22nd Scandal "Nandito naman ako." "Nandito naman ako." "Nandito naman ako." Argh! Hindi ko magawang makapagsaya man lang dito sa Star City, nakailang rides na kami at siya palagi ang katabi ko. Nakakainis talaga pero wala akong magawa para alisin sa utak ko yung sinabi nya. "Nandito naman ako." Ayan na naman! Langya. Kahit sa Wild River ay hindi ko naranasang sumigaw dahil nakakamanhid ng utak ang mga salitang lumabas sa bibig nya. Bugnot na nga din si Yael dahil sa Surf Dance lang nya ako nagawang tabihan, sa mga sumunod na ride ay si Layron na. "Ice cream. Kainin mo." ani Layron habang inaabot sa'kin ang isang cornetto. Chocolate flavor, paborito ko pa man din. Pero dahil sya ang nagbibigay, hindi ko tatanggapin. Hindi talaga. "Ayoko." tanggi ko. Nasa isang stall lang kami ng tin

