NATIGILAN si Soledad nang pagbukas niya ng pinto ng silid ay nakita niya si Badong. Nakaupo sa tapat ng munting mesa at binabasa ang kanyang kuwaderno kung saan nakasulat ang mga liham niya para dito mula ng ito’y mawala. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang asawa na binabasa ang mga nakasulat doon. Ang sandaling iyon ay matagal na niyang pinananabikan mangyari, iyong sa pagbukas niya ng pinto ng silid ay makikita niyang naroon si Badong. Ang gabing iyon ay patunay na sa wakas ay sinagot na ng Diyos ang kanyang panalangin. Nang lumingon ito ay agad siyang sinalubong ng ngiti. “Nakakatuwang basahin ito, mahal. Parang kinakausap mo ako sa mga liham na ito.” Lumapit siya at yumakap sa leeg nito. “Kung hindi dahil riyan ay baka tuluyan na akong nawala sa sarili.” Lumingon ito sa ka

