"Hoy! Bakit biglang naging close yata kayong dalawa ni Senyorito Aaron? Magsabi ka nga sa akin, kayo na ba?" nakakunot noong tanong ni Erika. "Hindi pa... pero sana. Ewan ko ba pero biglang nawala ang nararamdaman ko doon sa ex ko. Parang lumipat bigla ang pagmamahal ko kay Aaron." Nanlaki ang mata ni Trixie. "Wow! Aaron na lang ang tawag mo sa kaniya! May something nga sa inyo! Oh my! Magkuwento ka naman sa akin! Hayop ka! Bestfriend mo ako tapos hindi ka nagkukuwento!" Malakas na tumawa si Erika. "Sorry na. Pero ang masasabi ko lang sa iyo... walang kami pero.... nabiyak na niya ako." Napahawak si Trixie sa kaniyang bibig. "Oh my! Hayop ka! Bakit ka nagpabiyak sa hindi mo boyfriend? Ang landi mong babae ka!" "Hoy! Paano naman ako magiging malandi eh parehas naman kaming single! At

