Chapter 34: Gunther Griffin

1386 Words
Third Person’s POV   Tulala ang lahat sa nakita.   Sa tulong ng liwanag ng malaki at asul na buwan ay malaya nilang nasisilayan ang makinang na sandatang matagal na panahon na rin nilang hinahanap. Kumikislap ang ginto nitong hawakan habang tinatamaan ng liwanag na dumadagdadg pagkamangha sa lahat ng nakakakita nito.   Bahagyang napaatras si Gunther ng ibaling ni Sia ang tingin sa kan’ya. Walang ekspresyon ang kan’yang mga mata ngunit nakapaskil ang kakaibang ngisi sa labi.   “Simulan na natin ang laban.”   Inihampas ni Sia ang kan’yang espada sa lalaki. Gulat man ay mabilis itong nasalag ni Gunther at itinulak ito palayo gamit ang kan’yang sandata.Umayos ng tindig ang lalaki at mahigpit na hinawakan ang armas.   Umiikot habang nakatutok ang espada sa isa’t-isa. Walang kumukurap, walang nagsasalita. Tanging ihip lang ng hangin at kalansing ng mga metal ang naririnig sa tuwing nagtatama ang kanilang mga sandata.   “Haaa!” Sigaw ni Sia at inihampas ang Tyrphing kay Gunther. Nagtama ang kanilang espada at lumikha ng malakas na tunog ng nagkikiskisang metal habang may mga munting alikabok na umaalpas sa paligid.   Nagpalitan sila ng atake at sa sobrang bilis ay hindi mo iisiping mabigat ang kanilang mga hawak. Umabante ang dalaga at patagilid na ini-swing ang espada sa tagiliran ng binata. Naiwasan n’ya ito at tumalon upang patamaan mula sa ibabaw ang dalaga. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya’t hindi kaagad nakalayo si Sia. Ginamit n’ya ang espada at malakas na iniharang sa kan’ya. Umalingawngaw ang tunog ng nagbabanggaang armas sa paligid. Malakas ang impact nito na nagpayanig ng bahagya sa lupang kanilang tinatapakan.   Mabilis na nag-slide back si Sia at sinugod si Gunther na kakalapag lang sa lupa. Mabilis at mabigat ang bawat atake sa isa’t-isa. Bahagya silang nagkakatamaan ngunit galos lamang ang natatamo.   “Magaling ka, Sia. Ngunit hindi ako magpapatalo.” Madiing sambit ng binata at tinalapid ito. Hindi nakaiwas si Sia at napahiga sa lupa. Iniangat ni Gunther ang kan’yang sandata at handa ng itarak sa kna’ya ng sipain s’ya sa baba ni Sia. Napahawak s’ya doon at bahagyang nanlambot sa tinamong sakit ng kan’yang alaga. Hindi pinalampas ni Sia ang sandali at hinawakan ito sa buhok. Ibinalibag n’ya ang lalaki na lumikha ng malakas na pagyanig at pagkabitak sa lupang tinatapakan nila.   Hindi nagpatalo si Gunther at mabilis na tumayo. Binigyan n’ya ng suntok ang dalaga na hindi nito naiwasan. Putok ang labi nito habang galit na nakatitig sa kan’ya.   Mahigpit na hinawakan ni Sia ang kan’yang Tyrphing at walang awang inihampas sa lalaki. Nasalag ito ni Gunther ngunit hindi ang sipang nakaabang sa kan’ya. Direkta itong tumama sa kan’yang sikmura na nagpaatras sa kan’ya ng bahagya.   Hindi nagsayang ng pagkakataon si Sia at dinamba ito. Nagpagulong-gulong sila sa lupa. Nagpapambuno kung sino ang mapupunta sa ibabaw. Mahigpit na pinisil ni Gunther ang braso ng dalaga kaya’t na-pin n’ya ito sa sahig. Mahigpit n’yang sinakal ito mula sa ibabaw habang matalim ang tingin.   “Iyan lang ba ang kaya mo?” Nang-uuyam na tanong ng dalaga. Kumunot ang noo ni Gunther sa narinig. Bago pa s’ya makapagsalita ay buong lakas na kinuha ni Sia ang espadang nasa gilid at itinarak sa likuran ng binata.   “Namnamin mo ang pakiramdam ng masaksak sa likod... Katulad ng ginawa mo sa akin.” Galit ang kan’yang tono habang mas idinidiin ang pagkakasaksak sa lalaki.   Napaubo si Gunther ngunit hindi nito binitiwan ang pagkakasakal sa dalaga. Ramdam n’ya ang nanunuot na sakit sa kan’yang kaibuturan habang nakabaon ang banal na espada sa kan’yang likuran.   “Talo ka na, Gunther...”   “H-Hindi pa...” Nahihirapang saad n’ya habang may ngisi sa labi. Inalis n’ya ang isang kamay at hinawakan ang kay Sia.   Napanganga ang dalaga ng maisip ang gagawin nito. Bago pa s’ya makapagsalita ay buong lakas na dumagan si Gunther sa kan’ya at mas ibinaon ang espadang hawak n’ya... Na umabot hanggang sa dibdib ng dalaga.   “H-Hindi...”   -- Nagkakagulo na ang mga nilalang sa labas. Hindi magkamayaw ang mga ito habang pinapanood ang dalawang magkapatong sa arena. Pareho ng bumubulwak ang dugo mula sa labi ng mga ito ngunit hindi pa rin sila natitinag.   “Itigil n’yo na ang laban, baka mamatay ang isa sa kanila!” Hiyaw ni Rhie ngunit hindi nagpatinag ang konsehong gulat pa rin sa nangyayari.   Hindi nila pinansin ang sinambit ng dalaga at itinutok ang mata sa naglalaban. Masyadong kapana-panabik ang mga eksena at ni kumurap ay hindi nila magawa. Bakas ang paghanga, takot at pagtataka habang pinapanood si Sia at Gunther na naglalaban.   Hanggang ngayon ay hindi sila makapaniwala na ang armas na hinahanap nila noon pa man ay nasa kan’ya lang...   Nasa babaeng hinahamak ng lahat dahil sa bigla n’yang pagsulpot at pagkabilang sa mga Guardian ng walang sapat na basehan bukod sa espadang pumili sa kan’ya.   “Kaya pala s’ya pinili ng espada noon...” Mahinang bulalas ni Sonia habang pinapanood ang magkapatong na nilalang habang may nakaturok na espada sa kanilang dalawa.   “Hindi kaya—“   “Malalaman natin sa susunod, Sonia.” -- “Magaling... Ramdam ko na ang nalalapit nating tagumpay...” Nakangiting wika ng isang nilalang na balot ng cloak habang nakatago sa karimlan. Malaya nitong napapanood ang dalawang nilalang na naglalaban sa harapan.   “Gaano ka kasiguradong sa atin nga ang tagumpay?” Sabat ng kasama n’ya. Malalim ang boses nito habang pinapanood ang pagpiglas ng isa’t-isa makawala lang sa kalaban.   Mas lumaki ang ngisi sa labi nito ng lumabas ang malaking pakpak mula sa likuran ng lalaki. Kusang nabitawan ni Sia ang espada at tuluyang nahulog sa lupa. Lumipad paangat ang binata at ibinuka ang malapad at maputing pakpak.   Ang pakpak ng anghel na taglay n’ya dahil sa pinagmulan n’yang lipi. Ang mga nephilim...   Pinulot n’ya ang kan’yang espadang nakakalat sa gilid at itinutok sa nakahigang dalaga. Naghahabol ito ng hininga habang nakahawak sa dibdib upang maampat ang pagbulwak ng masaganang dugo mula roon.   Matalim n’yang tiningnan ang lalaki sa kan’yang harapan at buong lakas na pinilit ang sarili na tumayo. Pinunit n’ya ang suot na damit at ibinigkis sa duguan n’yang balat. Litaw ang maputi nitong balat na ngayon ay dinaraanan ng mga dugong umaalpas mula sa kan’ya.   Napadura ito sa lupa at muling pinulot ang kan’yang Tyrphing. May bahid pa ito ng pinagsama nilang dugo na mas naging nakakatakot habang nasisinagan ng buwan.   Kapwa sila duguan at nakatutok ang armas sa isa’t-isa. Nagsimulang sumugod si Gunther at inatake si Sia. Puro salag ang dalaga na paminsa-minsang umaatake kapag may pagkakataon. Pumailanlang sa karimlan ang tunog ng naghahampasang metal at pagtama nito sa isa’t-isa, Malakas rin ang hanging ipinapalabas nito habang inii-sway patungo sa direksyon ng kalaban.   Tagaktak na ang pawis ng dalawa ngunit patuloy pa rin sila sa paglaban. Kapwa sila duguan ngunit hindi sila nagpatinag at muling nagkarambola sa harapan.   “Matibay at malakas silang dalawa, kahanga-hanga.”   “Oo, lalo na s’ya...” Sagot ng isa at matalim na tiningnan ang tinutukoy n’ya. Bawat galaw ay kan’yang sinusuri at kinakabisado.   “Sa tingin mo ba ay sa atin s’ya papanig?”   “Maniwala ka lang sa kan’ya...” May lamang sagot nito at kumubra ang labi sa isang kakila-kilabot na ngisi. Lumakas ang hangin sa kanilang banda na nagpahulog sa cloak na suot ng isa. Sa tulong ng sikat ng maliwanag na buwan ay tumambad ang mukha ng nilalang na may maputi at makinis na balat. Maganda ang pisikal nitong anyo, lalo ang kan’yang matang kakulay ng dugong umaalpas sa labi ng dalawa.   “Masyado kang bilib sa kan’ya, pero sige maniniwala na lang ako sa ‘yo...   Lady Ebony.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD