38th Scandal ? Think you made your greatest mistake I'm not gonna call this a break Think you really blew it this time Think you could walk, on such a thin line ? Tahimik akong nakikinig ng music sa Student Lounge ng University habang nag-aaral para sa exam ko mamaya. Medyo nahihirapan ako sa mga minor subjects ko, pero kaya naman. Nitong mga nakaraang araw ay parang nawala ang focus ko sa study kaya naman pipilitin kong makabawi. Ayoko namang masayang ang pera ibinabayad dito ni inay at 'tay. Nakaalis na rin kahapon si Blaine dito sa Maynila, umiiyak sya habang nagpapaalam sa'kin. Wala akong nagawa kundi yakapin siya. Pakiramdam ko ay mula nung lumipat ako dito, puro pagkakamali na lang ang nagawa ko. Ano na lang kaya ang sasabihin sa'kin ni Hannah at ng parents ni Blaine? Malamang

