"Kamusta ka naman? Ano na ang nangyari sa iyo?" excited na tanong ni Angela nang magkita silang dalawa ni Valentina. Ikinuwento ni Valentina ang mga naganap sa kaniya at ganoon din naman si Angela sa kaniya. Kapwa masaya silang dalawa dahil nagkita silang muli. "Siguro... ganoon talaga kapag nagmamahal. May mga pagsubok talaga na dapat harapin. Pero kung kayo talaga, kayo talaga. Sa tingin ko, ang bruhang iyon ang naging balakid sa inyong dalawa. Pero kung sa tingin mo naman nagbabago na si Simon sa iyo, eh 'di go na ulit. Baka talagang naguluhan lang siya ng mga panahong iyon kaya nabiktima siya ni bruha," wika ni Angela sabay tawa. "Siguro nga. Kagaya nga ng sinabi ko, ako na ang boss sa aming dalawa ni Simon. Wala na kaming kasambahay sa bahay niya. Iyong Yaya na lang ni Jamaica ang

