Kabanata 37

1778 Words

BUWAN NG NOBYEMBRE, 1941 HUMINGA ng malalim si Soledad pagbaba nila ng sasakyan. Halos walong buwan mula nang tumakas sila ni Badong at magtanan. Iyon pa lamang ang unang beses na bumalik silang dalawa doon sa San Fabian. Sa loob ng mga buwan na kapwa sila nalayo sa mga pamilya, hindi nagawang magpadala ng sulat ni Soledad sa pamilya. Nauunahan siya ng takot na maaari siyang matunton ng ama at paghiwalayin sila ni Badong. Ang tanging naging daan upang malaman niya ang nangyayari sa kanyang pamilya lalo na sa ina ay sa pamamagitan ni Ising. Habang si Badong ay nalalaman ang mga nangyayari sa ina’t ama nito sa pamamagitan naman ni Abel. Napalingon siya kay Badong nang kunin nito ang kamay niya at hawakan iyon. Gaya niya ay bakas din sa mukha ng asawa ang kaba. Ngunit dumating na ang panaho

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD