Mariing pumikit si Valentina at napahawak sa kaniyang dibdib dahil tila ba kinakapos siya ng hininga. Naninikip ang dibdib niya dahil muli na naman niyang nakita ang taong nanakit sa kaniya. Ang taong dumurog ng kaniyang puso. Sumilip sa bintana si Valentina upang tingnan kung nando'n pa ba si Simon ngunit wala na ito doon. Lumuluhang umalis si Simon dahil akala niya, madali niya lang makukuha si Valentina ngunit nagkamali siya. Hindi namalayan ni Valentina na tumulo na pala ang kaniyang luha dahil nasasaktan siya habang inaalala ang mga masasakit na salitang binitawan sa kanya ni Simon. Nakita siya ng kaniyang tiyahin at niyakap siya nito ng mahigpit at dahil doon, humagulhol si Valentina at gumanti ng yakap sa kaniyang tiyahin. "Pamangkin ano ang nangyayari sa iyo, ha? Bakit ka umii

