KABANATA 1
Suot ang long sleeve polo na tinaas hanggang siko,nagmamadali sa pag sakay ng sasakyan paalis ng Penthouse. Bahagyang niluwagan ng isang kamay ang neck tie na suot dahil sa galit na namumuo sa akin.
Matulin ako nagmamaneho pauwi ng bahay, nabigla ako nang tumawag sa phone ko ang Mommy at sinabing mayroong kasamang ibang babae si Dad sa Mansyon. Kunot noon na binabaybay ko ang daan, binalingan ang makapal na relo sa kamay at tumingin sa oras. Nang makarating ay galit ko sinara ang pinto ng sasakyan at malaking mga hakbang ang ginawa papasok sa loob ng mansyon.
Mabilis tinungo ang limang palapag at tinadyakan ang pinto ng kwarto. Tumambad sa mukha ko ang magulo ang buhok at hubo't hubad na babaeng nasa kama, nalipat ang tingin ko kay Daddy na wala ang pang itaas na damit at nakaibabaw mahigpit na hawak ang dalawang kamay ng babae. Nang magkatitigan kami ni Dad ay binalingan ko ang babae ay mabilis dinampot ang damit na nasa lapag at isinuot. Nagbabaga ang mga mata ko sa galit.
"Bakit nag dala ka ng prostitute dito sa bahay!" singhal ko kay Dad.
Bumangon si Daddy sa kama at kinuha ang lahat ng pera sa wallet at dinampot ang nag nito na nasa lapag, pinasok nito sa bag ng babae ang hawak na makapal na pera at tala inabot sa babaeng ngayon ay nakasuot na ng mga damit. Pinagmasdan ko ang mukha ng babae ng mawala ang nakatakip na buhok sa mukha nito. Nag kuyom ang mga kamay ko at binalingan ang babae. Hinila ko ito sa suot nitong damit at kinaladkad palabas ng mansyon. Binitiwan at pa balibag ko binagsak sa lupa ang babae, tirik ang araw at tumama ang sinag ng araw sa mukha nito dahilan para mapatitig ako sa magandang mukha nito.
"Stay away from my Dad,or else ako ang makakalaban mo," singhal ko rito at nakitang ika-ika itong naglakad dinampot iyong bag at mataas na high heels at nagmamadaling umalis sa harap ko.
Napalunok ako at bumaling sa pinto ng mansyon, nakitang nakatayo si Daddy at pinanonood kami. Galit ako lumapit rito at kinuwelyuhan ito.
"Don't provoke me or else! Or else ibabalik kita sa kulungan na pinanggalingan mo," singhal ko.
Mahina ito tumawa at ngumisi.
"Do everything of me my son, susuportahan kita," wika nito at malakas akong tinulak palayo rito.
Lumunok at malalim nag buntong hininga. Nag lakad ako patungo sa sasakyan at padabog sumakay sa sasakyan ko. Sandali na tahimik at biglang hinampas ng malakas ang manibela, gustong-gusto ko na siya saktan. Sa mga ginagawa niya kay Mommy hinding-hindi ko na kaya tiisin, mariin na nagmura at naglipat ng tingin sa daan. Binuhay ang makina at nag simula patakbuhin ang sasakyan, habang minamaneho natigilan ako nang makita ang babaeng naging kasama ni Dad sa kwarto. Tulalang naglalakad ito habang wala sa sarili, agad bumusina ako ng malakas na nagpa gulat rito. Huminto ang sasakyan sa gilid nito at binuksan ko ang bintana hanggang sa nagkatinginan kami nito. Maya-maya ay sinara ang bintana at mabilis pinaharurot ang sasakyan paalis sa gilid nito.
YASHA POV.
Naninigarilyo sa labas ng bahay nila nang maratnan ko si Thelma binalingan ako at nag salita.
"Bakit ganiyan ang ayos mo? Anong nangyari sa lakad mo?" tanong ni Thelma.
"Sa kasamaan palad Thelma. Ang lalaking iyon, muntikan na ako gahasin. Mabuti na lamang at dumating ang anak niyang lalaki," mahabang turan ko.
"Gosh! Sana pumayag ka na lang!" turan ni Thelma at kunot noo ako napatitig rito.
"Iyong datong naman, Yasha! Isang bigayan lang ay buhay na buhay ka na!" natataranta na wika nito.
"Hoy, tumigil ka! Huwag mo ako itulad sayo, isang bulig lang nag huhubad ka na ng panty mo!" singhal ko rito.
"Hoy, hindi ah. Gumagawa ka ng kwento diyan," turan nito.
"Oo nga pala, nahuli kayo ng anak ni Sir, Fredo? Oh, anong ginawa?" gulat na tanong nito.
"Nag pa-party Thelma!" singhal ko rito at umirap ito.
"Ano pa ba, Thelma. Syempre, galit. Galit na galit Thelma. Akala ko nga kakainin na ako ng buhay nang maratnan kami sa kuwarto," turan ko at pumasok sa na sa loob ng apartment na tinutuluyan namin ni Thelma.
Dumeretso sa loob at hinubad lahat ng suot at mabilis naligo sa banyo, maya-maya ay malakas na kumatok si Thelma sa pinto ng banyo.
"Ano ba Thelma! Naliligo ako!" reklamong sigaw ko mula sa loob ng banyo.
"Sinabi ko na sayo, kung ayaw mo kay Sir, Fredo. Ibigay mo na lamang siya sa akin!" wika nito sa labas ng banyo.
"Sayo na! Isaksak mo sa baga mo!" turan ko rito nang buksan ang pinto at basang nakatapis ng puting tuwalya.
"Bakit ba naman ayaw mo kay Sir Fredo, hindi pa naman ganoon katanda 'yong tao, 'e. Bukod sa guwapo, mayaman. Ano pa ba ang hahanapin mo, kwarenta otso pa lamang iyon at hibang na hibang pa sayo!" mahabang wika nito.
"Alam mo Thelma, sa halip talak ng talak ka diyan. Pahiramin mo na lang ako ng blower mo,matutulog pa ako," wika ko.
Hiniram ko ang blower ni Thelma at bago matulog ay pinatuyo ang buhok gamit iyon, habang nakaupo sa harap ng salamin ay naaalala ko ang ginawa ni Fredo sa akin kanina. Dismayado ako sa naging ganap nang maratnan kami sa gaanong eksena ng anak nito.
"Hayst! Nakakahiya!" inis na sambit ko at muli tinutok ang hair dryer sa buhok.
Maya-maya ay nag umpisa na matulog at pikit ang mga mata. Nagising ako sa malalakas na tapik ni Thelma.
"Yasha! Yasha, gising na. Mahuhuli na tayo sa club," rinig ko habang nakapikit.
"Sige, babangon na," wika ko at pikit mata bumangon.
Sandali ako natulala at bumungad sa harap ko si Thelma habang nakaupo sa mesa at nagkakape.
"Paano, mauuna na ako sayo," wika nito habang bihis na at handa na umalis.
"Okay, sige. Ingat ka," turan ko.
Nang makaalis ito ay pinagtatapik ko ang mga pisngi upang magising ang diwa, tinungo ko ang banyo ngunit umupo saglit sa banyo at sinandal ang ulo sa dingding ng banyo. Hindi ko namalayan muli ako nakatulog sa banyo at nang magising ay kumaripas ako ng pag ligo dahil late na ako sa club na pinapasukan ko. Nang makapag bihis agad dinampot ang malaking itim na bag at nag madali lumabas ng bahay, sumakay ako ng taxi at nagpa hatid sa pupuntahan.
"Hay nako, late na naman ako! Anong oras na kaya," sambit ko sa sarili at tumingin sa phone na hawak ko.
"Hala, hindi puwede ito! Alas-dyes na ng gabi," sambit ko at bumaling sa driver.
"Manong! Paki bilis ng kaunti, mag ti-tip na lang po ako sa inyo," baling ko sa driver.
Nang makarating sa club, nagmamadali ako nagtungo sa dressing room at sinuot ang pulang ternong kulay pula na panty at bra.
"Iba ka talaga,Yas. Late ka na naman," bungad ni Tita,Vien sa akin.
"Sorry, Tita Vien. Hindi na mauulit," nahihiyang wika ko.
"Pasalamat ka at maraming negosyanteng nagkakandarapa sayo dito, kung hindi matagal na kita tinanggal," wika nito at padabog lumabas ng dressing room.
Napabuntong hininga ako at muli bumaling sa malaking salamin at pinagmasdan mabuti ang kabuuan ko, tipid akong ngumiti pero sa loob ng puso ko ay may kung anong bumabara.