"Nariyan na po!Palabas na ako."
pasigaw na sagot ko Nanay.
Nang makalabas ng kwarto ay
nakita ko na nakaupo si Lito sa upuan ng sala, dahan-dahan ko ito nilapitan.
"Lito,may kailangan ka? "bungad na tanong ko.
Napatayo ito mula sa pagkakaupo nang makita ako."Gigi,yayain sana kita bukas magsimba sa bayan, "wika nito.
"Aah eh, Lito kasi.. ano eh!" tanging nasabi ko pero diko pa natatapos ang sasabihin ko nang muli ito magsalita.
"First friday ngayon Gi,ililibre naman kita sa pagkain at pamasahe kaya 'wag ka na mag alala,wala ka ng gagastusin pa,"
mahaba pang sabi nito sa akin.
"Lito,aalis na ako bukas.Mag ta-trabaho na ako sa Maynila. Pasensya ka na pero, hindi ako puwede," turan ko rito.
"Ganun ba,sa ibang araw na lang siguro," saad nito.
"Ah, eh Lito.Sa maynila na ako magta-trabaho,matagal pa ako makakabalik dito sa probinsya,dahil mag iipon pa ako doon." Natigilan ito at tumitig sa akin.
"Mag ta-trabaho ka sa Maynila.
Pwede naman dito ka na lang magtrabaho ,Gigi.Pareho lang naman ang pera na kikitain doon at dito sa probinsya," mahabang saad nito.
"Pero mas malaki sa Maynila.
Doon,makakaipon ako Lito.Hindi ba halos lahat ng taga dito sa atin ay nasa Maynila para doon magtrabaho."
"Pinagmasdan ako nito at dahan-dahan ako nito nilapitan habang unti- unting hinawakan nito ang isa kong kamay.
"Gigi, matagal na kitang gusto. Nag-aaral pa lamang tayo ng elementarya.
'Wag ka na umalis dito sa bayan natin, Gi."mahabang wika nito.
"Pasensya ka na Lito, pero kailangan ko magtrabaho para sa pamilya ko. Kailangan ko magpunta ng Maynila, hindi ako nangangako sayo pero hintayin mo ako sa pagbalik ko," mahaba kong saad kay Lito.
Mabilis ako nito niyakap ng mahigpit.
"Gi,'wag mo ako kalimutan kamustahin,ha. Kapag may sapat akong pera ay pa-pasyalan kita doon."
"Sige Lito, "tipid kong tugon.
Maya-maya ay nagbitiw na kami ng kamay nang dumating si Nanay,na galing sa labas.Bumaling ito kay Lito at nagsalita.
"Lito, ikaw?Wala ka bang balak magtrabaho din sa Maynila, "tanong ni Nanay kay Lito.
"Wala po, dito na lang po siguro ako at tutulong kina Tatay sa pagsasaka, "
tugon nito.
"Ganun ba,pero payo ko lang sayo ay mas maganda kung may matinong trabaho at may inaasahan ka na sahod,kumpara d'yan sa pangingisda,"mahabang saad ni Nanay.
"Malaki naman po ang kita sa pagsasaka. Katunayan po ay naubos na naman ang mga ani namin ni Tatay, kanina lang, "
mahabang turan ni Lito.
"Aah,Oo nga pala, syempre mayroon kayong bukid at bigasan sa bayan kaya't ganoon. Paano na lang ang mga nakiki ani gaya namin, " wika ni Nanay.
Naglipat ng tingin sa akin si Lito, at hindi na muling sumagot kay Nanay.
Nang makaalis si Lito ay nagsimula na ako maglinis ng bahay dahil ito na ang huling beses ng paglilinis ko sa bahay namin. Dahil bukas sa ibang bahay na ako mag lilinis, walang iba kundi sa bahay ng magiging amo ko.
Mabilis natapos ang buong araw ko, nagising ako ng alas-tres ng madaling araw. Kailangan naka gayak na ako
dahil matagal pa ang magiging biyahe ko
mamaya sa bus pa luwas ng maynila.
Bumangon ako at nagtimpla ng kape, nakapag paalam na din ako kay Nanay. Tumawag na din ako sa cellphone ni Tatay na ngayo'y nasa Maynila ito.
Nakapag paalam na ako sa kanila,
mabuti na lang ay meron cellphone ang Ate Lisa,nahihiram ko ito kapag kailangan ko, kailangan magkaroon din ako nito o makabili nito sa Maynila.
Mabilis ako naligo at nag gayak,kinuha ko mula sa kwarto ang malaking itim na bag.
Doon ay nagsimula na ako lisanin ang kubo namin,nakatayo ako sa labas ng bahay namin habang nag aabang ng tricycle na masasakyan nang biglang makita ko si Lito na papalapit sa akin.
"Aalis ka na? tanong nito. Ngumiti naman ako at tumango dito.
"Ihahatid na kita sa bayan,"saad nito.
"Ikaw ang bahala,"turan ko.
Nang may huminto na tricycle sa harapan namin,si Lito na ang nagbit-bit ng mga malaking bag na dala ko at sumakay kami ng tricycle,hanggang makarating kami ng bayan, doon ay bus naman ang sinakyan namin. Sa unang bus na sinakyan ko ay sinamahan pa din ako ni Lito. Ngunit sa pangalawang bus na sasakyan ko patungo sa Maynila,ay naiwan ko na si Lito. Hanggang sa ako na lang mag isang sumakay. Mas mahaba ang biyahe sa pangalawang bus na sasakyan ko. Nakatulog pa ako ng ilang oras at nang magmulat ako ng mata, maliwanag at maaraw na. Anong oras na kaya, tanong ko sa sarili ko. Doon ay narinig ko ang sigaw ng kundoktor.
"Ooh!Maynila!Maynila!Sino ang baba na?! sigaw ng lalaki na kundoktor.
Dali-dali ako bumaba at nagtanong-tanong sa mga tao kung paano mas madaling makapunta sa agency na nag hire sa akin sa trabaho.
Mabilis naman ako naka sunod sa mga itinuro nila sa akin. Nakarating agad ako sa agency,na interview na din ako at saka ibinigay ang address ng bahay ng amo na papasukan ko bilang katulong.Bumaba ako ng jeep habang hawak ang maliit na papel,kung saan nakasulat ang address ng bahay. Muli ako nagtanong-tanong sa mga tao pero hindi nito matukoy kung saan ang address na hinahanap ko,kaya naman saglit muna ako nagpahinga.
Nang makita ang maliit na tindahan ay bumili ako ng softdrinks at biscuit dito.
"Anong oras na po, Manang?"
tanong ko sa tindera.
"Alas-otso ng umaga na iha," tugon ng tindera.
"Salamat po."
"Manang, alam n'yo po ba saan banda ang address na ito?" tanong ko sabay pakita rito sa maliit na papel.
"Hindi iha, pero para iyang address ay address ng subdivision 'yang hinahanap mo."sagot ng Manang.
"Ganun po ba,hindi ko po kasi alam Manang, bago lang po ako dito sa Maynila,"mahaba ko na turan.
"Saan naman ang punta mo iha? Bakit hinahanap mo ang address na iyan?"
tanong nito.
Mama-masukan po ako na katulong, Manang. Ito po yung address na ibinigay ng agency ko,"sabi ko dito.
" Oh,'yun naman pala.
Dapat sinabi mo agad kanina pa ineng,"turan ng tindera at muling nagsalita.
"Sumakay ka ng taxi at ipakita mo iyang address na iyan,siguradong alam 'yan ng taxi driver na sasakyan mo,"
"Naku! Manang, wala po bang tricycle dito?" tanong ko.
"Hindi ka puwedeng sumakay sa
tricycle patungo sa address na iyan, iha.
Dahil hindi makakapasok ang tricycle sa subdivision at lalong hindi din alam ng tricycle driver ang address na iyan.
Maraming magkatulad ng address na iyan ngunit taxi driver lamang ang
makakatunton n'yang address.
"Ganun po ba, Manang.
Maraming salamat po!" laking pasasalamat ko sa tindera. Nang matapos ko ubusin ang kinakain ko ay mabilis ako naghanap ng taxi at pumara para makasakay na at makarating agad.