"Valentina... ayos ka lang?" tanong ni Aaron sa dalaga nang mapansin niyang tila malungkot ito. Nginitian naman siya ni Valentina. "Oo naman... bakit?" "Huwag ka ng magkaila. Alam kong hindi ka okay. Bakit? May problema ba?" Mabilis na umiling si Valentina bago pinisil ang ilong ni Aaron. "Wala nga po, aking senyorito..." Nanlaki ang mga mata ni Aaron sa sinabing iyon ni Valentina. Aking senyorito... Aking senyorito... Aking senyorito.... Umalingawngaw sa isipan ni Aaron ang katagang iyon kaya naman nakatulala lamang siya sa dalaga. Habang si Valentina naman ay nangunot ang noo dahil sa pagtataka. Pinitik niya sa noo ang binata kaya bumalik ang ulirat nito. "Hoy, ano? Tulala ka diyan?" natatawang sabi ni Valentina. Kumamot si Aaron sa kaniyang ulo. "W- Wala naman... may naisip l

