Chapter 25: Dian Griff

1233 Words
Third Person’s POV   “Ako ba ang hinahanap niyo? Puwes...     Nandito na ako.”   Ang kaninang nakakabinging sigawan ay napalitan ng hindi makabasag pinggan na katahimikan. Ang mga estudyanteng kanina lang ay naghahanap sa kaniya ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kan’ya.   “ISANG BABAE?!” Basag ng host sa katahimikan.   Tila nabalik sa wisyo ang mga estudyante at muling nagpalitan ng kanilang mga opinyon at sabi-sabi.   “Babae ang sinasabing Knight?!”   “Niloloko ba nila tayo?”   “Anong laban n’yan kay Gunther?!”   Sa kabilang banda ay malawak ang ngiti ni Dean Peter maging ang ilang miyembro ng konseho habang nanonood ng komosyon sa baba.   “Mukhang maganda ito...”   “Excuse me Peter, pero seryoso ba ‘to? Hindi naman kami na-inform na isang mula sa Humanus welt ang bagong hinirang.” May bahid disgusto sa bahid ng ginang habang nakatingin kay Sia na nananatiling walang ekspresyon habang nakatayo sa baba.   “Ang espada ang pumili sa kaniya, Sonia. Hindi ata tamang pagdudahan ang pinili ng banal na armas, hindi ba?” Sagot ni Dean Peter dito.   “Ngunit bakit mo naman itinalaga na miyembro agad siya gayong may mga pagsusulit na inihahanda upang mapatunayan niya ang sarili niya?”   “Oo nga naman, Peter. Mawalang galang na pero grabeng pahirap ang ginawa niyo sa anak ko bago pa ito official na maging chosen guardian. Lahat ng miyembro ngayon puwera sa babaeng ngayon ko lang nakita ay dumaan sa matinding pagsasanay at pagsubok para marating ang kung nasaan sila ngayon,” segunda ni Muros, ang sundalong Mulawin na may mataas na katungkulan sa kanilang lipi. Siya ang idolo ng kaniyang anak na si Rhie dahilan para magsikap itong marating kung nasaan ito ngayon.   “Kaya nga ginaganap ang duelo ngayon hindi ba? Para mapatunayan niya ang sarili niya.”   “Bakit ba masyado kang bilib sa babaeng iyan, Peter? Ano bang alam mo bukod sa galing siya sa mundo ng mga tao?” Pagsingit ni Leihra, ang miyembro ng konseho mula sa lipi ng mga Tamawo.   Napangisi si Peter sa itinanong nito at naiiling na sumagot.   “Siya ang babaeng dahilan ng pagkawala ng dalawang mahalagang tao dito sa akademya noong panahon ng selection. Natatandaan niyo pa ba ang pangyayaring iyon?”   Napaawang ang labi ni Sonia ng maalala ang senaryong nasaksihan ng dalawa niyang mata.   “S-Siya ba ang –“   “Dahil sa pangyayaring ito, bakit hindi natin baguhin ang daloy ng taunang duelo?” Putol ni Peter sa sinasabi nito at nagsalita sa harapan.   Napuno ng hiyawan sa ibaba dahil sa pinaghalong tuwa, excitement at kaba na nararamdaman nila. Ngayong taon lamang makalipas ang ilang dekadang naitayo ang academy na babaguhin nila ang batas.   “Bakit hindi niyo labanan ang bagong dating, at alamin kung sino nga ba ang karapatdapat sa posisyon bilang guardian? Kung mangyayari iyon...” Pinagmasdan niya ang mga estudyanteng nasasabik sa sasabihin niya. “Kung sino ang mananalo sa magaganap na duelo ay magkakaroon ng tyansa na palita siya sa puwesto. Oh papayag ba kayong hindi na lang siya sumabak sa duelo at manalo ng hindi lumalaban sa kahit isa sa inyo?”   Mas lumakas ang hiyawan na may halong tulakan para lamang mag-volunteer.   Napailing na lang si Sonia na mula sa lipi ng mga Lambana at itinuon ang atensyon sa harap.   “HINDI MAAARI!”   Natuon ang atensyon ng lahat sa sumigaw.   Isang babae ang sopistikadang tumayo mula sa bleachers. Bawat galaw niya ay sinusundan ng mga matang tila nahahalina sa taglay niyang ganda. Hinawi pa nito ang buhok papunta sa likod bago nag-cross arms at hinarap si Sia na walang ekspresyon na nakatingin sa kaniya.   Kilala ito ng lahat. Ang isa sa nangangarap mapasama bilang chosen guardian. Ang babaeng nakaaway noon ni Alessia.   Si Dian Griff. Isang nilalang mula sa lahi ng mga bampira. Naka-anyong tao ito ngayon sapagka’t hindi pa sumisikat ang asul na buwan na hudyat ng tunay na simula. Dahil sa kaniyang pinagmulang lahi ay may taglay siyang kakaibang bilis at lakas na hindi matatapatan ng normal na tao lamang.   “Ako... Ako ay nagvo-volunteer upang kalabanin ang assuming na babaeng iyan at palitan siya sa puwesto. Mas karapatdapat naman ako, hindi ba?” Nakangising tanong niya sa mg manonood.   Dahil sa taglay na ganda at kasikatan ay maraming sumangayon sa kaniya at kinutya ang babaeng nasa likuran lang nila.   “Well, mukhang mapapadali ang taunang duelo na ito. Handa na ba kayong makapanood ng mabilis na laban?!” Gatong ng host.   Sa sobrang inis ay inilabas ni Rhie at pana at palaso at ipapatama sana sa host ngunit pinigilan siya ni Gunther.   “Hindi tayo puwedeng kumilos ng ayon lang sa ating gusto. Nandito ang miyembro ng konseho.” Paliwanag niya at itinuro ang naka-elevate na lugar para sa mga miyembro ng konseho na nanonood sa kanila ngayon.   Napapalatak lang si Rhie sa sobrang inis at pina-disappear ang weapon niya.   “May oras din ‘yang host na ‘yan sa’kin.”   Hindi umimik ang iba dahil iyon din ang gusto nilang mangyari.   Nagsi-sang ayon ang mga estudyante at nagkaniya-kaniyang pusta. Ang tanging kumokontra lang ay ang kambal na sina Ria at Kia. Natatandaan nila ang bagong dating dahil siya iyong babae na humarang kay Elle noong kausap sila at nangakong tutulungang pagalingin ang kapatid niya maging ang ibang naaptektuhan ng itim na usok.   Naging matagumpay naman iyon dahil nakadating si Alice na may kakayahang tulungan sila bago pa man tuluyang mahuli ang lahat. Inabangan ito ni Kia upang magpasalamat ngunit ganoon na lang ang kaniyang dismaya dahil hindi siya kasamang bumalik ng grupo. Gayonpaman, araw-araw siyang nagbabakasakaling makita ito at pasalamatan ngunit bigo pa rin siya, puwera na lang ngayon dahil ang taong hinahanap niya ay nandito na sa kanilang harapan.   “Huwag kayong ganiyan sa kaniya. Kayo lang ang mapapahiya pag natalo ka n’ya.” Pagtatanggol ni Kia na sinegunduhan naman ni Ria.   “Natitiyak kong malakas siya dahil hindi naman siya mapipili kung walang nakikita sa kan’ya hindi ba?”   “Nakatulong pa siya noong nagkaroon ng pagkalat ng salot na usok dito. E ikaw Dian, anong ambag mo bukod sa mam-bully ng mga nilalang na mas mababa sa iyo?” Matapang nitong tanong.   Pinanlisikan ito ng mata ni Dian at mabilis na nakarating sa pwesto nila. Hiniklat niya ito mula sa leeg at itinaas siya sa ere.   “Sa oras na matalo ko ‘yang pinagtatanggol mo, mag-impake ka na dahil gagawin kong impyerno ang –“   “Kapag hindi mo pa siya tinigilan ay gagawin kong impyerno ang araw-araw mo.”   Natigilan si Dian at mabagal na lumingon sa likod. Bago niya pa man makita ang nagsalita ay tumilapon na siya at tumama sa pader.   Nagkaroon ng komosyon sa lugar at bawat hakbang na dinaraanan ni Sia ay humahawi ang mga estudyanteng nagulat dahil sa ginawa niya. Nang tuluyang makalapit sa puwesto ay yumuko ito upang magpantay sila ni Dian na hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin sa lapag habang sapo ang tinamaang tiyan.     Hinawakan niya ito sa panga at pilit hinarap sa kaniya. Nagpupumiglas si Dian ngunit hindi ito makawala sa hawak niya. Kumurba sa labi nito ang isang mala-demonyong ngisi bago bumulong na nagpatindig balahibo sa kaharap.   “Lalabanan mo ako, hindi ba? Tingnan natin kung sa susunod na mga oras ay...   mabubuhay ka pa.”            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD