"Valentina..." Agad na pumihit paharap si Valentina nang marinig ang boses ni Aaron. Napakurap siya nang makita ang lungkot sa mga mata ng binata. Naglahad ito ng kamay sa kaniya at tinanggap naman niya iyon. Walang salita- salita silang naglakad dalawa. Nakasunod lamang si Valentina sa binata. Hindi niya alam ang sasabihin niya kahit na gusto niyang magsalita. Para tuloy siyang mapapanisan ng laway. Hanggang sa pumasok sila sa loob ng sasakyan at nagtungo sa resort na pagmamay- ari Aaron. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tahimik lang si Valentina at gusto niyang maunang magsalita sa Aaron. Dinala siya ng binata sa isang may kalakihan kubo kung saan may nakahandang pagkain doon. Napakaromantikong tingnan at naalala ni Valentina ang naudlot nilang date ni Aaron dahil sa ginawang p

