"Valentina... para sa iyo," malambing na sambit ni Simon bago ibinigay kay Valentina ang tatlong box ng brownies. Namilog naman ang mata ng dalaga at biglang natakam sa brownies na nasa kaniyang harapan. Ngunit napagtanto niyang hindi dapat mahalata ni Simon na natatakam siya sa brownies. "Ano iyan? Para saan iyan? Para makaisa ka sa akin? Tigilan mo ako, Simon. Huwag mo akong buwisitin kung ayaw mong layasan na naman kita," tapang- tapangang sabi ni Valentina. Hindi ako puwedeng magpadala sa brownies niyang ito. Baka mamaya gusto niya lang akong birahin ng malala. Kawawa talaga ang kipay ko kapag nagkataon. Umiling naman si Simon. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit ko ito ibinigay sa iyo. Naalala kasi kita nang mapadaan ako sa store kung saan ko ito binili. Tatlo na ang binili ko para

