bc

Alessia: The War Angel

book_age16+
416
FOLLOW
1.2K
READ
badgirl
powerful
warrior
twisted
no-couple
sword-and-sorcery
secrets
supernatural
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Masyadong magulo at masalimuot ang buhay ni Alessia. Mula pagkabata ay ipinaranas na nang mundo rito ang kalupitan nito. Mula sa pagiging palaboy sa lansangan, pagiging p****i at kahit ang pagnanakaw at pag - patay ng tao, lahat ay nagawa na nito.

Ngunit hindi matitigil rito ang lahat. Dumating ang araw na hinihintay nya, ang selection. Ang araw na itinakda upang mapunta sa ibang dimensyon ang mga kagaya nya, mga nilalang na may kakaibang taglay sa dugo nito na wala sa mga mortal na tao. Ang araw na makakaharap niya ang kanyang tunay na ama, isang demonyo.

Sa kagustuhan ng nasa itaas, siya ay napasama sa Caelum Academy, lugar ng mga sinasanay ang katulad nila upang ipalaganap ang kabutihan at puksain ang kasamaan sa mundo. At doon ay matutuklasan nya ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

--

God, grant me strength to accept those I cannot change.

- Alessia, The War Angel

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE Third Person’s POV Genesis 1 At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain: At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon. At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw. “Napakabuti ng Diyos, ano mga bata? Nilalang n’yatayo ayon sa wangis nya, at binigyan ng karapatan sa lahat ng ginawa niya,” paglalahad ng isang pastor sa mga batang paslit na kanyang tinuturuan. Malakas ang ulan ng araw na iyon, tila nagngangalit ang langit at ibinuhos ang galit sa sanlibutan. Sama-sama silang nakasilong sa isang luma at maliit na simbahan na kanilang pansamantalang tinutuluyan.   “Oo nga po Pastor, kung hindi n’yatayo ginawa, edi sana wala tayo ngayon, ‘di ba po?” inosenteng sagot ng mga bata.   “Tama kayo d’yan mga anak,” pagsang-ayon naman nito sa sinabi nila.   “Pero ‘di ba po aside from Papa Jesus may mas better sa atin? ‘Yung mga angel po, ‘di ba? Gusto kong maging angel kasi ang bait-bait nila tapos nakakasama pa nila si God!” nangangarap na saad ng isa sa mga ito.   “Oo tama ulit kayo d’yan, ang gagaling n’yo naman! Kaya dapat palagi kayong mabait ha? Para maging angel din kayo and mapunta sa heaven,” sagot muli ng Pastor sa mga ito. Tunay itong natutuwa dahil interesado ang mga bata sa itinuturo niya tungkol sa Diyos.   Pero hindi lahat ay masaya at sang-ayon sa naririnig. Isang bata ang nakatitig lamang sa labas at pinapanood ang pag-anod ng baha sa mga sira sirang kagamitan na mula sa bahay, sasakyan at kung ano pa.   Napansin ito ng Pastor kaya dahan dahan syang lumapit dito at tinapik sa balikat. Wala naman naging reaksyon ang bata na tila inaasahan ang gagawin nito.   “Alessia hija, bakit hindi ka nakikisali sa diskusyon natin? Hindi ka ba natutuwa sa aral na binasa ko ngayon?” malumanay na pagkakatanong nito.   Tiningnan lamang sya ng bata panandali at ibinalik muli ang tingin sa labas kung saan mas lalong lumakas ang hangin at ulan.   “Pastor kasi, ‘di ba sa lahat po ng mga aral n’yo lalo na ang tungkol sa paglikha, sabi n’yo po ay lahat ng ginawa ng Diyos ay mabuti? Pero bakit ganoon? May mga masasamang tao pa rin. Masama din ang nangyayari sa mundo kasi po gaya nung kasalukuyan ngayon, may pandemya tayo tapos walang gamot. Sina Mama at Papa namatay dahil dito, tapos yung mga kuya ko po ako ‘yung sinisisi nila kasi ako daw po ang nanghawa sa kanila. Tapos po sinabi nila na ampon lang ako kaya pinalayas po ako. Kaya nga po ako nandito diba kasi nakita n’yo ko sa kalsada. Kung may angel po gaya ng sinasabi nyo, sana nai-save nila sina Mama at Papa para magkakasama pa rin kami ngayon,” mahabang paliwanag ng bata na nauwi sa kwento kung paano ito napunta doon.   Malayo ang tingin nito, at hindi rin kakabakasan ng anumang lungkot o emosyon. Hindi ito normal para sa bata na kagaya niya na tila nasa edad sampu pa lamang. Makikita sa mata ng pastor ang awa sa mga batang kinupkop nya, lalo na sa babaeng ito. Karamihan sa batang kinupkop n’yadito ay mga ulila na, mga palaboy laboy sa lansangan o kaya ay inaabuso ng magulang. Masyadong malambot ang puso n’yapara sa mga ito sapagka’t hindi dapat nararanasan ng mga batang ito ang lupit ng mundo.   Hinagod nito ang kanyang ulo na nagpaparamdam na hindi ito nag-iisa. Wala pa ring reaksyon ang bata na tila ang daming kinikikimkim na galit sa mundo.   “Alessia hija, hindi sa ganoon. Tara, sumama ka sa aming diskusyon para ikuwento ko sa iyo kung bakit nangyayari ang mga sinasabi mo,” mahinahon nitong pag kumbinsi sa bata.   Napatango na lamang ito at nagpatianod kung saan sya nito ipupwesto. Nakatingin ang ilang bata sa kanya, waring nagtataka kung anong pinag-usapan nila. Ipinagsawalang-bahala niya na lang ang mga titig nito at itinuon ang atensyon sa harapan.   “Ayon sa kwento tungkol sa mga anghel na mabubuti, nagkaroon lamang ito ng pagkahati-hati ng ang ilang anghel ay tumiwalag sa Diyos dahil sa kasakiman at pagkaganid sa kapangyarihan. Gusto nilang mas maging makapangyarihan dito, na pinamumunuan ni Lucifer kung kaya’t tinawag itong “The Great Holy War”. Ang mga masasamang ito ay tinawag na fallen angel at ipinatapon doon sa ilalim, sa tinatawag natin na impyerno. Sila ay nakipagniig sa mga tao kung kaya’t nabuo ang ibang klase ng mga nilalang na tinatawag nating engkanto o aswang,” mahabang paliwanag ng Pastor sa mga ito. Tiningnan nito isa-isa ang mga bata at nakitang interesado ito sa sinasabi niya.   “Pero alam n’yo ba na hindi lahat ng nasa kwentong iyon ay totoo?” pagtatanong n’ya rito. Nangunot ang noong mga bata, tila naguguluhan sa narinig.   Nagambala ang kanilang diskusyon ng biglang may mahinang katok na nagmula sa kanilang pinto. Kusa itong bumukas at inilantad ang isang matangkad at makisig na lalaki.   ‘Nakakapagtaka, bakit hindi man lang sya nabasa?’ takang tanong ni Alessia sa kanyang isip. Sinilip n’ya ang bintana at napansin na mas lumakas ang ulan at unti-unti nang bumabaha sa pwesto nila. Nag-iingay na rin ang bubong na tila anumang oras ay bibigay niya.   Ibinalik n’yaang tingin sa bagong dating na lalaki at nagulat sa nasaksihan niya. Nakangiti ito sa kanya na para bang nababasa kung ano man ang nasa isip niya. Napaiwas ito ng tingin at ibinalik sa Pastor ang atensyon. Ang lalaki naman ay tinabihan ang Pastor sa puwesto nito at binigkas ang mga salitang hindi nila akalain na maririnig nila.   “Sinong gustong maging angel mga bata?” nakangiting tanong n’yasa mga ito. Nagtataka man ay nagsitaasan ng kamay ang mga kasama nya, pwera sa kaniya. Nanatiling nasa baba ang tingin nito, pilit iniiwasan ang mga tao sa harapan.   Hindi n’yaalam ngunit may kakaiba syang nararamdaman sa mga ito, at hindi n’yaiyon gusto.   “Ang dami palang gustong maging angel, ‘di ba nga Pastor Gabriel?” untag nito sa katabi. “Ngunit bakit may isa yatang hindi masaya at nakataas ang kamay dito?” pagpaparinig niya.   Dahan-dahan nitong iniangat ang mukha at sinalubong ang tingin ng Pastor at ng kasama niya. Kitang-kita ng mga ito ang bahagya at panandaliang pagbabago ng kulay ng mata nito. Napangiti sila sa nakita.   Nagkatinginan ang mga ito bago muling ibinalik ang tingin sa kanya.   ‘Siya na nga…’ parehong sambit sa isip ng mga ito habang may kakaibang ngiti sa labi. “Ako nga pala si Kuya Azrael, at ngayon ang hiling n’yong maging angel ay aking tutuparin.”   Kasabay ng pagkakasabi n’yanito ay tuluyan nang bumigay ang bubong ng kanilang tinutuluyan at malayang naglandas sa katawan nila ang malakas na buhos ng ulan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.1K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.9K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook