"Tulala ka na naman. Iniisip mo na naman ba siya?" tanong ni Danzel sa kaniyang pinsan. Napansin kasi ni Danzel na tila ba malungkot ang mga mata ni Aaron na nakatingin sa mga tauhan nito na abala sa pagtatrabaho. At naisip niyang nami- miss ng kaniyang pinsan si Valentina. Simula nang umalis si Valentina sa lugar na iyon ay naging matamlay na si Aaron at naging malungkot na rin ito. Na para bang wala na itong ganang magtrabaho. Hindi katulad noong nandito pa si Valentina ay para bang ganadong - ganado siya sa lahat. "Oo syempre. Ang sakit kaya sa akin na hindi man lang tumagal ang relasyon naming dalawa. Pero ano naman ang magagawa ko 'di ba? Ayoko namang maging kontrabida sa buhay niya... ayoko namang guluhin silang dalawa," malungkot na sambit ni Aaron. Bumuntong hininga si Danzel. H

