CHAPTER 3
Sia's POV
Madilim.
Sobrang dilim.
Tila ako nasa kawalan dahil maski isang liwanag ay wala akong makita.
"Tao po?" pagtawag ko. Nag-eecho lamang ang aking boses sa lugar na ito, na mas lalong nakadagdag sa takot na nararamdaman ko.
"Nasaan ako?" tanong ko pa, ngunit kagaya ng nauna ay wala akong napala.
Naglakad lakad ako, nagbabakasakaling may makitang iba.
Halos sampung minuto na akong paikot-ikot dito ngunit wala talaga. Isinalampak ko na lamang ang katawan sa kung ano mang babagsakan nito.
"Heto na naman," bulong ko.
Mula pagkabata ay ganito na lamang palagi ang laman ng aking panaginip.
Oo, panaginip.
Dahil mula nang mangyari ang trahedyang 'yon, ay hindi na ako nito tinantanan.
"Kailan ba matatapos 'to? Hindi na 'ko natutuwa!" sigaw ko sa kawalan.
Walang ano-ano ay biglang nagkaroon ng siwang ng liwanag sa kung saan. Agad kong hinarap kung saan ito nagmumula at tumakbo sa direksyon na 'yon.
"Aaah!" hiyaw ko nang mabangga ng kung ano. Napasalampak akong muli sa lapag at ininda ang tumama kong paa sa nakausling pako sa paligid.
"Ang sakit!" reklamo ko. Dahil sa maliit na liwanag ay kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagdugo nito.
Sa una ay maliit lamang ito, hanggang sa dumami ang lumalabas na dugo na hindi ko alam kung saan nagmumula.
Ang suot kong puting bistida ay tuluyan ng naging pula, at ang dating madilim na paligid ay mas naging nakakatakot dahil sa lawa ng dugo na nagmumula sa akin.
"Aaah!" hiyaw kong muli. Agad kong pinunit ang laylayan ng suot ko at itinapal ito sa paa'ng hindi maampat sa pagdurugo. Halos hindi ko na ito maramdaman sa sobrang pagkamanhid.
Ramdam ko ang panghihina matapos ko itong talian, ngunit hindi iyon ang mas nakapag-pagulat sa akin.
Ang lawa ng dugo, ay hindi sa aking paa nagmumula.
Kung 'di sa aking puwerta.
"Aaah!" hindi ko na malaman kung ilang hiyaw na ang nailabas ko, lalo na nang ang dating tahimik na karimlan ay napuno ng higit na nakakatakot na mga tunog.
Ang mga iyak ng sanggol.
"Nasaan kayo? Itigil n'yo na 'to!" pakiusap ko habang tinatakpan ang aking tainga. Ngunit walang nakikinig sa akin, mas lalong lumakas ang iyak na tila nagmumula sa napakaraming sanggol.
Mistulan ang mga ito na nasa paligid ko, na habang tumatagal ay mas lumalakas ang panaghoy.
"Tama na!" muling pakiusap ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa aking magkabilang tainga dahil sa nakakarinding pag-iyak ng mga ito.
"Hindi ko kayo ginusto! Bakit ako itong binabalikan n'yo?!" sigaw kong muli. Tinanggal ko na ang palad sa aking dumudugong tainga at pinilit tumayo.
"Nasaan kayo? Tigilan n'yo na ako!" matapang na sigaw ko. Inilibot ko ang mata sa madilim na lugar na ito, tanging ang mumunting liwanag mula sa malayo ang nagsisilbi kong gabay upang makita ang kabuuan ng paligid.
"Hindi mo kami mahal, mama!" sigaw ng isang tinig.
Agad akong natigilan at napasalampak muli nang madulas sa lawa ng dugo.
"Bakit mo kami pinatay, mama?" sambit naman ng isang malungkot na boses.
Nagsabay-sabay nang magsalita ang mga boses na hindi n'ya makita kung kanino nagmumula.
"Maglaro tayo, mama!" tuwang sabi naman ng isa.
Mas lalo akong nanigas sa aking pwesto.
"Tama na!" tanging pakiusap ko. "Patawarin n'yo ako!" dugtong ko pa kahit hindi ko alam kung maririnig nila ako.
"Bakit mo kami pinalaglag, mama?" tanong muli ng isa pa. Nabalot ako ng takot nang mula sa malungkot ay naging tila galit ang boses nito.
"Bakit mo kami pinalaglag, mama?!" galit na sigaw nito. Wala man s'yang makita ay ramdam n'ya ang kalmot at kagat ng hindi mabilang na umaatake sa kan'ya.
Napaiyak na lamang ako habang dinaramdam ang pag-agos ng dugo mula sa iba't ibang parte ng aking katawan.
"Ayoko na, aaaaah!" muling hiyaw ko nang maramdaman ang tila pagbukol ng aking impis na t'yan.
Ramdam ko ang pagtaas-baba nito na tila may humihingang nilalang na nabubuhay sa loob ko.
Napakapit ako sa semento sa takot, lalo na nang lumaki ito katulad ng mga s'yam na buwan na sanggol.
"Tama naaaaaaa!" mahabang ungol ko nang maramdaman ang pagkislot nito sa loob.
Habol ko ang hininga lalo na nang tuluyan akong mapahiga dahil sa bigat na nararamdaman ko.
"Masakit aaaaah!" sigaw ko. Pakiramdam ko ay hinahalukay lahat ng laman ng aking t'yan.
Pinilit kong tumayo upang makalayo sa lugar na 'yon ngunit hindi ko magawa.
Masakit man ay pinili kong gumapang, kahit pa nagagasgasan na ang aking katawan.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay ramdam ko ang pagsipa nito sa aking t'yan.
Napapikit ako sa sobrang pag-iinikit dahil hindi ko makayanan ang sakit na nadarama.
"Lumayo ka sa 'kin! Layuan n'yo ako!" nanghihinang pakiusap ko.
Ramdam ko ang tuluyang pagtulo ng luha sa aking mga mata dahil sa nadaramang panghihina.
Halos mapigtal ang aking hininga nang maramdaman ko ang pagkapunit ng aking sinapupunan at lumabas dito ang isang nilalang na hindi ko inaasahan.
Isang demonyo.
Umiyak ito na tila bagong silang na sanggol, ngunit imbis na saya ay kilabot ang dulot nito sa aking sistema.
Ilang sandali lamang ay may naaninag akong bulto ng kung sino na tila papalapit sa aking pwesto.
"Tulong," mahinang pagtawag ko. "Tulungan mo ako, pakiusap," sambit ko habang hilam na nang luha ang mga mata.
Nanghihina man ay agad ko itong pinunasan upang makita kung sino man ang estrangherong dumulog sa akin.
Una kong nakita dito ay ang kanyang mahahabang binti. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin at halos mawala ako sa ulirat sa aking nakikita.
'Ang taong ito,' sambit ko sa isip. 'Hindi!' kastigo ko sa sarili.
Hindi s'ya tao.
Dahil ang nilalang na nasa harapan ko ay may malapad ngunit maitim na pakpak.
Dahan-dahan itong lumuhod upang magpantay ang aming tingin. Nanlabo muli ang mga mata ko dahil sa pagluha, lalo na nang pwersahan n'yang kinuha ang bata mula sa aking t'yan.
"Aaah!" muling hiyaw ko dahil sa sobrang sakit na nadarama.
Hindi ko na alam ang nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na 'yon. Habol ko ang hininga habang nakahawak sa aking dibdib na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog nito.
Parang totoo.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa bandang tiyan at napahinga ng malalim dahil maayos naman iyon.
Napasandal ako sa pader habang inaalala ang ilang tagpo roon.
Ngayon ko lamang na-encounter ang mga batang demonyo, o ano pa man ang tawag niyo sa kanila. Ngayon lang rin ako nakakita ng ganoon klaseng nilalang, isang anghel na may maitim na pakpak.
Halos mapapikit ako ng maalala ang sakit ng idinulot noon nang hatakin niya ang halimaw sa aking tiyan.
Makalipas lamang ang ilang sandali ay bahagya na akong kumalma, kung kaya't inilibot ko ang paningin sa paligid na agad nagpakunot ng noo ko.
"Nasaan ako?" tanong ko nang hindi sariling kwarto ang mabungaran.
'May nai-table na naman ba ako?' tanong ko sa sarili.
Ipinilig ko ang ulo upang matanggal ang iniisip.
"Wala kang customer Sia, dahil ang huli mong ka-table ay pinatay mo," mahinang bulong ko.
Napangisi ako ng maalala kung paano ko pinatay ang Hunter na iyon.
"Dapat lang sa kaniya yon, demonyo rin naman s'ya," sabi ko pa habang nakatitig sa kawalan.
Napaiktad naman ako nang biglang bumukas ang pintuan at ilabas ang isang matipunong lalaki. Maputi ito at chinito, malaki rin ang katawan ngunit hindi kagaya no'ng mga bouncer sa bar na pinagtatrabahuhan n'ya ay tila pang-modelo ang katawan nito.
Napatulala s'ya sa pag-admire sa binata at hindi napansin ang paglapit nito sa kan'ya. Natauhan lamang s'ya nang ipinitik nito ang daliri sa harapan n'ya.
"Sinong pinatay mo?" tanong nito habang nakatitig ng matalim sa kan'ya.
Napalunok ako dahil sa bikig na bumara sa aking lalamunan dahil sa malalim na boses nito. Hindi pa rin nagbabago ang kan'yang ekspresyon, madilim pa rin ito katulad kanina.
"Sinong pinatay mo?" ulit nito sa tanong n'ya. Natauhan naman ako at sinalubong ang tingin nito, na agad ko ring pinagsisihan.
Tila nahihipnotismo ako sa kulay asul na mata nito. Ilang beses na rin akong nagkaroon ng blue-eyed customer, pero kakaiba ang isang 'to.
Pakiramdam ko ay nawawala ako sa sarili dahil sa pagkalunod sa kulay dagat na mata nito.
Napapitlag ako nang bigla nitong kinalabog ang table sa gilid dahil sa hindi ko pagresponde dito. Ang kaninang paghanga ay napalitan ng takot, hanggang sa maging inis dahil sa pakikialam nito.
"Ano bang pake mo? Sino ka ba ha?" mataray na sagot ko dito.
Tila hindi nito nagustuhan ang sagot ko kung kaya't nahawakan n'ya ang aking panga at pilit iniharap sa kanya. Hindi ako agad nakakilos dahil sa higpit ng hawak n'ya.
"Walang sino man na mag-aaral dito sa Caelum Academy ang may karapatan na pumatay ng kung sino, 'liban na lamang kung ito ay galing sa kasamaan," madiing sagot nito. Hindi ako nagpatalo at nakipagtitigan sa kan'ya.
"Galing sa impyerno ang mga pinatay ko, ibinabalik ko lamang sila sa lugar na pinanggalingan nila!" matapang kong sagot dito.
Natigilan lamang ito nang biglang may isang lalaking may mas malaking katawan kumpara sa kan'ya ang umawat sa amin.
Pilit nitong tinanggal ang pagkakahawak ng binata sa akin na kan'ya rin namang napagtagumpayan ng kusa itong bumitaw sa akin.
"Siguruhin mo lamang, dahil hindi ako mangingiming patalsikin ang mga katulad mo dito sa lugar na 'to," babala nito bago tinungo ang pinto at pabalyang isinarado iyon.
"Anong problema no'n?" tanong ng isang babaeng kakapasok lamang ng silid. Agad lumipat ang tingin nito sa akin at nanlaki ang mata.
"Uy! Gising ka na pala! How are you? Okay ka lang ba? May ginawa ba s'ya sayo?" sunod-sunod na tanong nito.
Pinanliitan ko ito ng mata at sinuri ang kabuuan n'ya.
Maputi rin ito, mala-porselana ang balat. Mukhang alaga ng mga sikat na skin care brand, o baka sadyang natural lamang iyon sa kanya.
Naipilig ko ang ulo sa naiisip.
"Nasaan ba ako?" tanging tugon ko sa mga ito.
Nagkatinginan ang dalawa at tila nag-uusap gamit ang isip.
Ilang sandali lamang ay nagbuntong hininga ang babae bago maupo sa kabilang higaan na katapat lamang ng sa akin.
"Anong nararamdaman mo?" imbes na sagutin ay tanong rin ang ibinato nito.
Napaismid lamang ako sa tinuran n'ya at tinaasan s'ya ng kilay.
Hindi man lamang s'ya nagpaapekto sa aking nagawa at pilit pang iniabot ang aking palad na agad ko ring binawi mula sa kan'ya. Napapahiya naman nitong ipinatong ang kamay sa higaan hanggang sa lumapit ang isa pang lalaki mula kanina at tinabihan s'ya.
"Pabayaan mo na muna s'ya Princess Cruzette, alam naman nating kakagising n'ya lamang mula sa isang buwan na pagkahimbing," pag-aalo nito sa kaharap.
Hindi ko napigilan ang sarili at kinalampag ang lamesa sa aking tabi na kinagitla nila.
"Anong isang buwan? Ano bang sinasabi n'yo? Nababaliw na ba kayo?!" sigaw ko sa mga ito.
Napahawak naman ang babaeng tinawag na Princess Cruzette sa braso ng binata dahil sa gulat.
"Umayos ka ng iyong pananalita binibini. Hindi mo gugustuhin ang mangyayari sa 'yo sa oras na malaman ng iba ang pangbabastos mo sa prinsesa," mahinahon ngunit seryosong tugon ng binata.
Inirapan ko lamang ito at nag-cross arms habang nakatitig ng direkta sa kanila.
"At bakit ko kayo susundin? E hindi ko naman kayo kilala? Saka anong prinsesa ba 'yang sinasabi n'yo? Nasa Pilipinas tayo, duh!" puno ng sarkasmo kong sagot sa mga ito.
Nagkatinginan ang dalawa bago muling ibinaling sa akin ang tingin at nagsimulang humagalpak ng tawa.
"Hahaha! Mukhang hindi n'ya pa nga pala alam ang pinasok n'ya mahal na prinsesa!" at binirahan muli ng binata ng nakakalokong tawa.
Samantala, pangiti-ngiti lamang ang babae na pinipigilan ang pagbunghalit ng kanyang tawa.
Dahil sa inis ay agad akong tumayo at kinuwelyuhan ang lalaking ito.
Kahit pa halos doble ang laki nito kumpara sa kan'ya ay sinuntok n'ya ito sa panga.
Natigilan naman ang dalawa na tila hindi makapaniwala sa nagawa n'ya.
Dahan-dahan n'yang hinawakan ang nasuntok na panga at tumawa ng pagak.
"Iyon na 'yon? Sure ka? Parang suntok lamang ng bata ah!" pang-uuyam nito na lalong nagpasiklab ng inis ko.
Hiniklat ko ito patayo at isinandal sa pader. Ngingiti-ngiti lamang itong nakatitig sa akin, waring inaantay ang susunod kong gagawin.
Ginantihan ko ito at nginitian rin ng pagkatamis-tamis, na s'yang nagpakunot ng noo nito.
Bago pa man muling makapagsalita ay buong lakas ko itong tinuhuran sa kan'yang pinaka-mamahal na alaga kasabay ng pagkalabog ko sa kan'yang likod.
Saktong pagkatama ng kamao ko ay bumukas ang pintuan at kitang-kita ang nagawa kong p*******t. Nanlaki ang mga mata nito at naghihisterikal na sumigaw na nagpatigil sa aming lahat.
"Oh my God, Alessia! Detention room, now!"
Ibinaba ko ang kamao at tinitigan ang binata na ngayon ay namimilipit sa sakit.
Agad lumapit si Princess Cruzette sa aming pwesto at tinitigan ako ng masama.
"Anong karapatan mong manakit ng iyong kapwa?" tanong nito kasabay ang isang mabilis na paglapat ng kanyang palad sa aking pisngi.
Tila nagulat ang lahat sa nangyari dahil ang kaninang mahinhin, ngayon ay tila tigre na nag-aapoy sa galit.
Napatawa ako ng pagak ng malasahan ang dugo mula sa aking bibig. Agad ko itong idinura sa lapag na sinundan n'ya ng tingin.
"Akala mo ba madadala mo ako sa sampal mo na 'yon?" delikado kong tanong dito. Kitang-kita ng mga mata ko ang bahagyang pagtaas ng balahibo nito sa katawan, ngunit kalaunin ay sinalubong n'ya rin ito ng tingin.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ay prinsesa sa kaharian ng Adamia! Dapat ay nagbibigay galang ka, babaeng mortal," pagmamalaki nito habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
Hindi ako nagpatinag at muling nag-cross arms sa harapan n'ya.
"Magbigay-galang? Ano 'yon?" tanong ko kasabay ng nakakalokong pagtawa.
"Bastos ka!" sigaw nito. "Wala ka bang mga magulang na dapat ay nagtuturo sa iyo ng magandang asal?" dugtong pa nito.
Dadampi sanang muli ang kanyang palad ngunit agad ko itong sinalo at ibinalik sa kan'ya.
"Oo bastos ako! Bastos ako at oo, wala akong magulang para turuan ako! Kaya h'wag na h'wag mong ididikit muli 'yang kamay mo sa akin, dahil doble ang ibabalik ko sa 'yo," sigaw ko dito.
Nakahawak lamang ito sa kan'yang nasaktang pisngi bago namasa ang kan'yang mga mata, hudyat na s'ya ay papaiyak na.
Nasasaktan man ay agad sumaklolo sa kan'ya ang lalaki at masama akong tiningnan, bago hinawakan ang pisngi ng dalaga at inalo ito.
"Patawarin mo 'ko dahil naging mabagal ako, Princess Cruzette," sambit nito habang hinihimas ang namumulang pisngi ng kaharap.
Tiningnan ako nito ng masama bago muling magsalita.
"Wala ka talagang respeto ano? Gan'yan ka ba talaga?" seryosong tanong nito. Ang kaninang mapaglaro nitong ekspresyon ay napalitan ng galit dahil sa nagawa ko.
Inismiran ko lamang ito saka inikot muli ang mga mata ko.
Bago pa man ito mag-drama muli sa harapan ko ay inis ko itong tinalikuran at sinundan ang matandang mukhang hindi makapaniwala sa aking nagawa.
"You don't know what mess you're getting yourself into, young lady," iiling-iling nitong saad habang patuloy sa paglalakad.
Hindi ko na lamang ito pinansin at nilibot ang paningin sa lugar.
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansing iba ang dinadaanan ko.
"Nasaan ako?" tanong ko. Sinulyapan lamang ako nito bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napairap na lamang ako at sinundan ito habang tinitingnan ang paligid.
Naglalakad kami ngayon sa isang mahabang pasilyo. Puro kwarto sa kaliwa, samantalang open air naman sa kanan. Kitang-kita ko ang asul na kalangitan, 'katulad no'ng sa lalaki kanina,' untag ng isip ko.
Agad kong pinaling ang ulo upang mawala sa isipan ang antipatikong lalaking 'yon.
Sa baba ay isang malawak na field kung saan may mga nakamarkang linya na tila naghahati sa mga ito.
'Para saan kaya 'yon?' tanong ko sa sarili dahil alam kong wala akong mapapala sa nasa harapan ko.
Napairap na lamang akong muli at ibinaling ang atensyon sa harapan, ngunit wala na roon ang sinusundan ko.
Agad akong napatigil paglalakad at napakamot sa ulo.
"Nasaan na ba y--" naputol ang sasabihin ko nang biglang may bumundol sa likuran ko.
Inis ko itong tinapunan ng tingin at napansin na isa itong babaeng nakapamulsa habang nakatitig sa akin.
"Oh, bakit ka tumigil?" tanong nito. Hindi ko mawari kung galit ba ito o ano dahil sa tono ng boses nito. Walang ekspresyon ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Si Ms. Bevs ba? Ayon, nag-teleport na sa sobrang inis sa 'yo," pahabol na tugon nito.
Napakunot ang aking noo sa huling tinuran nito.
"Teleport?" takang tanong ko. Kinunutan n'ya rin ako ng noo na tila di makapaniwala.
"Oo, like duh? Isa s'yang wizard na may kakayahan na mag-travel ng mas mabilis through teleportation?" sambit n'ya ng patanong.
Siya naman ngayon ang nagtataka habang sinusuri ako.
"Oh wait," dugtong n'ya. "Galing ka rin sa Humanus Welt ano?" tanong n'ya pa.
Mas lalong napakunot ang aking noo sa narinig.
Humanus Welt?
Ano 'yon?
Ilang sandali pa lamang ay nanlaki ang aking mata ng mag-sink in ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Oh, anong nangyari sa 'yo? Mukha kang tanga na nakanganga d'yan," sabi nito saka nameywang sa harapan ko.
Agad kong naitikom ang bibig at inirapan s'ya.
"Nasa Dimetiri Welt ba ako?" tanong ko dito. Tinaasan n'ya lamang ako ng kilay at binigyan ng 'duh' look.
"Oh, so ito na pala ang Tarnen divisio? Kung gayon, kilala mo ba si Xyrza?" magkasunod kong tanong dito.
Ang kaninang wala nitong ekspresyon ay napalitan ng galit, gulat at pagtataka nang marinig ang sinabi ko.
"Tarnen divisio? Ang tahanan ng mga demonyo?" pa-ismid na sabi nito at inikot ang mata.
"Alam mo," sambit pa n'ya, "hindi ko alam kung saang lupalop ka ng humanus welt nagmula pero ito lang ang sasabihin ko sa 'yo," huminga muna ito ng malalim saka ako tiningnan ng diretso sa mga mata.
"Wala ka sa lugar ng mga demonyo, dahil nandito ka sa Caelum Academy, the land of mystical and celestial beings."