"Valentina... puwede ba kitang yayaing kumain sa labas?" sambit ni Simon nang maabutan sa sala ang dalaga. Tumingin sa kaniya si Valentina. "S- Sige..." Awtomatikong ngumiti si Simon na akala mo nanalo sa lotto sa sobrang saya. "Maraming salamat, Valentina. Mamayang hapon pa naman pag- uwi ko dito. Magpahinga ka na muna...." Tipid na nginitian ni Valentina ang guwapong biyudo. "Sige." Ganadong naghugas ng mga plato si Simon habang si Valentina naman ay nagpunas ng kalat sa mesa. Pasimple niyang sinulyapan si Simon na nakangiti habang naghuhugas. Ang saya ng lalaking 'to ah. Mukhang dahil yata sa pumayag ako sa gusto niya. Sabagay... nakikita ko naman kung paano siya kapursigido para patawarin ko siya. Siguro naman... oras na para magkaayos talaga kaming dalawa. Hinintay ni Valentina

