21st Scandal "Paano nangyari yun?" sigaw ni Gail sa'kin dahil sa kumakalat na pictures namin ni Layron. Sa totoo lang ay natatakot na ko sa reaksyon nya dahil sa lakas ng boses nya. Hinigit nya kasi ako pauwi dito sa apartment nung nalaman nya yung kumakalat na scandal picture namin ni Layron. "Hindi ko rin alam Gail." "Maalin lang yan kay Jessa, Alex o Bert. Kaming apat lang naman ang nakakita sa inyong dalawa." Malamang na si Bert na ang gumawa nun. Kausap ko kasi si Gail at Jessa nung mga panahong yun, at imposible namang magawa yun ni Alex. Pero bakit nya naman gagawin yun? Bakit nya kami kukuhanan ng litrato ng master nya? Hindi ba nya naisip na pwedeng magalit sa kanya si Layron dahil sa pwedeng kumalat na tsismis? "Hayaan na lang natin, Gail. Wala naman akong magagawa dahil kal

