"Simon... gusto kong ipagluto mo ako ng pininyahang manok. Kaya mo ba?" Tumango naman si Simon. "Oo naman... kahit anong lutuin. Par sa iyo... lulutuin ko." Napairap naman ang dalaga sa sinabing iyon ni Simon. Ang corny naman ng lalaking 'to! Akala mo talaga napaka- sweet eh! "Okay sabi mo," pagkukunwari ni Valentina na wala siyang pakialam sa ka- corny - han ni Simon. Tipid na ngumiti si Simon bago naghanap na ng rekado para sa kaniyang lulutuin. Pasimple niyang kinuha ang kaniyang cellphone upang panuorin kung paano lutuin ang pininyahang manok. Nakahinga siya nang maluwag nang bumalik si Valentina sa kuwarto nito. Kaya naman nanunod na muna siya kung paano lutuin ang gustong ulam ni Valentina. Naging madali naman kay Simon ang niluto niyang ulam. At nang matapos siya sa pagluluto

