"Ate Valen!" masayang sabi ni Jamaica nang makita ang dalaga. Agad niya itong niyakap ng mahigpit at maluha- luha pa nga siya. "Kumusta ka naman dito? Balita ko naging matamlay ka raw?" tanong ni Valentina sa bata. Agad namang tumango ito. "Opo kasi sad ako na wala ka. Pinagalitan ko nga po si daddy kasi naging bad siya sa iyo." Ngumiti si Valentina. "Huwag kang mag- alala, tuturuan ko ng leksyon ang daddy mo para hindi na niya ulitin ang ginawa niya sa akin noon." Humagikhik naman si Jamaica. "Sige po! Ikaw na ang bahala kay daddy. Ate Valen... si tita Rosmary ang bad niya. Paano kung manggulo po siya ulit dito? Kasi nagbanta po siya kay daddy na guguluhin niya kami." Hinaplos ni Valentina ang buhok ni Jamaica. "Huwag kang mag- alala, hindi ka na masasaktan pa ng babaeng iyon. Ako an

