18th Scandal “Class, ano ba ang feminine color?” Sabay sabay kaming sumagot ng mga kaklase ko ng ‘pink’ pero umiling lamang ang prof namin sa psychology. Lahat kami ay napakunot ang noo dahil sa ekspresyon nya. “Blue is the feminine color, while pink is the masculine color.” “Bakit naman po sir?” tanong ng isang babae sa likod. Kasama nya ang barkada nina Layron na tahimik lang at nakikinig din sa usapan. Tingin ko ay another liberated girl ang isang yun dahil sa mga kilos nya. Naka-uniform na din ako ngayon dahil napagpasyahan kong bumili na kahapon, pinadalhan na kasi ako ni mama ng pera. “Nagsusuot ang madaming babae ng pink, para makaattract ng lalaki kaya yun ang masculine color. Blue naman ang sinusuot ng mga lalaki para makaattract ng babae, kaya yun ang feminine color.” Ngumit

