37th Scandal "Ano bang problema mo?" tanong ko kay Layron makalipas ang tatlong araw na hindi nya man lang ako kinakausap. Magaling na ang mga sugat nya at nakakalakad na sya ng ayos. Pwedeng hindi ko na siya alalayan kaya pwede na rin akong umalis dito sa kwartong inuupahan nya. "Bahala ka nga. Nakakainis ka na!" Nagmartsa ako papunta sa kwarto at kinuha ang dala kong mga gamit nung pumunta ako rito. Bwisit. Ano bang ginawa ko sa lalaking yun at hindi ako kinakausap? Pagdating ko dito nung araw na nag-usap kami ni Blaine ay naging cold na ang pakikitungo ng Layron na 'to sa'kin. Tss. Kung ayaw nya kong kausapin ay huwag. Bakit ko sya pipilitin? Lalabas na ko ng kwarto pero nakaharang si Layron sa dadaanan ko. "Tabi." "Hindi pwede." malamig nyang sagot. Umirap ako sa ere, pilit ko

