12th Scandal “Sinabi nya yun sa’yo? Gosh. Ang tindi na ata ng galit nya sa’yo?” Kinuha nya ang coke na nasa harapan nya at ininom. Nasa jollibee kami ngayon at nagpapakabusog muna bago tuluyang magshopping. Actually, itong si Gail lang naman. Taga buhat lang siguro ako ng pinamili nya. “Tapos sinampal mo? Yan ang gusto ko sa’yo girl! Lumalaban. Basta ah? Don’t give up. Wag mong hahayaan na api-apihin ka nya. Asa sya! He’s a big pain in the ass!” Kung sya ay natutuwa sa nangyayari ngayon, well, ako ay hindi. Para ngang gusto kong ibalik ang kahapon dahil mali talaga yung pagsampal kong yun. Mas pag-iinitan nya ko, pero di bale na nga! Instinct na naman ng babae na gawin ang ginawa ko. Ang kailangan ko ngayong gawin, gumawa ng plano para tantanan na ko ng Layron na yun. Kabanas! Ano ba 'to

