Kinabukasan ay maagang nagising si Valentina. Tinulungan niya muna sa gawaing bahay ang kaniyang tiya Ester bago nagtungo sa bahay ni Aaron. Kagigising lang nito. At nalaman niyang nagpakalasing pala ito kagabi ayon sa kasambahay na tinanong niya. "Ma'am Valentina... pasensya na po kayo pero tulog pa rin po si senyorito Aaron at mukhang ayaw magpagising. Ala singko na rin po kasi iyon ng umaga natulog dahil nagpakalasing po siya. Ang dami nga pong bote ng alak ang nagkalat sa sahig. Hindi ko po alam kung bakit siya naglasing ng sobra pero kapag ganoon, sa tingin ko ay may problema po siya..." paliwanag ng kasambahay. "Ah... sige po. Babalik na lang po ako mamaya," malungkot na sambit ni Valentina. Mabagal siyang naglakad pauwi sa bahay ng kaniyang tiyahin. Hindi niya alam kung bakit til

