bc

MAKE YOUR MAID OR MAKE YOUR PRECIOUS WOMAN

book_age18+
258
FOLLOW
2.4K
READ
love-triangle
sex
second chance
playboy
goodgirl
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Si Jessie Domingo ay laki sa probinsya

sa kagustuhan niya mapagawa ang bahay sa probinsya.

Nagtrabaho ito sa Maynila bilang kasambahay o katulong.

Doon niya nakilala si Jacob Go.

Alyas Kobi, isa itong abogado

ito ang naging amo niya at hindi sinasadya naibigay nito ang p********e niya kahit pa isa itong single Father,

at sa bandang huli ay masasaktan lang pala siya dito dahila upang bumaling kay sa kaibigan ni Jacob na si Jonas ang pag ibig niya.

Isang lihim na pag iibigan ang muli umusbong sa pagitan nila ni Jacob at Jessie. Nanatili lihim ito sa nobyo ni Jessie na si Jonas, at ganoon na lamang galit ni Jonas ng malaman ang pagtataksil ni Jessie

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Nay!Kain na po tayo,"aya ko kay Nanay. "Sige na, at mauna na kayo ng mga kapatid mo, "tugon ni Nanay. "Nay!Oo nga pala,inaayos ko na po ang mga requirements for applications ko. Naghihintay na lang po ako ng tawag ng agency ko," wika ko kay Nanay, habang naghahain ito ng pagkain sa lamesa. "Oh,e'di maganda, anak.Makakapag trabaho ka na din," sagot ni Nanay. "Gigi,anong ulam?tanong ng kuya ko," "Nilagang talbos ng kamote at pritong galunggong," sagot ko. "Sarap, ah," saad ni Kuya. "Oo Kuya, binigyan ako ni Tatay kanina ng pera. Nakadiskarte daw kasi siya kanina," sagot ko. "May pera ka pa ba d'yan?Gigi. Wala na kasing diaper ang anak namin ni Lisa,pahiramin mo muna ako," wika ni Kuya,nag buntong hininga ako at sumagot. "Kuya,bakit kasi hindi ka maghanap ng maayos na trabaho, para ma suportahan mo ang mag ina mo," paliwanag ko. "Naghahanap naman ako Gigi,pero kasi mas mataas ang pinag-aralan ng Ate Lisa mo kumpara sa akin,Kaya't si Ate mo na lamang pansamantala magta-trabaho habang naghihintay na lang din siya ng tawag sa agency niya."mahabang turan ni Kuya. Malalim ako nag buntong hininga at sumagot."Hay,Kuya,sa halip na ikaw ang asahan ni Ate Lisa,ay siya pa pala ang inaasahan mo,"wika ko rito at dumukot ako sa bulsa ng pera at inabot ko sa Kuya ko. "Tatlong daan lang ang maibibigay ko, Kuya.Dahil panggastos na ito dito sa bahay pati na sa babaunin ko sa sa pag luwas ko papunta ng Maynila, sa oras tawagan na ako ng agency ko." "Salamat Gigi,"turan ni Kuya. Tumango ako matapos magpasalamat ni Kuya sa akin,at doon nagsimula na kaming sabay-sabay kumain sa hapag kainan, hanggang sa matapos na kami kumain ng pamilya ko at ngayon tahimik na ang kubo namin. Magkakatabi kami natutulog ng mga kapatid ko at ang Nanay, habang sa isang kwarto naman ay ang asawa at anak ni Kuya,ang natutulog pati ang kuya ko kaya't nagsisiksikan kami sa maliit na kwarto ni Nanay, at mga kapatid ko. Nag asawa ang Kuya ko ng maaga at nagkaroon agad sila ni Ate Lisa ng apat na anak,Magsasaka lang si Kuya dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral,kaya't kapag walang ani sa palay, ay wala din itong kinikita. Ganoon din ang Tatay ko pero si Tatay ay nagtatrabaho sa Maynila bilang Construction worker at nagpapadala sa amin ng pera ni Nanay. Kapag nakakauwi ito galing sa Maynila, pagsasaka din ang inaatupag nito dito sa Probinsya namin. Lumabas ako ng kwarto dahil sa naiinitan ako,agad ako nagtungo sa kusina at uminom ng tubig, nang bigla nakarinig ako ng mahinang ungol ng babae. Natigilan ako sa pag inom ng tubig at hinanap ko kung saan nagmula ang ungol na iyon.Doon ay mas pinalakas na sa pagkakataon na yun ang ungol kaya't mabilis ko natanto kung saan ito nagmula. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kuya,nag buntong hininga ako at akmang papasok na sana ako sa kwarto, nang bigla ko muling marinig at bahagyang lumalakas ito, doon ay kinatok ko na ang mga ito. "Ate Lisa, Kuya! Paki hinaan ang volume. Nadidinig kayo hanggang sa palengke!" pilya kong wika sa labas ng pinto ng mga ito.Biglaang tumahimik ang mga ito. at pumasok na ako sa kwarto at tumabi na kay Nanay, at sa bunso kong kapatid. Kinabukasan habang naghahanda ako ng almusal ay patakbo lumapit sa akin si Ate Lisa. "Gi,may tawag ka sa agency na inaplayan mo,"agad nitong sabi. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis ko kinuha ang phone na inaabot sa akin ni Ate Lisa. "Yes, hello po. Si Jessie Domingo po ito," saad ko sa linya. "Good morning ms.Domingo.I want to inform you,your application is qualified. Kindly check your email to our scheduled interview immediately," saad ng agency sa kabilang linya. "Talaga po!"tuwang tuwa na turan ko sa linya. "Yes Ms.Domingo. Sir Jacob Go,wants to know if you can start tomorrow, because he needs a maid in his house and takes care of his child as soon as possible." mahabang pahayag ng agency sa linya. "Opo,Opo! Yes po Ma'am. Pwedeng pwede po ako bukas magsimula,"agad kong turan sa linya. "Congratulations Ms. Domingo, thank you for quickly response," tugon mula sa linya ng telepono. "Salamat din po,salamat po talaga," masaya kong sagot sa linya.Doon ay agad naglaho na ang linya ng telepono,binalik ko na ang cellphone ni Ate Lisa,habang nagti-tili ako sa tuwa. "Ate Lisa! May trabaho na ako bukas," tuwang- tuwa kong saad rito. "Good for you,Gigi,mag ingat ka sa pag luwas mo,ah."turan ni Ate Lisa. "Opo, Ate Lisa,Ikaw at si Kuya muna ang bahala sa mga kapatid ko, pati na kay Nanay. Magpapadala agad ako ng pera kapag nakuha ko na ang unang sweldo ko,"mahabang wika ko rito. "Sa wakas!Maipapa semento na natin ang bahay natin." tuwang-tuwa na dugtong ko pa. "Wag ka mag alala,tutulungan din kita d'yan kapag natanggap na din ako sa trabaho ko,"sabat naman Ate Lisa. "Wag na Ate Lisa, mabuti pa ay ipunin n'yo na lang 'yan ni Kuya, para nang sa ganon ay nakakapag pagawa na din kayo ng bahay ninyo ni Kuya,hindi ba masaya kung may sarili na din kayo tirahan ni Kuya." Tumitig ito sa mga mata ko bago sumagot. "Bakit?Ayaw mo na ba kami naririto sa bahay ninyo," malungkot na tanong ni Ate Lisa,habang nagtatampo ang mukha nito. "Ano ka ba! Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin, balang araw ay mas mas malaki na din ang pamilya ninyo ni Kuya. Kaya kailangan n'yo na din bumukod at magkaroon ng sariling bahay ni Kuya,sayang naman itong lupa natin kung maliit na kubo lamang ang nakatayo.Mas maganda kung dalawang matibay na bahay ang nakatayo dito,yung tipong kahit daanan ng ilang bagyo, ay iyong bagyo na lamang ang susuko. "mahabang saad ko. "Ngumiti si Ate Lisa, at sumagot. "Wag ka mag alala,tatandaan ko yan Gigi. Dream nating dalawa 'yan."Matapos nitong sumagot agad akong niyakap nito. "Ate Lisa, " mahinang bangit ko sa pangalan niya habang yakap ako nito. "Alagaan mo ang Kuya ko at ang mga pamangkin ko,ha. Ikaw na din muna ang bahala at ni Kuya dito sa bahay habang nasa Maynila ako. "Oo, 'wag ka mag alala palagi kitang tatawagan, Gigi."turan nito at malawak akong ngumiti dito. Nag aayos ako ng mga gamit ko at inilagay na ito lahat sa isang malaking bag. Nang biglang tawagin ako ni Nanay mula sa labas ng sala. "Gigi !Narito si Lito, hinihintay ka sa sala," sigaw ni Nanay sa labas ng kwarto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook