Story By Monica
author-avatar

Monica

ABOUTquote
I\'m Monica, Author writer of dreame exclusive\'s story. Started March \'2021, follow me on dreame as your writer and read my wonderful stories. No matter how many times you make mistakes, don\'t be ashamed to keep going. No matter how many times you get tired, don\'t forget to take a break and keep going. No matter how many times you try to give up it doesn\'t mean you can\'t keep up. Remember the story is good if there is a happy ending, because if it is not happy, it means the story is not over and wait for the happy ending.
bc
when i'm with you
Updated at Oct 20, 2021, 06:15
Ang matayog na pangarap ni Eunice ang tanging sandigan n'ya,pero ang madilim na nakaraan ang pilit na sumisira sa masayahin  na si Eunice matapos mabiktima ito ng panggagahasa.  Sunod sa layaw at sugarol si Luis Greg Villanueva,bunsong anak ito ni Griego Villanueva. Kilalang tanyag ang pamilya nito at maraming mga lupain na pagmamay ari mula sa iba't ibang lugar.  Hindi lubos akalain ni Greg na ang pagkakasala nito kay Eunice ay mag bubunga ng pag ibig n'ya rito. Pilit kinuha ni Greg ang tiwala at pag ibig ng dalaga,naging mahirap sa kaniya dahil marami s'yang kailangan baguhin sa sarili n'ya magustuhan lamang s'ya ng dalaga.  Ang lihim ni Greg ang sisira sa namuong pag iibigan nila ni Eunice. Kaya ba patawarin ni Eunice ang makasalanan na pag ibig sa kaniya ng binata,o abutin ang hustisya at kalimutan ang lalaking minamahal.
like
bc
THE MASK - VALDERRAMA SERIES
Updated at Oct 14, 2022, 15:28
Si Mitch ay hindi kagandahang babae. Gamit nito ang makapal na salamin sa mata. Ganun pa man ay nakatago sa puso nito ang kagandahang pag uugali. Madalas siya tuksuhin dahil sa makapal na salamin na gamit nito, dahilan upang halos lumuwa na ang mga mata niya sa kapal ng gradong gamit niya. Isang lalaki ang nakita niyang sugatan. Tinulungan niya ito, at hindi niya inaasahan na mabilis siya mahuhumaling sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nagustuhan niya ay ang lalaki din na magbibigay ng matinding sakit mula sa kanya. Hindi man tiyak sa nararamdaman ng lalaki para sa kanya, at natatakot man ito na gaya lamang ito ng Ex-boyfriend niyang si Max. Tinuloy niya pa din ang pag ibig dito. Ganoon na lang ang gulat niya sa kabilang ng pangit niyang mukha, kinahumalingan siya ng lalaking si Elvis Valderrama. Wala na siyang hihilingin pa kay Elvis dahil ipinaramdam nito ang buong pagmamahal sa kanya ngunit hindi na niya ito muli nakita matapos siyang dukutin. Makalipas ang dalawang taon muli sila nagkita ng lalaking si Elvis Valderrama. Iba man ang mukha at pagkatao niya nanatiling lihim ito kay Elvis Valderrama. Gamit ang mukha at alindog na hindi kanya, ikinasal siya sa lalaking noon minahal niya. Ngunit hanggang kailan niya ito ililihim kung halos hindi na niya kayanin ang pagmamalupit ni Elvis sa pagkataong gamit niya.
like
bc
STILL LOVED HER
Updated at Jan 9, 2022, 05:56
Nanggaling sa mayaman na pamilya si Sabrina. Magandang babae ito at pihikan sa mga lalaki dahilan para hindi nito magustuhan ang manliligaw nitong si Alex, kahit pa na isa ito sa mga may malaking lupain gaya  nila at nanggaling din sa mayaman na pamilya,ngunit hindi nito nakitaan ang sarili ng kaunting interes sa lalaking ito at sa wirdong pag uugali nito ay nahumaling ito sa hardinero nila na si Leo.  Magsasaka ito at kung minsan ito ang namamahala sa lahat ng pananim nila at sa iba pa nila  mga halaman sa mansyon.  At sa hindi inaasahan nahumaling siya ng tuluyan sa lalaki, dahilan para itakwil siya ng ama niya. Noong una ay tinanggap niya ang lahat at nagkaroon pa ng isang supling bunga ng pagmamahalan nila.  Ngunit hindi na na tagalan ni Sabrina ang hirap na dinanas kay Leo pati na ang may sakit na ama n'ya. S'ya na lamang ang pag asa ng lahat upang gumaling ito doon tuluyan na s'yang lumayo kay Leo.  Iniwan niya  ang anak  kay Leo at  nagpakasal sa lalaking gusto ng kaniyang ama mapapangasawa noon pa man. 
like
bc
BURNING DESIRE
Updated at Jan 7, 2022, 07:58
Si Tiffany ay anak mayaman. Pilya at sakit sa ulo ng pamilyang Alejandro. Tanging gusto lamang ni Tiffany ay gumimik kasama ang mga kaibigan nito. Huminto ito sa pag-aaral dahil masamang impluwensiya ng mga kaibigan nito. Paano kung makilala ni Tiffany si Erick. Isang Pari sa simbahan at mabuting lalaki at tanging salita lamang ng diyos ang nilalaman ng isipan nito. Guwapo ito at lumaki sa disenteng pamilya, ngunit dahil sa nagbabagang naging pag ibig rito ni Tiffany ay nasira siya sa pagiging Pari. Naakit at nahulog ang loob ni Erick kay Tiffany at tuluyan nawalan ng lisensya sa pagiging Pari. Handa na ba si Erick talikuran ang paninilbihan sa diyos para lamang sa makasalanan na babae? O handa siya iwan ang babae para sa banal na simbahan at bumalik sa Pagiging Pari.
like
bc
TEARS OF BABY MAKER (BOOK 2)
Updated at Jan 6, 2022, 07:33
Ito ay karugtong lamang, ang perpektong pagsasama ni Zact at Clarissa ay sisirain ng isang trahedya. Bagay na kinasira ng pagsasama ng mag asawa, unti-unti nasira ang noong masayang pagsasama ng mag asawa. Nagmistulang nagbabaga na apoy ang galit ni Zact Montenegro rito matapos malaman ang panloloko sa kaniya ni Clarissa at malubhang sakit nito na kahit sa panahinip ay hindi sumagi sa isip ni Zact. Matapos makalaya sa kulungan ng pinsan ni Zact ay binalikan siya nito at nais gumanti. Makakaya ba ni Zact salagin ang matinding galit sa kaniya ng anak ng tiyuhin niya, kung nagbabalak ito sirain ang buhay niya at ang pamilyang binuo niya. Hanggang saan ang tatag ng pagsasama ni Clarissa at Zact, kung hindi na alam kung paano sila magsisimula. Mananaig pa rin ba ang pag ibig ni Zact rito o isusuko na ang babaeng noon na mahal na mahal.
like
bc
MY BADASS HUSBAND
Updated at Jan 4, 2022, 01:50
Gagawin ang lahat para mapasakaniya lamang ang lalaking noon pa niyang pinapangarap. Gamit ang koneksyon sa pamilya niya kay Troy Montefalco doon nagkaroon ng pag asa si Sarah para makuha ang binata. Edukada at disententeng babae si Sarah Lorenzo. Tumutulong sa kompanya ng mga magulang niya si Sarah nang makilala niya ang binata na si Troy, inimbitahan ang kanilang pamilya sa isang okasyon at doon agad nabighani ito sa binata. Tahimik ngunit sa nasa loob ang kulo, paulit-ulit sa kaniyang sinasabi ng binatang si Troy Montefalco. Hanggang saan ang tatag niya sa kaniyang badass husband kung hindi asawa ang turing nito sa kaniya. Sa kabila ng mga sakit na pinagdaanan niya kay Troy ay nagtiis si Sarah. Kabi-kabila ang mga naging babae nito ngunit naging bulag siya. Hindi lingid sa kaalaman niyang magiging komplikado ang lahat matapos ng sapilitan na kasal niya sa binata ngunit hindi nag laon ay unti-unti nahulog ang loob sa sakaniya ng binata. Ngunit tila naging huli na ang lahat para kay Troy, dahil matapos masaktan si Sarah kay Troy doon naging miserable si Sarah. Binago ang sarili at pinasok ang bagong buhay bilang Lesbian. Kaya ba muli kunin ng isang Enzel Troy Montefalco ang damdamin ng dalaga kung iba na ang landas na tinatahak nito. Hanggang saan ang pasensya ni Troy sa hindi kanais-nais na ganti sakaniya ni Sarah.
like
bc
BIRD IN THE CAGE-THE POLE DANCER
Updated at Jan 3, 2022, 19:08
Ibong mababa ang lipad ang tingin sa trabahong meron ang babaeng si Yasha. Masayahin at simpleng babae si Yasha,sa kabila ng mapait na mga alaalang iniwan sa kaniya ng ina ay buo ang loob tinahak nito ang landas at tadhana na meron ito. Si Reigan ang anak ni Alfredo Lorenzo,galit at namumuhi ito sa ama dahil sa ama ito ng malaking sindikatong hawak nito. Pinadala ni Alfredo ang anak na si Reigan sa ibang bansa upang doon mag aral at nang makabalik ay ang anak ang naging mortal na naging kaaway. Ang pag ibig ng binatang si Reigan kay Yasha ay hindi maikukubli,paano kung ang babaeng iniibig ay ang babaeng kinababaliwan ng kaniyang ama na si Alfredo Lorenzo. Kaya ba masikmura ni Reigan ang lahat,kaya ba pigilan ang sarili hanggang magawa ang paghihiganti na gusto sa ama gamit ang dalaga na si Yasha. Ang pakikipag laro ng apoy ni Reigan kay Yasha ang magbibigay ng matinding pagmamahal niya rito. Umibig ngunit matimbang ang pag nais gumanti sa ama kahit masaktan ang babaeng minamahal na si Yasha.
like
bc
AGREEMENT
Updated at Dec 30, 2021, 08:39
Isang kasunduan ang ibinigay ni Lucas kay Esther. Isang kasunduan kung saan kailangan niya magpakasal rito at gumanap na asawa sa loob ng dalawang taon. Kapalit ng malaking halaga na perang ibabayad ni Lucas rito doon ay pumayag si Esther. Madiskarte sa buhay si Esther, nakilala niya si Lucas sa comedy bar na pinagta-trabahohan nito. At nang tanggapin ni Esther ang alok ni Lucas doon nag umpisa ang kalbaryo niya bilang pekeng asawa ni Lucas Sandoval. Ang pagpapanggap ni Lucas at Esther ay mauuwi sa pagmamahalan, ano nga ba ang matimbang kay Esther? Ang malaking perang makukuha o ang labis na pag ibig ng binata. Paanong kung mawala ang lahat kay Lucas matapos malaman ng Lolo nito ang agreement nila at pangpapanggap nila. Kaya ba ipagpalit ni Esther sa malaking pera si Lucas at iwan niya. O ipaglalaban ang lalaking minamahal mula sa matapobreng Lolo nito.
like
bc
A MAN OF MY DREAMS
Updated at Dec 30, 2021, 08:06
Matapos maikasal ni Ysabell kay Rafael ay nagsama sila. Isang bussiness man si Rafael, sampung taon ang tanda nito kay Ysabell at sa edad ni Ysabell na bente otso doon nagpakasal siya kay Rafael. Maituturing na perpektong lalaki si Rafael para sa kaniya. Halos lahat ng bagay na hinahanap niya sa lalaki ay nasa katangian ni Rafael. Guwapo at binata bukod doon ay maraming hinahawakan na malalaking negosyo si Rafael. Ngunit paano kung sa isang pitik ay magbago ang lahat. Napunta sa nakaraan si Ysabell, nagising na lamang siya sa nakaraan na taon at muli nakita ang dating nobyo niyang si Enzo. Muli nanumbalik ang lahat ng nararamdaman niya sa dating nobyo at ang tanging paraan niya para makaiwas sa dating nobyo na si Enzo ay iyon ay kailangan niya hanapin ang lalaking kasalukuyang pinakasalan niya at iyon si Rafael. Ngunit paano niya hahanapin ito kung hindi alam kung saan siya magsisimula. Halos masiraan ng bait si Ysabell sa kababalaghan na nangyari sa buhay niya. Mula sa edad na bente-otso ay bumalik siya sa edad niyang disi-otso. Naguguluhan man at walang naniniwala sa sinasabi niya ngunit nagpakatatag si Ysabella at hinanap ang lalaking pinakasalan niya sa kasalukuyan. At nang mahanap ito ni Ysabell ay labis siyang nasaktan. Nanaisin pa ba ni Ysabell bumalik sa kasalukuyan kung sobra siyang sinaktan ng lalaking pinakasalan niya sa kasalukuyan na si Rafael.
like
bc
BABY MAKER
Updated at Dec 29, 2021, 10:41
Mapagmahal na Anak si Clarissa. Mabuting kapatid sa mga nakakabata nitong kapatid,mulat sa totoong reyalidad.  Lumaki ito sa hirap kaya't nagparaya na tumigil sa pag-aaral ma suportahan lamang ang mga kapatid.  Dumating ang araw na pati ang pansarili na kaligayahan nito ay itaya  n'ya alang-ala sa kaniyang ina at mga kapatid. Ang trabaho na pinasok n'ya ang magpa pabago sa buhay n'ya. Handa kaya n'ya isugal ang sarili alang-ala sa kaniyang pamilya, o handa s'ya talikuran ang lahat alang-ala sa lalaking mahal niya.  Matapos ipaglaban siya ni Zact,nagkaroon ng pag-asa si Clarissa at nagtiwala kay Zact Montenegro. Ang pag ibig ni Zact kay Clarissa ang naging sandigan nito,hanggang sa makuha nila ang kalayaan na matagal ng pangarap ni Clarissa at Zact. 
like
bc
UNFORGETTABLE LOVE
Updated at Dec 27, 2021, 23:09
Mapaglaro, lumaki sa karangyaan. Iyan si Drake Sandoval, matalik na kaibigan nito si Harley. Mga bata pa lamang ang mga ito ay magkasama na si Harley at si Drake. Anim sila magkakaibigan, si Vanessa at Reign, Samantha at Marco. Matapos ng aksidenteng naganap sa pagitan nila ni Harley at Drake maibabalik pa ba ang pag kakaibigan sa paglipas ng taon. Sa anim na magkakaibigan Si Reign at Harley ang nakatakda na ikasal, ngunit paano kung ginugulo si Harley ng nakaraan nila ni Drake. Makakaya mo ba pigilan ang sarili na huwag mahumaling sa lalaking alam mong noon pa man ay laman na ng isip at damdamin mo.
like
bc
SA TUWING SASAPIT ANG GABI
Updated at Dec 27, 2021, 07:25
Isang militar si Xander, nagpasiya bumili ng lupain sa isang liblib na probinsya. Nais niya manirahan mag isa roon, magawa ang lahat ng gusto niya ngunit sumapit ang gabi nagmulat mula sa pagkakatulog ng mahimbing nabungaran ang hindi kilalang babae sa kaniyang kama. Dahil sa kagandahan nitong taglay ay tila na hipnotismo si Xander. Sa tuwing gigising xng umaga ay 'wala na ang babaeng nabungaran at sa tuwing sasapit ang gabi ay muli nakakapiling niya ang babaeng hindi kilala. Unti-unti nahumaling si Xander ngunit isang malaking tanong sa isipan ni Xander, sino ang babaeng ito at kung bakit sa gabi niya lamang ito nakakapiling at nakikita.
like
bc
THE BEAUTY AND A BEAST-VALDERRAMA SERIES.
Updated at Dec 16, 2021, 18:21
Mamahalin mo pa ba kapag nalaman mo ang lalaking minahal mo ng husto ay sukdulan pala ang kasamaan. Ang lalaking pinagtinda mo ng isda sa palengke at naging katuwang mo sa hanap buhay ay mayroong hinawakan na malaking grupo na sindikato. Matapos mawalan ng ala-ala si Kiel nakilala nito si Beauty, isang dalaga na masayahin at puno ng mga pangarap. Nahumaling siya sa dalaga subalit nang manumbalik ang ala-ala niya doon ay tumigil ang mundo ni Kiel. Lahat ng ala-ala niya at kung sino siya ay nanumbalik. Maibabalik pa ba ang pag mamahalan nila ni Beauty kung ibang tao na ang lalaking minahal noon.
like
bc
FAITHFUL WIFE
Updated at Nov 7, 2021, 10:03
Nagmahal ng lubos si Cynthia,nagpakasal ito kay Miguel at binigyan sila ng tatlong anak. Si Miguel ang unang lalaki sa buhay ni Cynthia,nakipagtanan s'ya rito noon dahil sa naglayas s'ya sa mga magulang niya at nakabuo sila ng pamilya ni Miguel. Estudyante pa lamang sila ni Miguel ay hilig na ni Miguel ang pakikipag karera,hinayaan ni Cynthia sa mga gusto nito pero dumating ang araw na hindi n'ya alam kung matatanggap n'ya nang pagtaksilan s'ya ng asawa na si Miguel. Si Chona ay gaya ni Miguel ay mahilig makipag karera gamit ang motorsiklo,anak mahirap ito kaya't pinagkakakitaan ang pakikipag karera nito kung saan-saan na lugar,nakilala nito si Miguel at nahulog ang loob rito. Sinikap nito mapalapit kay Miguel dahil sobra n'ya itong gusto hanggang sa nalaman nito na mayroon na pa lang asawa at pamilya si Miguel.
like
bc
MAKE YOUR MAID OR MAKE YOUR PRECIOUS WOMAN
Updated at Oct 2, 2021, 22:06
Si Jessie Domingo ay laki sa probinsya sa kagustuhan niya mapagawa ang bahay sa probinsya. Nagtrabaho ito sa Maynila bilang kasambahay o katulong. Doon niya nakilala si Jacob Go. Alyas Kobi, isa itong abogado ito ang naging amo niya at hindi sinasadya naibigay nito ang pagkababae niya kahit pa isa itong single Father, at sa bandang huli ay masasaktan lang pala siya dito dahila upang bumaling kay sa kaibigan ni Jacob na si Jonas ang pag ibig niya. Isang lihim na pag iibigan ang muli umusbong sa pagitan nila ni Jacob at Jessie. Nanatili lihim ito sa nobyo ni Jessie na si Jonas, at ganoon na lamang galit ni Jonas ng malaman ang pagtataksil ni Jessie
like
bc
THE WERE WOLF AND THE VAMPIRE(BLOODY MOON)
Updated at May 22, 2021, 15:57
Mula sa pagitan ng lobo at bampira ay hindi lingid sa kaalaman natin ang pagkakaroon nito ng hidwaan mortal itong magka laban  Ngunit paano kung iibigin mong babae ay ang mortal mong kaaway, hanggang saan mo ito kayang ipaglaban at ipagtatanggol, hahayaan mo nalang ba mamatay ang babaeng mahal mo o mananatili ka padin sa tabi nito at iharang ang isang malaking pader mula sa kanya at walang sino man ang makapanakit  sa babaeng mahal mo.   Pero ang pagmamahal sa isang babaeng lobo ang tuluyan hihila sakanya sa kamatayan, iaalay n'ya ba ang kanyang buhay para sa babaeng mahal, upang mabuhay lang ito ngunit hanggang kailan. Si Matthew ang pinakamalakas na bampira. May dugo ito mula sa mga ninuno nito na isang lycan. Nang isang araw magtagpo sila nang babaeng lobo isa man itong lobo ay hindi siya napigilan upang hindi mahalin ito. Isang araw muli niya nakita ang dalaga sa isang club, kaya wala siyang sinayang na pagkakataon na hindi ito makilala at makasama. Malaki man ang pagtataka sa kakaibang pakiramdam niya dito ay pinagsa wlang bahala niya. Nagkaroon sila ng isang gabing pagtatalik ng dalaga ngunit huli na nang malaman niya ang babaeng inakala niyang ang babaeng lobo ay hindi. Ibang babae man ang nabalingan niya ng pagmamahal sa huli ay ang pag iibigan pa din ni Samantha at Mathew ang nanaig pilitin man niyang baguhin ang nakasaad sa propisya pero tila hindi na mababago pa, dahil dumating ang panahon na ang galit niya ang papatay kay Samantha.
like