15th Scandal “Tsk! Panira talaga sila ng party.” Hindi ko alam kung bakit pero hindi mawala ang tingin ko kay Violet at Layron. Nasusuka ako pero gusto kong malaman ang ginagawa nila. Tama, kalaban ko sila kaya dapat lang na alam ko ang mga ginagawa nila para may pang opensa ko pag nakaharap ko ang dean (kahit alam ko namang wala akong balak). Dapat ko ba silang kunan ng picture? “Nasi-sweetan ka ba kina Layron at Violet? Kanina mo pa silang tinitignan.” Napalingon ako kay Yael na umiinom ngayon ng juice. Wala na ang mga kaibigan nya sa tabi nya, at nakita ko silang nasa dance floor na. Si Gail naman, pumuntang banyo. Napadami kasi ang nakain. “Mandiri ka nga. Sweet? Saang part dyan?” Tumango sya sa’kin at parang satisfied naman sa sinagot ko. “Bakit hindi ka pa magsayaw dun?” Tinuro ko

