13th Scandal 6:00 PM pala ang start ng party. Nagsimba ko kahapon dahil Linggo at ipinagdasal kong sana ay walang mangyaring masama sa’min ni Gail sa party. Baka kasi may mga malasing at sumubok na manghipo. Tandaan, liberated na ang kabataan ngayon at ibang iba ang ugali ko sa kanila. “Bakit hindi ka pa nag-aayos Alex?” Tumingin sa’kin si Alex na ngayon ay nakadapa sa kanyang kama at nagbabasa ng libro. “Hindi naman ako aattend. Parties are boring. Tsaka hindi naman cumpulsary sa mga old students ang umattend dyan. Kaya ako, magpapahinga na lang ako dito.” 5:00 na ng hapon at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami ni Gail at nag-aayos. Jusme naman! Baka malate kami, edi kami yung Star of the Night? Tsk. “Light lang ang ime-make up ko sa’yo Kaylee, mas lilitaw dun ang soft features

