CHAPTER 1
Sia’s POV
“Ugh ang sarap mo pala talaga Sia! Mabuti naman at na table din kita uhmm…” paungol na anas ng lalaking kaharap ko habang patuloy ang paghalik sa akin. Ginantihan ko naman ito ng parehong intensidad na nagpa wala lalo sa wisyo nito.
“Oo naman, gusto mo bang marating ang langit?” sambit ko at pinutol ang halik. Napa ungol naman ito sa frustration pero kalaunan ay napangiti din.
Halatang halata sa mata nito ang pagka libog sa kanya, na tila kahit anong sabihin ko ay susundin niya.
‘Tama yan…’ sambit ko sa isip.
“Gusto mo bang mas painitin ko ang gabing ito?” sekswal na tanong ko dito. Napaungol naman ito at mabils na tumango na tila sabik na sabik sa mangyayari.
Iginiya ko ito sa banyo at pinaupo sa stool na nakalagay doon. Ramdam na ramdam ang lamig ng banyo na lalong nagpainit dito.
Umalis ako saglit at kinuha sa lapag ang panty na kanina’y suot suot ko. Inamoy n’yanaman ito at tila asong ulol sa pag langhap ng bango nito.
Ipinasok ko ito sa ulo n’yabilang pang blind fold sa kanyang mata. Ramdam na ramdam ko ang init at excitement nito sa kung anong gagawin ko.
Sunod kong hinubad ang aking bra at ipinadama sa kanya ang init ng aking dibdib. Pinisil-pisil n’yapa ito na may halong panggigigil.
“Ooops, later hon…” malanding bulong ko rito.
“Ugh, nakakalibog ka masyadong p****k ka…” tila nagdedeliryong sagot nito. Hindi ko na pinansin ang sinabi nito at pumunta sa likuran n’yapara itali sa kanyang kamay at sa upuan ang aking bra.
“It’s showtime…” bulong ko dito at bahagyang kinagat ang tenga nito. Kitang-kita ang pagtaas ng balahibo nito sa ginawa ko. Binigyan ko ito ng lap dance at swabeng isinayaw ang baywang ko. Bahagya ko ring dinidikit paminsan ang aking dibdib na nagpagigil lalo rito.
“Ugh, you’re such a tease Sia! Hindi ako nagsisising ikaw ang itineybol ko ngayon, makakarating talaga ako sa langit nito.”
Mahinhin akong tumawa at kinapa ang nagngangalit na tarugo nito. Napaiktad naman siya sa nararamdamang sensasyon.
Mabagal ngunit punong-puno ng senswalidad kong itinaas at baba ang aking kamay sa kanyang galit na armas.
Napuno ng ungol n’yaang banyo ng mula sa mabagal ay bigla kong binilisan ang pagtaas-baba dito. Mas lalo itong nag-ingay nang dinuraan ko ang kanyang alaga at bahagyang dinilaan ang ulo nito.
Napahawak ito nang mahigpit sa upuan habang habol-habol ang hininga lalo na nang tuluyan ko itong isinubo.
‘Ganyan nga, mabaliw ka…’
Mabaliw-baliw ito sa pagpipigil dahil na rin sa higpit ng tali ko sa kanya. Nang maramdaman kong lalabasan na siya ay agad kong tinigilan ang pag-c***a rito.
Tila natigilan ito at pagalit na nagsalita.
“Puta kang babae ka! Lalabasan na ko! Akala ko ba dadalhin mo ‘ko sa langit?” anas nito.
Hinimas-himas ko muli ang kanyang galit na tarugo bago tumayo at pumuwesto sa likuran niya.
“Nagsisimula pa lang tayo, babe. Masyado ka namang nagmamadali diyan,” malanding untag ko dito at dinilaan ang kapingulan nito. Napaungol itong muli at nawala ang galit na kanina’y nararamdaman niya.
“Pero mas maganda yata kung sa impiyerno kita dalahin, ‘di ba?” delikadong bulong ko rito.
Muli itong natigilan na tila hindi alam kung nagbibiro ako o ano. Hinalik-halikan ko ang gilid ng leeg at batok nito na nagpawala muli sa kanyang wisyo. Ngunit kinalaunan ay nawala rin nang maramdaman ang nakatutok sa kanyang ulo.
“A-Ano yan? M-May t**i ka rin ba? Haba niyan, ah?” nanginginig na tanong nito, pilit pinagtatakpan ang takot na unti-unti nitong nararamdaman.
Pinipilit niyang higitin ang nakatali sa kanya ngunit hindi ito makawala na naging dahilan ng panlalamig nito.
“Sinasabi ko naman sayo, hindi ka babagay sa langit kaya bakit kita dadalahin doon?” sambit ko sabay tawa na tila nang-uuyam.
“Masarap ba, Hunter?” pagdidiin ko sa tunay na pangalan nito. Tila naumid ang dila n’ya at pinagpawisan nang malamig.
“S-Sino ka? H-Hindi ako si Hunter! Matagal nang ---" natigil ito sa pagsasalita ng bahagyang nadulas ang kanyang sinambit.
Tinawanan ko lang ito ng mala-demonyo na lalong nagpatakot dito.
“Sino ako? Ha ha! Gusto mong ipaalala ko sa ‘yo kung anong ginawa n’yo sa akin?” madiin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko, lahat ay nagbibigay-kilabot sa buong pagkatao nito.
Dahan-dahan akong nagpunta sa harapan nito at tinanggal ang nakasuklob sa ulo nito. Nilabas ko ang isang maliit na kutsilyo at pinaglaruan sa harapan niya.
“Naaalala mo ba ako, Hunter?” pang-uuyam ko rito. Dinilaan ko ang gilid ng talim ng kutsilyong hawak ko habang direktang nakatingin sa mga mata nito.
Kitang-kita ang bahagyang paglunok nito at pag-iwas ng tingin. Dagli kong dinakot ang mukha nito at puwersahang ipinaharap sa akin.
“Bakit ka umiiwas? Hindi ba’t ito ang ginawa mo noon?” Saka ko sinabayan ng mala-demonyong tawa.
Binasa ko nang bahagya ang panty at dahan-dahang ipinunas sa mukha ko. Natanggal nito ang suot kong kolorete at tumambad ang isang pilat na nagpapaalala ng kahayupan nila.
“Tanda mo pa ba kung paano mo ginuhitan ng markang ekis ang aking pisngi?” Idinikit ko ang noo ko rito upang mas makita niya ang iniwanan niyang sugat sa pagkatao ko.
“Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng isang sampung anyos na bata sa pambababoy at pagpapahirap nyo?” agad ko ring inilayo ang mukha ko nang masabi iyon.
Hinigpitan ko ang hawak sa maliit na kutsilyo at dahan-dahang inilapit sa mukha niya. Nagpapalag naman ngunit hindi pa rin makawala.
Idiniin ko ang talim sa kanyang mukha at minarkahan din ng ekis tulad ng ginawa niya sa akin.
Napasigaw naman ito sa sakit at pilit ipinilig ang ulo dahil sa higpit ng pagkakasabunot ko sa buhok nito.
“Aaaah tama na! Patawarin mo na kami Alessia!” pagsusumamo nito. Napatawa naman ako sa sinabi nito at bahagyang naitigil ang pagsugat sa kanyang mukha.
“Patawarin? Gago ka ba? Maibabalik ba niyang patawad mo ang sinira nyong buhay ko? Ha Ha Ha!”
Napalunok itong muli at napasigaw sa sakit ng punuin ko ng maliliit ngunit malalalim na hiwa ang kanyang hubad na katawan.
“Ganyan nga! Isigaw mo lang! Dahil kahit anong gawin mo walang makakarinig sa ‘yo!” galit na sigaw ko rito.
“Aaaah! Putang ina mo demonyo ka!” Halos mawala na ito sa ulirat lalo na nang putulin ko ang kanyang nakatayong tarugo. Umapaw ang masaganang dugo rito na agad ko namang ikinatuwa.
Hinawakan ko ang putol nitong ari at ipinakita sa kanya.
“Alam mo, sinabi na rin nyan nina Tony at Kalbo bago ko sila bawian ng buhay HA HA HA HA!” pagkukwento ko rito habang inaalala ang ginawa ko sa ibang kasamahan niya.
Nanlaki ang mata nito, halata ang gulat at takot sa mga sinabi ko. Sisigaw na sana ito muli nang ipinasok ko sa bunganga nito ang kanyang ari.
“Ayan! Namnamin mo ang pinagmamalaki mo!” asar ko pa rito. Mangiyak-ngiyak na rin ito dahil sa pagkabulunan at sakit na nadarama. Kinuha ko ang lemon na dala ng service crew kanina at hiniwa sa harapan niya.
Lalong nanlaki ang mata nito at tanging ungol lang ang lumalabas sa bibig dahil na rin sa nakapasak sa kanya.
Dinilaan ko ang hiwang prutas at ipinagulong sa gitna ng aking dibdib habang nakatingin ng malaswa sa kanya. Hindi na nito maramdaman ang libog na kanina lang ay nag-uumapaw sa kanya nang mahalata ang aking gagawin.
Isa isa kong pinigaan ng katas ng lemon ang maliliit na hiwa ko rito. Napaiktad naman ito sa sakit na nadarama at pinipilit isigaw ang sakit na nararamdama niya.
Huli kong ipiniga ang kalahati ng lemon sa dating kinalalagyan ng kanyang ari. Tulo na ang pawis, luha at maski laway n’ya ay bumaha na rin.
Sinipa ko ito sa mismong sikmura kaya nahulog ito at padapang napahiga sa marmol na sahig. Napuno ng ungol na dulot ng sakit ang banyo na kanina lamang ay puro sarap na naririnig dito.
Kinuha ko ang lubid na nasa gilid at itinali sa kanyang paa, at sa tubo na daluyan ng tubig. Sinipa ko nang pagkalakas-lakas ang inidoro hanggang sa tuluyan itong nasira at nabasag. Kumawala rito ang malibag na tubig na nanggagaling doon. Puno iyon ng ihi at dumi ng iba pang gumamit dito. Pilit nitong pumalag upang makaalis ngunit hindi n’yamagawa dahil na rin sa dulas ng sahig.
Kinuha ko ang isang malaking piraso ng nasirang inidoro at itinakip sa drainage ng banyo.
Sinulyapan ko muna ito ng huling mala-demonyong tingin bago lumabas ng banyo at ikinandado ito.
“The hunter has been hunted.”