19th Scandal Walanghiya talaga ang lalaking yun. Pinakidnap ako para panuorin ng porn? Argh! Nasusuka ako pag naaalala ko sa pandinig ko ang mga ungol nung lalaki’t babaeng nakita ko. Nakapikit naman talaga ko, pero biglang hinalikan ng manyak na yun ang leeg ko. Kapag hindi ko daw minulat ang mata ko, ibababa nya ang halik nya at hahawakan ang dibdib ko. Tsaka ano bang ikinakagalit nya, kung sinabihan ko sya nang salot sa lipunan? Totoo naman yun at wala syang dapat ikagalit. Dapat nga ay pasalamatan nya pa ko dahil iminumulat ko sya sa katotohanang hindi makakaganda sa kinabukasan nya ang pagsali sa fraternity na yan. “Gail!” Tawag ko sa kaibigan ko pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin. Agad naman sya sa’king lumingon na mukhang badtrip. Naistorbo ko ata sya sa ginagawa nya. “Bakit?”

