"Aaron..." "Ano iyon?" Malawak na ngumiti si Erika. "Ang guwapo mo ngayon." Bigla namang nag- init ang mukha ni Aaron. "Ha?" Kasalukuyan siyang nasa tabing dagat. Nakaupo silang dalawa buhangin. Bilog na bilog ang buwan. At iyon ang hinintay na pagkakataon ni Erika para sagutin si Aaron. Kinabahan kasi siya bigla dahil baka maagaw pa sa kaniya ang binata. "Ang bungol mo. Ang sabi ko, ang gwapo mo. Ay palagi ka namang guwapo...." nakangiting sabi ni Erika. Kinilig naman bigla si Aaron kaya nangangamatis sa pula na naman ang kaniyang mukha. "Huwag ka ngang ganiyan! Kinikilig ako. Ang sarap pakinggan sa taong mahal mo ang ganiyang salita. Nakakakilig." Natawa naman si Erika. "Kahit sino naman siguro kikiligin kapag ganoon." Kinuha ni Aaron ang kamay ng dalaga at saka niya ito hinalika

