16th Scandal “Umalis ka nga dito!” Alas dos na ng hapon at kagigising ko lang dahil sa puyat sa party. Wala sina Gail sa kwarto pag gising ko at si Layron lang ang rumehistrong mukha sa paningin ko. Nasa may lamesa sya at kumakain ng kalderetang niluto ni Alex kaninang umaga. Kanina ko pa syang pinapalayas dahil ginugulo lang nya ko pero masyado syang matigas, hindi sya sa madaan sa salita. “Ano naman ngayon kung nandito ako? Buksan mo ang aircon nyo, naiinitan ako.” Senyorito kong umasta pero asal hayop ang ugali. Ano bang nakain ng isang 'to? “Bakit hindi ikaw ang magbukas?” Bigla nyang hinubad ang sandong suot nya kaya nag-iwas ako ng tingin. “Tss. Mas malamig ang pakiramdam ko ngayon.” Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin nya sa’kin habang sumusubo ng kanin. Bakit ba s

