"Valentina... ayos ka lang ba? Nabalitaan ko na nagpunta raw dito si Rosmary? Ano ang ginawa niya sa iyo?" nag- aalalang sabi ni Simon nang makauwi siya. Ngumisi ang dalaga. "Bakit ka ba masyadong nag- aalala diyan? Ano ba ang akala mo sa akin? Walang laban sa babaeng iyon? Na hindi ko siya kayang labanan? Baka nahilo ka. Sanay ako sa trabaho kaya basic lang sa akin ang makipagbardagulan." Napatango naman si Simon sabay kamot sa ulo. "G- Ganoon ba? M- Mabuti naman... nag- alala kasi ako. Kinabahan ako na baka sinaktan ka niya " "Baka siya ang bugbugin ko kapag nagkataon. Pasalamat siya, mabait pa ako ng kaunti sa kaniya. Siya nga pala, kumain ka na. May niluto na akong ulam. Tapos na akong kumaon. Magpapahinga na ako," sambit ni Valentina bago pumasok sa kaniyang kuwarto. "Good night,

