Chapter 53: Legendary Mythical Creature

1072 Words
Elle’s POV   “What you all did is chaos! Naturingan pa naman kayong role model ng academy pero ano? Tanging kahihiyan lamang ang dinala niyo!” Himutok ni Prof. Bevs habang nakahawak ang isang kamay sa sentido at minamasahe ito.   Kan’ya-kanya kaming iwas ng tingin para lamang hindi nito pagbuntunan ng galit ngunit nagkakamali ako.   “Ikaw Cruzette! Alam naman ng lahat kung gaano ka kabait, ngunit bakit naging ganoon ang reaksyon mo kay Claire? Ang mga nakapanood ay hindi makapaniwala sa inasta ng prinsesa ng Adamia!” Napayuko naman si Cruzette habang magkadikit ang hintuturo.   Mahina akong napatawa dahil ang cute niya sa lagay na 'yon.   "Ikaw naman Rhie! Minsan ka na nga lang makipagpisikalan pero bakit naman sa kaibigan m--"   "Hindi ko kaibigan ang plastikadang 'yon."    Napailing lamang si Prof. Bevs sa inasta niya at nagpatuloy sa sasabihin.   "Bakit kailangang ibaon ang kuko sa ka-GUARDIAN mo?" Pagdidiin niya sa huling salita.   “Dahil hindi rin maganda ang lumalabas sa bibig niya. Alangan namang hayaan ko lang siya sa maling tabas ng bunganga niya ‘di ba?”   “Kahit pa. Alam mo naman kung ano ang posisyon niya sa atin ngayon. Alam niyo namang siya ang El—“   Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil tinalikuran lamang siya ni Rhie at humarap sa akin. Bagot lamang na tumingin si Rhie sa kaniya habang pinagmamasdan ang mga kukong may bahid pa ng dugo at balat ni Claire. Hindi nito maitago ang ngisi sa labi nang magkatagpo ang aming mga mata. Kumindat lang ito habang dine-demo kung paano bumaon ang matatalas niyang kuko sa balat ni Claire kanina. Parehas kaming natawa nang ikuyom ang mga kamao at nag-make face kung paano umiring si Claire sa sakit.   "Tatawa ka pa talaga Elle!" Agad akong napadiretso ng tayo dahil sa biglaang pagsigaw niya. Napa-face palm pa ito sa reaksyon ko at naiiling na nagsalita.   "Bakit mo naman kasi pinatulan ng ganoon si Claire? Akala ko ba BFF kayo?" Taas kilay na tanong niya.   Napairap lang ako at nag-cross arms sa harap niya.   "Nope, Ms. Bevs. We are not friends anymore. Lalo na at nalaman ko ang totoong kulay niya. I rather be friends with Sia girl--"   "So mas gusto mong kaibigan ang hampas lupang iyon kaysa sa ating Elita?" Inis akong tumayo at akmang sasagutin siya nang bumukas ang pinto at inilabas si Dean Peter na madilim ang ekpresyon.   "Bevs, hindi tamang pagsalitaan ng masama ang ibang nilalang sa likod nila," suway niya na ikinangiti ko ngunit naudlot din nang ako ang pagtuunan niya ng pansin.   "Ikaw naman Elle... Bukod sa hindi tama ang nagawa niyo kanina, hindi rin tama ang sumagot sa nakatatanda sa inyo."   Napayuko lang ako at pilit iniiwas ang tingin sa kaniya. Naglakad ito patungo sa lamesa at hinarap kaming lahat.   "Hindi rin tamang nagsisikreto ka at ginagamit sa kamalian ang iyong mythical creature."   Nanlaki ang aking mata sa gulat dahil sa sinabi niya. Hindi lang ako kung hindi lahat ng nandito sa opisina niya. May nagtatanong na tingin si Rhie at Cruzette habang nananatiling nakaawang ang bibig ni Ms. Bevs sa narinig.   Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bumukas ang pinto at iniluwal ang dahilan kaya ganito ang reaksyon ng lahat.   "Master Jarielle..." Lumapit ito sa akin at ikinawit ang kamay sa aking braso.   "AAAAAAAH!" Naputol ang katahimikan dahil sa sabay na pagtili ni Rhie at Cruzette. Agad silang tumungo sa direksyon ko at nagsidikit sa lalaking nasa gilid ko. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin dahil sa pagkailang kaya't hinuli ko ang kamay niya at pinagdikit ang palad namin pareho. Bago pa man sila tumiling muli ay pinanlakihan ko sila ng mata. Nakakaintindi naman silang tumango at mas inilapit pa ang mukha sa akin.   "Gusto ko lang ipakilala sa inyo si Pierre. Pierre Quinn..." Ani ko at itinaas ang magkadikit naming kamay. Tila sila kinikilig ngunit pinanlakihan ko silang muli ng mata dahil sa ingay nila. Hindi sila natinag at tinanong ng kung ano-ano si Pierre.   “Kaano –ano mo ang babaeng ito?”   “Bakit master ang tawag mo sa kaniya?”   “Saan ka nanggaling?”   “May mga guwapong nilalang din ba sa pinanggalingan mo?”   “Bakit –“   “Magsitahimik kayo!” Inis kong bulyaw at inirapan sila. Lumabi lang sila at mahinang bumulong ng kung ano-ano.   “M-Mythical creature? T-Tama po ba ang pagkakadinig ko, Dean?”   Natuon ang atensyon ng lahat sa sinabi ni Ms. Bevs at pabalik sa aming dalawa ni Pierre na ngayon ay seryoso ang tingin.   Napahinga ako ng malalim at mas hinigpitan ang pagkakahawak kay Pierre, saka marahang tumango.   “Mythical as in MYTH? Hindi iyong MYSTICAL creatures na nakukuha kadalasan ng mga wizards katulad mo?” Takang tanong ni Rhie.   Muli ay isang tango lamang ang sagot ko.   Lumapit ito at hinawakan si Pierre sa tabi ko. Pinisil niya pa ang bawat mahawakan niya kaya’t hinampas ko ang kamay nito.     Inirapan niya lang ako at muling sinuri ang binata.   “Naririnig ko ang tungkol sa mythical creatures mula kila Papa noon dahil may kasama silang high class wizard. Ngunit...”   Nginitian ko lang siya at hinaplos ang namumulang pisngi ni Pierre.   “Bakit hindi siya katulad ng naririnig mo na malakas at malaki?” Dugtong ko sa itatanong niya. Tumango lamang siya biglang pagsang-ayon.   “Dahil ang mythical creature ni Elle ay kakaiba,” pagsingit ni Dean sa usapan.   “Umayos kayo ng upo at Pierre...” Lumingon siya sa gawi namin at sinenyasan ang binata.  Tumango si Pierre at dahan-dahang naglakad patungo sa harap.   "Ako si Pierre, Pierre Quinn at ako ang mythical creature ni Master Jarielle. Kung anong ipagawa niya ay aking susundin at kung sino man ang manakit sa kaniya ay aking papaslangin." Dumilim ang mukha nito habang dinig ko ang piit na tili ng dalawa.  "Anong klase ka at bakit nasa anyong tao ka? Wala pa akong nakikita na mythical creature kung saan wala ito sa anyong hayop niya..." Tumango lang si Pierre na tila ine-expect ang tanong na iyon. Huminga siya ng malalim bago sumagot. “Hindi ako normal na mythical creature dahil...” Tumingin ito sa direksyon ko at ngumiti.   Malawak din ang ngiting iginawad ko sa kaniya na unti-unting umawang nang marinig ang sunod na sinabi niya.   “Dahil isa akong legendary mythical creature. Ang isa sa direct descendant ng mga banal na nilalang na alaga ng Diyos...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD