CHAPTER 2
Sia’s POV
“Nagbabagang balita po mga kabayan, pasintabi po sa mga kumakain sapagka’t ang susunod ninyong matutunghayan ay isang karumal-dumal na krimen. Eulise pasok!” paunang bungad ng telebisyon pagkabukas na pagkabukas nito.
“Nandito tayo ngayon sa labas ng Hotel Sogo sa Alabang Rotonda at kasalukuyang nag-aantay na ilabas ang patay na katawan ng isang nagngangalang Barry Trinidad o mas kilala sa Alyas na ‘Hunter’. Kalalaya lamang nito sa kulungan sa salang pangmomolestya at pang-aabuso sa isang bata, sampung taon na ang nakakaraan. Hinihinala ng mga awtoridad na isang tao lamang ang may gawa ng serial killing murders na ito dahil sa kaparehong palatandaan na kanyang iniiwan, ang markang ekis sa mukha ng biktima at pag-torture rito bago patayin. Ayon sa ---" Napatigil ako sa panonood ng pabalang na bumukas ang pintuan ng kwarto at lumabas si Lucas nagalit ang itsura.
“Ikaw na naman ba ang may gawa noon Alessia Kane, ha?! Kailan ka ba titigil sa ginagawa mong ‘yan?!” bulyaw nito sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at itinuon ang atensyon sa palabas.
“Hindi makatao ang paraan ng pagpatay ng murderer na ito. Ayon sa natagpuan namin sa crime scene, wala itong saplot at putol rin ang pag-aari nito. Nakitaan din ng balat ng lemon sa lapag na tiyak ay ipinangbudbod nito sa mga sugat nito. Ayon sa autopsy report ng aming medical team, the cause of death is due to the blood loss from the cut p***s, and infection from the toilet water that penetrates in the open wound of the victim,” pahayag ng isang may kaputian na lalaki. Matangkad ito at matikas ang pangangatawan. Humarap ito sa kamera at sinabi ang mga salitang nagpakabog ng aking dibdib.
“Ang aming department na ang magha-handle ng kaso nito, kaya humanda ka…” pabulong lamang nitong sinabi ang huling bahagi, pero basing-basa niya na pangalan n’yaang binanggit nito.
Agad kong iginala ang tingin sa baba ng mukha nito at binasa ang nakasulat doon.
PO1 Nathaniel Rosario
Blackport PD - Police Detective
“Sh*t!” ‘Di ko namalayan na naibulalas ko na pala ang nasa isip ko. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Lucas at pagmasahe sa ulo nito na tila sumasakit na kakaisip.
“Mag-ingat ka sa kanila, kagaya natin sila…” makahulugang banggit nito na nagpatuon ng atensyon ko sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin Luke?” takang tanong ko rito.
Walang makakahuli sa akin na isang mortal dahil mayroon akong Adermatoglyphia, isang rare genetic condition kung saan wala akong fingerprint. Kaya kahit anong pag-usisa nila d’yan ay wala silang makukuhang bakas ko. Magulo o brutal lang akong pumatay, ngunit malinis ako sa pag-iiwan ng kahit anong makapagtuturo sa akin.
“Blackport PD, isang police department kung saan hindi mga mortal na tao ang kasapi nito. Ano sa tingin mo?” tanong nito habang nakatingin ng diretso sa aking mata.
Napaisip naman ako sa sinabi nito. Blackport PD, ngayon ko lang narinig ang salitang iyon. PD as in Police department? Police District? P---
“Paranormal Detectives. Blackport PD: Paranormal Detectives. Ipinadala sila ng Academy para tumulong sa mga tao dito, kaya mag-iingat ka, lalo kay Nathan sapagka’t siya ay isang top student ng akademya,” putol nito sa iniisip ko.
Napatahimik lamang ako, hindi alam ang sasabihin. Sa totoo lang, alam ko ang tungkol sa akademya at sa Dimetiri Welt dahil sa kwento niya at ni Xyrza, ang best friend ko na sa Tarnen Divisio nagmula, samantalang si Lucas naman ay mula sa Licht Divisio, o lugar para sa mga mabubuti at kakaibang nilalang. Hindi sila nagkakilalang dalawa dahil kakabalik pa lamang ni Xyrza sa division niya ay siyang pagtatagpo ng landas namin ni Lucas.
“Alam mo Alessia na nandito ako para gabayan ka, nalalapit na rin ang itinakdang araw para makapunta ka sa Dimitiri Welt. At inaasahan ko na sa Licht Divisio ka mapupunta. Kaya sana naman ay tigilan mo na ang paghihiganti, dahil magagalit lamang sa iyo ang ating Diyos Ama,” payo nito.
Natigil kami sa pag-uusap nang biglang gumalaw ang lupa mula sa building na kinapupwestuhan nila. Naalerto kami at nakikiramdam nang muling umugong ang lupa kung kaya’t napabalikwas kami ng upo.
“Anong nangyayari?!” tanong ko rito nang sunod-sunod na umuga ang lupa. Nakarinig din kami ng mga pagsabog ‘di kalayuan sa aming puwesto.
Natutok ang atensyon ko sa TV nang biglang magbago ang palabas at ipinakita ang isang kilalang tao sa Pilipinas, ang heneral.
"Isang nagbabagang balita mga kabayan, nagmistulang battle ground ang Metro Manila dahil sa walang patid na pagsabog at putukan. Narito tayo ngayon sa palasyo upang hingiin ang opinyon ng katas-taasang heneral na si General Abeita."
"Magandang gabi sa inyong lahat. Sana ay mapayapa pa rin ang gabi ng mga nasa ibang lugar. Ang giyera na nagsisimula ngayon ay ang simula ng WWIII. Ang hidwaan sa pagitan ng America at China at kanilang mga kaalyado, ay nagresulta sa digmaan na ito. Nagpakalat na kami ng aming mga sundalo at kapulisan upang tulungan ang naiipit sa digmaan na ito. Hinihintay lang namin ang anunsyo ng presidente kung kanino kami papanig sa laban na ito. Sana ay mag-ingat kayong lahat at antayin lamang ang ipinakalat naming sundalo at kapulisan upang kayo ay iligtas. ‘Yun lang at Salamat," putol nito sa sinasabi niya.
Pinatay na ni Lucas ang TV at agad akong hinila palabas ng apartment. Naabutan namin ang nagkakagulong mga tao at nasirang lugar, pero hindi iyon ang pumukaw sa aking atensyon.
Nagsimulang mahati ang lupa at at bumukas ang portal ng langit, na tanging mga kagaya ko lang na hindi lubos na mortal ang nakakakita. Nagsimulang lumabas ang iba’t ibang klase ng halimaw at engkanto, maging ang mga taong nakasuot ng kakaibang kasuotan mula sa mga butas na ito habang patuloy ang pagbomba na nangyayari sa Metro Manila.
“Nagsisimula na…” paanas na wika ni Lucas.
Masyadong magulo ang lahat, lalo na sa aking mga mata. Magkasama at magkasabay ang nangyayari sa parehong mundo, ang pag-iisa ng Humanus at Dimetiri Welt sa lupa.
“Ito na nga...” mahinang bulong ko habang nakatingin sa kaguluhang nangyayari sa harapan ko.
“Ang selection...”