Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Erika dahil nakalipat na siya sa paupahan ni Aaron. Wala masyadong ginawa si Erika dahil ang mga tauhan ni Aaron ang nag- ayos ng kaniyang mga gamit. Binilhan din siya ni Aaron ng gamit sa kakailanganin niya kaya naman sobra siyang nagpapasalamat sa binata. "Salamat ng marami, Senyorito... napakabait mo. Hindi mo na kailangang gawin ito pero ginawa mo pa rin. Salamat talaga..." masayang sabi ni Erika. "Walang ano man basta ikaw. Masaya ako dahil nagustuhan mo ang mga binigay ko para sa iyo. Magpapahinga ka na ba?" Mabilis na umiling si Erika. "Hindi 'no! Ikaw ang dapat magpahinga dahil ikaw naman itong napagod. Mahiga ka na muna doon sa kuwarto ko..." Napalunok naman ng laway si Aaron. "Ha? Bakit doon pa sa kuwarto mo?" Ngumisi naman si Erika. "Syempr

