Chapter 20: Sling Shot

1222 Words
Sia's POV "Here, wear this." Inihagis niya sa kama ang isang pares ng itim na sports bra at pinatungan ng black blazer. Mayroon din itong katernong itim na leggings at itim na sapatos. "Seriously? Why naman all black?" Nakairap ito habang patuloy paghalungkat sa mga paper bags na dala niya. "Aha! Found it!" "Ano 'yan?" Takang tanong ko. Hindi ako nito pinansin at itinabi iyon sa backpack na dala niya. "Bilisan mo na at isuot 'yang mga 'yan!" Utos pa nito at lumabas ng kwarto upang makapagbihis ako. Napakibit-balikat na lang ako at isinuot ang mga iyon. -- Kasalukuyan akong tumitingin sa salamin ng muling bumukas ang pinto at tumambad si Xyrza na may slingshot na dala. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon kaya't kinunutan ko siya ng noo. "Saan mo na naman ninakaw 'yan, Suesue ha?" Akusa ko. Inirapan niya lang ako at ibinato sa aking gawi iyon. Mabuti na lamang at nasalo ko bago pa man ito tumama sa mukha ko. "Nakaw ka diyan. Tingin mo ba may magbebenta ng lumang klase ng armas na 'yan dito?" Binuksan niya ang bag at inilabas ang isang supot ng mga kulay berdeng maliliit na bilog. "Hand made 'yan, gaga. Kung hindi ka lang..." Hindi ko narinig ang iba niyang sinabi dahil pabulong lang iyon. "Bilisan mo at may titirahin tayong zombies ngayon..." ani niya at naunang lumabas ng suite. Binitbit ko ang pouch upang paglagyan noong ibinigay niya at sumunod na pababa. -- "Para sa unang gabi ng iyong training..." Kinuha niya ang slingshot sa akin at ang green balls na mistulang bala nito. Hinila niya ang goma paatras at binitawan. Tumama iyon sa isang zombie sa baba namin. "Gnaaaar!" galit na ungol nito at pilit hinahanap kung saan iyon galing. Napaatras ako ng bahagya upang hindi niya makita. "Ano ba, bakit ka nagtatago?" Tanong niya at sumilip muli sa baba. Kasalukuyan kaming nandito sa isang parang lighthouse. Mataas ito kaya't hindi kami basta-basta maaakyat ng mga iyon. Mataas rin ito at kita namin ang buong area, mas madali para patamaan sila. "Watch me..." ani niya at sinumpak muli ang isa. Mabilis ang pagkakatama noon dahilan para tumagos iyon mula noo hanggang batok ng zombie. Bigla na lang itong natumba at hindi na nakabangon muli. "Ikaw naman..." Inilahad niya ang slingshot na agad ko ring tinanggap. "So paano ba ito..." "Hep! Bago 'yan, isuot mo muna ito." Inilabas niya ang itinago kanina at ipinakita sa akin. Isang tela. "Blindfold? Para saan?" Naguguluhang tanong ko. Hindi ito sumagot at isinuot iyon sa akin. Wala na akong makita... "Bakit may ganito pa? Bakit hindi na lang kami magmano-mano doon sa baba?" angal ko. "Hay nako, Sia. Common sense naman a keribels mo sila kahit mag-isa. Ano pang silbi ng training natin kung hahasain pa iyong forte mo? Malamang kailangan ka ring dagdagan ng skills, duh." "Hinga ng malalim..." utos niya. Nilanghap ko ang sariwang hangin na humahampas sa aking balat at saka bumuga ng malakas. "Good. Ngayon i-feel mo kung nasaan ang mga kalaban at patamaan sila." Hindi na ako nagreklamo at sinunod ang inutos niya. 'Focus, Sia...' sambit ko sa isip at binitawan ang goma. Wala akong narinig na nagreklamo kung kaya't tatanggalin ko na sana ang blindfold ngunit pinigilan ako ni Xyrza. "Pagpatuloy mo lang." Itinuloy ko nga ang pagtira sa kung saan-saang direksyon kahit pa hindi ako sigurado sa ginagawa ko. Kinapa ko ang purse at nangunot ang noo ng wala ng mahawakang bullet. "Bakit wala na?" "Naubos mo na." Tinanggal na ni Xyrza ang pagkakablindfold sa akin at tumambad ang kapaligiran. "Tinamaan ko b--" "Wala kang tinamaan kahit isa, Sia." Seryoso ang ekspresyon nito habang nakatingin sa paligid. Pinagmasdan ko rin ang lugar at nalungkot dahil wala nga akong natamaan kahit isa. Nagkalat lamang ang mga ibinato ko at ang tanging nakahiga sa lapag ay ang napatay ni Xyrza kanina. Madilim ang ekspresyon nito ng humarap ako sa kaniya. "Xyr--" "Okay na 'yon para ngayon. There's always room for improvement, Sia." -- Nagpatuloy ang ganoong set up ng halos isang linggo. May natatamaan man ako ngunit hindi namamatay katulad ng nagagawa niya. Kita ko ang pagod at disappointment sa mga mata ni Xyrza sa tuwing matatapos ang aming training. Nasira na rin ang binigay niya kaya't gumawa siya muli ng bago. Upang makabawi sa kaniya, tuwing gabi ay tumatakas ako at nagpa-practice mag-isa. Ako na rin ang nangunguha ng bullet doon sa isang puno na pinagkukuhaan niya. "Kaya mo 'to, Sia..." Pikit mata kong itinira ang huling bala bago kinapa ang tali sa likuran. Hinila ko ito at nalaglag ang telang nakatakip dito. Napamaang ako dahil sa gulat... Ang mga tinira ko... Lahat ng zombie na nandito ay nasa lapag at hindi na muling bumangon pa. "Nagawa ko!" tuwang sambit ko at tumalon sa hangin. Napatigil lang ako sa pagsasaya ng may magsalita sa likuran ko. "You really did it, Sia. I'm so proud of you..." "X-Xyrza?" gulat na sambit ko. Ang taong nasa likuran ko ay walang iba kung hindi ang babaeng nagsasanay sa akin. "Yes. Sulit ang pagtakas mo sa akin gabi-gabi at ang pag-ubos ng bunga ng puno..." Nilingon niya ang mga bullet na ginamit ko at saka tumawa. "Wala na ba akong bala? Hahaha," sabay ko sa pagtawa niya. Napailing lang ito at biglang nagseryoso ang mukha. "Hindi na bunga ang gagamitin mong bala, Sia..." Ngumisi ito ng pagkalaki-laki at hinila ako palabas. Nagkalat sa paligid ang mga zombie na napatay ko. Higit kinse siguro sila dito sa lugar at nagawa kong mapatay bawat isa sa kanila. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. "You'll see..." -- Natigil kami sa harap ng isang establishment. Isang tingin pa lang sa design nito ay alam mo na kung anong ibinebenta nila. Mga baril at pampasabog.. "Do the honor," ani niya at itinuro ang naka-lock na pinto. Ako naman ang ngumisi at inilabas ang clip na hindi ko tinatanggal sa bulsa ko. Ilang ikot lang ay tumunog na ang seradura nito hudyat na wala ng lock sa loob. "Tara na," aya niya at hinila ako papasok sa loob. Madilim man ngunit ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanglaw namin sa lugar na ito. Nasisinagan ng buwan ang iba't-ibang baril na naka-display sa harapan. Mula sa maliit hanggang sa malaki. Mula sa maiksi hanggang sa mahaba. Iba't-ibang klase ng armas ang tumambad sa amin. Nagsimula na akong lumakad habang pinapasadahan ng hawak ang bawat armas na malapitan ko. "Ang ganda..." bulalas ko habang pinagmamasdan ang mga ito. "Sia..." Napalingon ako sa likod at nanlaki ang mata dahil sa hawak ni Xyrza. Lumapit siya sa akin at iniabot ang isang mataas na klase ng baril. May scope ito sa itaas at mahabang ulo. May built-in laser din siya na lalong nagpaganda dito. Hindi ako makapaniwala... Isa itong... "Oo, Sia. Isang sniper riffle katulad ng ginagamit ni Lesley sa ML." Inilahad niya ang kamay at iniabot sa akin ang baril. "Ibang klase..." Puno ng paghanga ko itong sinuri habang nakangiti. "Keep it. The warrior that you are deserves it." Nginitian ko siya at dinamba ng yakap. "Sobrang thank you talaga, Xyrza! N-Napasaya mo ako..." Nanatili kami sa ganoong puwesto hanggang sa may ibinulong siya na nagpabalik ng galit sa sistema ko. "Ingatan mo ang baril na 'yan, Sia... ...dahil iyan ang gagamitin mo upang patayin ang hayop na bumaboy sa'yo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD