Chapter 18: Xyrza Rowan

1198 Words
Sia's POV Tahimik lang akong nakamasid sa portal na nakabukas hindi kalayuan sa aking puwesto. May mga nilalang ang pumapasok patungo doon at hindi na bumabalik pa rito. Napahigop ako sa mainit na kape habang pinapanood ang pagpasok ng isang batalyon ng mga Sigbin. Ang mga Sigbin ay katulad ng kambing o kangaroo, ngunit ang mukha naman ay katulad ng sa paniki. Sila may mahabang pangit at namumulang mga mata. Sinisipsip nila ang dugo ng matitipuhan mula sa mga anino. Ang mga ito ay pabaliktad lumakad habang ang ulo ay nasa ilalim ng mga hita. Sinasabi rin na isa sa kapangyarihan nila ang magtago o maging invisible sa ibang nilalang, lalo na sa tao. "Hahayaan mo lang ba talaga silang makapasok diyan?" Nilingon ko ito at inangat ang hawak kong tasa. "Gusto mo?" alok ko rito. Umiling lang siya at tumabi sa akin. "Handa ka na ba, Sia?" Hindi ako umimik at ibinalik ang tingin sa portal na hinigop sila. "Isa lang ang paraan para malaman 'yan..." Napangisi ako habang inaalala kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. May mga nilalang mula sa Tarnen ang umaatake sa amin ngayon habang hinahabol ang isang babaeng patungo sa aming direksyon. "Pagod na ako..." bulalas ko habang inaatake ang bawat lumalapit sa akin. Mula sa iba't-ibang lipi ng aswang ang natapat sa akin ngayon at hindi ako natutuwa dito. Masyadong maliit ang aking special swiss knife upang atakihin sila mula sa malayo. Hindi katulad ng kay Gunther na hindi pa man nakakalapit ng sobra ang kalaban niya ay tapyas na ang ulo ng mga ito dahil sa talim ng kaniyang espada. Sila Rhie at Elle din ay may mga kalaban. Dahil kapwa long range shooters sila ay madali nilang natutupok ng palaso at apoy ang mga ito. Hindi ko na rin kailangan tumingin sa aking gilid dahil ang malakas na hampas at ingay na nagagawa ni Darius ay sapat na para malamang kaya niya ang kalaban niya. Itinuon ko ang atensyon at pinagsasaksak ang mga umaatake sa akin. Katulad ng nangyari noong selection, ang bawat nilalang na tamaan ko nito ay umuusok hanggang sa tuluyang maging abo. Hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon, ngunit hinayaan ko na lang dahil malaking advantage naman ito sa akin. Nasa kalagitnaan na ako ng laban ng mapansin ang nilalang na naka-cloak at palihim na tumutulong sa amin. Nangunot ang aking noo dahil halata namang nasa panig siya ng kalaban ngunit kami ang pinapanigan. "Haaa!" sigaw ko at sinipa sa sikmura ang umatake sa akin. Ibinaon ko rin ang patalim sa kaniya hanggang sa tuluyan siyang maging abo at humalo sa hangin. Hindi ko na pinansin ang ibang papalapit sa direksyon ko at hinabol ang naka-cloak na nilalang. Bawat sumusugod sa akin ay agad kong hinihiwa hanggang sa mag-usok ang parteng iyon at masunog ng walang kalaban-laban. Mukhang napansin ng naka-cloak iyon kaya't mabilis siyang kumaripas ng takbo palayo sa akin. "Sandali!" sigaw ko habang papalapit dito. Nalayo na ako ng ilang milya mula sa aking kasamahan habang patuloy na nakikipaghabulan sa nilalang na iyon patungo sa gubat. "Tumigil ka! Bakit mo kami tinutulungan? Nasa panig ka ng kalaban, hindi ba?" sigaw ko. Napatigil ito sa pagtakbo ngunit nanatiling nakatalikod sa akin. Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. "Humarap ka at ipakilala ang iyong sarili," utos ko rito. Sa unang pagkakataon ay tumawa ito na tila nang-uuyam at saka nagsalita. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Alessia. Palautos ka pa rin kahit kanino." Natigil ako sa paglalakad dahil sa sinambit niya. Ang boses na iyon... "Cruzette!" Napalingon ako sa likod at nakita si Elle habang nakatingin kay Darius na buhat ang isang walang malay na babae. May tahi ang bibig nito at puro sugat ang katawan. Agad kumilos si Gunther at nag-chant. Ilang sandali pa lang ay may portal na bumukas at mabilis silang pinapasok doon. "Alam mo bang sa oras na hindi makapasok ang lahat ng naunang gumamit niyan ay hindi iyan tuluyang magsasara?" Hinarap ko ito at napansing nakaharap na siya sa akin. May ngisin nakapaskil sa kaniyang mga labi habang sinasambit iyon. "Sa oras na sumama ka sa kanila, hindi mo malalaman ang katotohanan ngayon, Alessia." Muli akong natigilan at napapikit ng mariin. Dinig ko pa ang matunog niyang halakhak dahil sa ginawa ko. "Pagkakataon mo na ito, Sia. Ito na ang matagal mong inaantay. Bukod pa doon ay tutulungan kitang ma-discover ang totoo mong lakas, bagay na hindi nila ituturo dahil sa takot na malamangan mo sila..." Tinaliman ko ito ng tingin dahil sa sinabi niya. Inilabas ko ang punyal at itinutok sa direksyon niya. "Isang sabi mo pa ng masama tungkol sa kanila, hindi ako magdadalawang-isip na itarak 'tong punyal sa lalamunan mo," banta ko pa. "Hindi mo sila kilala, Sia. Higit na mas matagal ang pinagsamahan natin kumpara sa kanila." Mabagal niyang tinanggal ang nakasuklob na hood at tumambad ang kaniyang mukha. "Kumusta ka na, aking kaibigan?" "Xyrza Rowan..." "Hindi mo man lang ba ako yayakapin, bff?" Ang kaninang mabigat na atmosphere ay tuluyang nawala lalo na ng dinamba ko siya ng yakap. "Tang ina ka talaga, bff. Bakit hindi ka na bumalik? Hindi mo na tuloy nakilala si L--" "Tang ina ka din, Sia. Ngayon na nga lang tayo nagsama tapos ganiyan ka pa. Akala ko chuchugiin mo na ako n'yang punyal mo hmp," napa-pout ito habang sinasabi iyon dahilan para ako ay matawa. "Kung hindi ka ba naman kasi gago Xyrza, kung makasalita ka laban sa kanila e parang matagal mo na silang kilala." Napatahimik ito sa sinabi ko at bumalik sa dating ekspresyon ang mukha. "Seryoso ako, Sia... Hindi mo pa sila lubusang kilala." Ipinilig ko ang ulo at kumalas ng yakap sa kaniya. "Ano bang sinasabi mo? Tingnan mo nga a--" "Ikaw ang tumingin, Alessia. Umalis na sila pagkaligtas sa prinsesa. Hindi ko nga sila nakitang nagdalawang isip na pumasok doon o hanapin ka." Muli akong natigilan sa sinambit niya at tiningnan ang battle field kanina. Tama ang sinabi niya... Wala na nga sila... Akala ko pa naman... "Pabayaan mo na sila kagaya ng pagpabaya nila sa iyo. Sumama ka sa akin at may kailangan tayong gawin at tapusin..." Nabalik ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. Hindi mawala ang ngisi mula sa mga labi niya ng sinabi n'ya 'yon. "Alam kong magugustuhan mo kung saan tayo pupunta at kung sino ang tatapusin, Sia..." Lumapit ito sa akin at ibinulong ang mga katagang bumuhay ng galit sa aking dibdib. "Tutungo tayo sa Humanus Welt upang doon ka sanayin at mas palakasin. At alam mo kung sinong una mong papatayin? ... Ang huling lalaki na nagpahirap at yumurak sa'yo ilang taon na ang nakakalipas..." "Putang ina!" Naikuyom ko ang kamao sa sobrang pagngitngit ng galit dahil sa sinabi niya. Nakangisi pa rin ito na mukhang nasisiyahan sa reaksyon mo. "Sasama ka na ba sa akin, Sia?" Muli kong nilingon ang bukas na portal at nakaramdam ng bahagyang sakit dahil kahit ilang minuto na ang nakalipas ay wala atang nakaalala sa kaniya para balikan siya rito. Huminga ako ng malalim at saka siya hinarap ng may seryosong ekspresyon. "Sasama na ako sa'yo, at sisiguruhin kong mapapatay ko ang demonyong nasa lupa ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD