakakapagpagaan sa aking kalooban.   Hinayaan ko ang sarili na tangayin ng malamyos n’yang tinig hanggang sa tuluyan na akong nawala sa reyalidad ngunit imbes na liwanag ang makita katulad ng sinasabi n’ya kanina ay sa iba ako napunta.   Sa lugar kung saan tanging dilim lamang ang makikita.   -- “Nasaan ako?” Sigaw ko sa kawalan. “Ito na ba ang lugar ng mga mahiwagang nilalang?” Dugtong ko pa at nag-antay ng sagot nila.   Isa...   Dalawa...   Limang minuto na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sumasagot sa akin. Tanging kadiliman lamang ang nasa paligid na yumayakap sa akin.   Nagsisimula na rin akong mainis dahil ngayon lang ako naka-encounter ng ganito. Ayon kay Mama Alice ay inaabot lamang ng limang minuto at max ang paghahanap ng mahiwagang nilalang para sa iyo. Unfortunately, mukhang ako ang mahuhuli sa  amin dahil hanggang ngayon ay wala pa ding nag-reresponse sa akin.   Bagot akong napabuntong hininga habang sinisipa ang batong aking nadadaanan .Patuloy ako sa paglalakad kahit pa hindi ko alam kung saan ang dapat patunguhan.   Nakahiga lamang ako sa damuhah habang pinapanooda ang madilim na langit. Napagod na rin ako pagtayo at paglalakad dahil wala pa rin akong nakukuhang kahit ano dito. Siguro ay nasa trenta minutos rin akong nag-abang hanggang sa nakarinig ako ng kakaibang ingay mula sa hindi kalayuan.   Agad akong napatayo at nagpalabas ng apoy sa aking mga kamay ngunit laking gulat ko nang hindi ito gumana.   “Fuego!”   Paulit-ulit kong sambit ngunit katulad kanina ay walang lumalabas na apoy mula sa aking palad.   “Anong nangyayari?!” Naguguluhang tanong ko.   Agad akong napadapa sa lupa nang may humahagibis na dumaan sa direksyon ko. Kung hindi ako nakaiwas agad ay  tiyak na nadagit na ako ng kung ano mang nilalang ang dumaan sa itaas.   Nang maramdaman ang paglayo nito ay agad kong iniangat ang tingin at nagulat sa nakita. Napaawang ang aking labi habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kakaibang nilalang sa ibabaw ko.   “A-Ano...” Hindi ko na naituloy ang sasabihin at agad tumalon palayo sa lugar na kinapupuwestuhan ko. Ramdam ko ang init ng apoy na tumupok sa mismong puwesto ko kanina at kung hindi pa ako nakaiwas ay tiyak na sunog ang aabutin ko.   “Roaaaar!” Malakas na sigaw ng nilalang sa itaas na dumagundong sa buong lugar. Halos manliit ako sa kan’ya dahilan para makaramdam ng kaunting takot. Ang kan’yang laki ay halos katulad ng umatake kay Sia noong nakaraan. Ang pinagkaibahan lang, kung ang demonyong iyon ay tanging pang-lupa, ang isang ‘to ay mula sa himpapawid.   Dahil nasa aking harapan ang isang malaking dragon na handang sunugin at paslangin ako kapag nagkaroon s’ya ng pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD